Sssh.37

44K 399 26
                                    

Pasensya guys kung now lang ah. Sana maintindihan nyo ako super busy lang talaga ajuju >.< So eto na update ko. Enjoy~

***

Tatlong taon na ang nakakalipas pero patuloy pa rin ang ginagawa nya. Habang busy ang Mommy ko at nagpapakapagod sa trabaho, heto nanaman sya nagpapakasarap naman sa kanyang babae.

 

 

 

Nandito nanaman sila. Sa kwarto nila Mommy. Kasama ang babaeng yun.

 

 

 

"Hi cute little boy! Gusto mo ng kalaro? Here meet my daughter. Be nice to her okay?"

 

 

 

Pagkapasok nila ng kwarto ay iniwan nila saakin ang isang batang babae. Tiningnan ko pang sya mula ulo hanggang paa.

 

 

 

Naging bunga kaya sya ng kataksilan ni Daddy?

 

 

 

Kung OO, hinding hindi ko rin ito mapapatawad!

 

 

 

May hawak hawak syang isanh manika. Kanina pa nya ito nilalaro sa kamay nya. Hinablot ko ito at unti-onting sinira sa harap nya. Tiningnan nya ako sa mga mata ko at nagsimula na syang umiyak.

 

 

 

"B-bakit mo n-nisira yung doll k-ko? B-bad ka! S-sumbong kita s-sa Mommy to!" sabi nya sa pagitan ng iyak nya.

 

 

 

"Wala akong pakialam sayo! I hate you! I hate your mom! I'll kill you both!" sigaw ko sakanya sabay tinulak ko sya ng malakas. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak ko ay natumba sya at naumpog ang ulo nya.

 

 

 

Napatigil na lang ako dun habang nakatayo. Habang nakatingin sakanya.

 

 

 

Dugo.

 

 

 

Dugo maraming dugo...

 

 

 

Ayun ang nakikita ko mula sa sahig...

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now