Sssh.34

46.2K 420 61
                                    

[VENICE's POV]

Nandito kami ngayon sa lugar na kung saan kami madalas na nakatambay ni Law. Isang Coffee Shop.

Alam kong mali ang ginawa kong pagsama sakanya, pero di ko alam kung bakit hindi ko kayang magalit sakanya ng sobra sobra.

"Here, ito yung favorite diba?" nakangiting sabi sakin ni Law sabay abot nung inorder nya para sakin.

"S-salamat.." ilang na sagot ko at uminom na lang ako.

"Venice..." tawag nya sakin. Halata sa boses nya na parang kinakabahan sya na ewan.

Kahit naman ako ganun ang nararamdaman ko ngayon. Matagal na rin kasi nung huli kaming nagkita at nagkausap. At yun yung mga oras na nalaman kong may namamagitan pala sakanila ng bestfriend kong si Olene.

Tumingin lang ako sakanya kahit parang ilang ako. Nakita ko syang napabuntong hininga bago tumingin sakin ng deretso.

Hindi ko alam pero nung tumingin sya sakin deretso sa mga mata ko parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Namimiss ko sya! Oo namimiss ko na nga sya pero mali na ito.

Naibaba ko yung iniinom ko at napatingin sa ibang direksyon.

Nanlaki ang dalawang mata ko ng hawakan nya ang kamay ko.

"Venice... I'm sorry. Alam ko sobrang laki ng kasalanan ko sayo. At kahit humingi man ako ng tawad sayo eh hindi mo ako agad-agad na mapapatawad." sabi nya sakin. Nararamdaman kong seryoso sya sa mga sinasabi nya.

Nagsisisi sya. Nagsisisi sya sa nagawa nya. Pero huli na ang lahat.

Hinigit ko ng bahagya ang kamay ko na hawak nya at tumingin sakanya.

"L-Law... Wala na yun. Nangyari na ang dapat mangyari. Masakit para sakin pero pinipilit kong kalimutan ang lahat."

"I know Venice... Sorry talaga." napabuntong hininga sya at medyo napayuko.

Teka... Umiiyak ba sya?

Kumunot ang noo ko nang makita ko syang parang may pinunasan sa mukha nya. Umiiyak nga yata sya, bakit?

"L-Law.."

Bigla nyang iniangat ang ulo nya at ngumiti pero alam kong pilit lang yun.

"Nakakatawa. Ang laking tanga ko lang."

"A-ano?" takang tanong ko.

"A-ahh wala.. Haha.. Di naman ito ang ipinunta ko talaga dito. May gusto lang akong itanong sayo."

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Hindi kasi ako mapakali. First time kong makita si Law na ganito.

Ngumiti sya ulit sakin at tumango.

"Itatanong ko lang sana yung time na magkasama tayo sa Hotel namin noon. Tanda mo pa ba yun?"

Hotel?

"H-Hotel? Ahhh.. O-Oo, bakit?" Bakit naman nya natanong yun?

"Nagtataka lang kasi ako kung paano nakapasok dun yung Rave Shinn na yun at ikaw pa ang hinahanap. Magkakilala ba kayo Venice?" tanong nya sakin.

Nung pagkarinig ko nun ay napatigil ako bigla. Mas lalo akong kinakabahan ngayon.

Tinatanong nya ako kung magkakilala kami ni Rave. Oh my God! Anong sasabihin ko?

Ayoko naman sabihin sakanya kung saan lahat nagmula ang pagkakakilala ko kay Rave. Baka kung ano pang gawin sakin ni Law, mahirap na.

Isip Venice, isip!

"Venice? Okay ka lang?" tanong nya. Nahalata nya ata na parang naging uneasy ako.

"Anong koneksyon mo sakanya Venice?" tanong nya ulit sakin. Pero wala talaga akong masabing palusot.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now