Sssh.38

42K 466 58
                                    

[VENICE's POV]

Nandito na ako. Sa tapat ng AK Entertainment. Kung nasaan ang office ng Manager ni Rave. Kinakabahan talaga ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Pumikit muna ako ng mariin at huminga ng malalim bago iminulat ko ulit ang mga mata ko.

"Kaya mo yan Venice. Maguusap lang naman kayo eh. Go!" bulong na sabi ko sa sarili ko bago ako tuluyang pumasok na sa loob.

Isang babaeng mukhang nasa 30's na ata ang sumalubong sakin at nagpakilalang Secretary daw ng Manager ni Rave. Itinuro nya saakin yung way kung saan ang Office.

"You can come in now. Good day Ms. Austria." nakangiting sabi sakin nung Secretary sabay nagbow sya bago umalis.

Tiningnan ko muna yung itsura ko sa malaking salamin sa tapat nung Office door nya. Huminga ulit ako ng malalim habang nakatingin sa sarili ko bago humarap hulit sa Office door.

Hinawakan ko na yung doorknob at pipihitin ko na sana nang biglang bumukas ito.

Napapigil ako bigla ng hininga nang magbukas iyon. Isang matangkad, maputi at mukhang professional din ang nakatayo ngayon sa harap ko. Siya na siguro ang Manager ni Rave.

Bakit ganun? Mukhang bata rin sya? >.<

Tiningnan nya muna ako mula ulo hanggang paa bago nginitian nya ako.

"You must be Venice? Come on in." nakangiting alok nya sakin.

Sinunod ko sya at pumasok na ako sa loob.

Ewan ko pero parang nailang ako na ilibot ang mga mata ko sa buong kwarto. Kasi naman puro mukha ni RAVE lang naman ang mga nakapaskil sa pader!

"Have a sit." turo nya sa sofa doon.

Umupo ako pagkasabi nya nun. Pagkatapos ay umupo rin sya sa katapat na sofa.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora