Sssh.54

32.5K 510 52
                                    

[THIRD]

"Uyyy friend?! Nakikinig ka ba? Jusko kanina pa ako dada ng dada dito hangin lang pala kausap ko." inis na sabi ni Ava habang napakamot ito sa ulo nya.

"H-Huh? A-Ano yun?" kanina pa kasi parang nagmumuni-muni si Venice doon.

"Tch, ang sabi ko ito yung mga gamot na dapat mong inumin. Okay? Wala ka daw dapat ma-miss kahit isa sabi nung Doctor. Hays ang hirap naman maging chimimay mo." nakapout na sabi ni Ava habang binabasa isa-isa yung mga gamot na nabili nila kanina.

Tumango lang si Venice at napabuntong hininga. Kanina pa nahahalata ni Ava na parang wala ito sa sarili nya.

"Friend ano ba? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa ah! Ano nanaman bang iniisip mo? Sabihin mo nga sakin!" sabi ni Ava at umupo sa tabi ni Venice.

Tumingin sakanya si Venice at nagpilit ngumiti.

"W-Wala 'to. May naalala lang ako." sagot ni Venice.

"Jusko friend wala lang? Eh simula paggising mo hanggang ngayon hindi ka na makausap ng matino. Makakasama sayo yan eh. Ano ba kasi yun?" pagpupumilit ni Ava.

"Si Rave... Ava si Rave yung batang lalaki sa panaginip ko." seryosong sabi ni Venice kay Ava.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ava.

"Seryoso friend?! Paano nangyari? Jusko ano nanaman ba itong nalaman ko tungkol sa past mo?" gulong gulo na sabi ni Ava with matching kamot sa ulo gamit ang dalawang kamay nya.

"Ayun na nga eh. Ang gulo lang talaga. Pero nung nakausap ko yung matandang lalaking yun, luminaw na ang lahat saakin."

"Pero bakit kailangan pang itago lahat sakin ito ni Rave?" dagdag ni Venice.

"Hay naku friend! Ewan ko ba sa lovelife mo ang gulo gulo. Kung gusto mo puntahan mo na lang si Fafa Rave at kausapin mo about dyan. Pero binabalaan kita friend ah, yang health mo bantay batayan mo." pagpapaalala ni Ava kay Venice.

"Salamat Ava ah.." sabi ni Venice at ngumiti lang kay Ava.

"Wala yun friend. Kaw pa? Bakit ba ayaw mo pang sabihin kay Fafa Rave? Tanggap ka naman nun eh."

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon