Sssh.46

37.1K 416 42
                                    

[THIRD]


Nasa may sasakyan na sila Venice at Rave papunta sa Dinner Date nila. Nagpahatid sila sa driver ni Rave.

Habang nasa biyahe sila ay hindi naman mapigilan ni Rave na hindi mapatingin kay Venice. Ibang iba kasi ang itsura nito. Nagmukha syang isang sopistikadang babae. Although she looks like a baby inside, but she looks like a grown woman outside. Nahalata naman ito ni Venice.

"B-Bakit?" naiilang na tanong ni Venice kay Rave.

Napangiti lang si Rave at hinawakan nito ang kamay ni Venice sabay hinalikan.

"Nothing. It just that... I'm stunned by your beauty." nakangiting sabi nito kay Venice.

"Specially in that dress." dagdag nito.

Hindi naman alam ni Venice kung ano ang kanyang isasagot. Bigla na lang itong namula at nagpilit na lang ngumiti.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na sila sa Venue. Naunang bumaba si Rave at ipinagbuksan nya ng pinto si Venice.

"T-Thanks.." ilang pa rin na sagot ni Venice.

"You're welcome!" ngumiti ito sabay nagbow pa sakanya.

"You are my princess tonight. So let me serve you." dagdag nito at hinawakan na nya ang kamay ni Venice.

Maglalakad na sana sila papasok nang biglang pinigilan ito ni Venice.

"Why Nadine? What's wrong?"

"How about my disguise?" medyo pabulong na tanong ni Venice at tumingin tingin ito sa paligid.

Napangiti naman si Rave at iniling nito ang ulo nya.

"No need Nadine. Trust me okay? Now, let's go." yaya na nito kaya sumunod na lang din ni Venice.

Nagulat nanaman si Venice nang ipinagbuksan sya nito ng pinto. Pagkapasok nila ay may sumalubong sakanila at itinuro kung saang way sila pupunta.

Nang makarating na sila sa table nila ay ipinaghila naman ito ni Rave ng upuan. Sa isip-isip ni Venice ay naguguluhan na ito sa ikinikilos ni Rave.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz