Forbidden 8

5 0 0
                                    

"Mga tol, pass muna ako sa laro, hahatid ko lang si Cess." paalam ko sa mga bonak na nakatipon tipon na sa may waiting shed para tumawid papuntang TNC. Sa kabila naman ay ang mga tropa rin ni Cess na sila Dane ang nag uusap.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nakakasira talaga ng laro ang mga babae pre." sabi ni Ken.

"Minsan lang naman mga pre sige na." tumawid na sila at habang tinatanaw ko sila at may biglang humawak sa kamay ko. Si Cess pala. Kinawayan pa niya ang mga kaibigan na nakasakay na pala ng jeep.

"Tara na?" tumango siya at matamis na ngumiti kaya kami naman ang sumakay na ng jeep.

Bumili muna kami ng mga snacks at ilang softdrinks pagkatapos ay tsaka kami pumunta sa totoong pakay.

Muli kaming pumunta sa cliff na pinagdalahan ko sa kanya noon nung mabastos siya sa TNC. Ang favorite place ko, na favorite place niya na rin. Mabuti na nga lang at hapon na. Kaya hindi na mainit at kaunting oras na lang ay palubog na rin ang araw.

Inilapag namin sa blanket na dala ko ang mga pagkain at magkatabi kaming umupong dalawa. Kapwa nakaunat ang mga paa at nakatingin sa pang hapong araw.

Hindi kami nag uusap, nakita ko na nakatingin lang siya sa malayo at tila may malalim na iniisip kaya naman nagbukas na lang ako ng chichirya.

Kumakain ako habang nakatingin lang din sa mga nag lalakihang mga gusali at nagdadaang mga sasakyan sa baba. Sa mga taong naglalakad na kasing laki lamang ng langgam sa paningin ko.

"Alex." nagulat pa ko ng bigla na lamang magsalita si Cess. Kaya naman napatingin ako agad.

"Bakit?" tanong ko na may pagtataka.

"Don't get tired of waiting ah. Promise me, you won't. I- I just can't talk to Joe about this yet. About us. She's in a state of depression, on her breakdown. Ayaw ko naman na may mangyaring masama sa kanya dahil kahit papaano e meron pa rin naman kaming pinagsamahan. Please, Alex. Konting oras lang." nagmamakaawang pakiusap ni Cess kay Alex.

Hinawakan ni Alex ang kamay ni Cess at dinala ito sa kanyang labi at hinalikan habang nakatingin sa mga mata ni Cess. "I'll wait for you even if it means forever. Kaya sana wag ka ng mag over think masyado. I won't leave, I won't get tired. I promise." bumitaw si Alex sa kamay ni Cess at kumuha ulit sa chichirya na hawak niya at sinubuan si Cess

Isang mahabang katahimikin ulit bago magtanong si Alex.

"Ano ba tayo, Cess? I know that we're more than friends and less than lovers. Pero anong meaning nun? Can't we date in public? Or post you on social media?" bakas ang kalituhan sa mukha ni Alex.

"Hindi pa natin pwedeng gawin ang public na paglabas na tayong dalawa lang. Lalo na ang pag post sa social media. After all, hindi pa nila alam. Joe can't see us yet." napaiwas ng tingin si Alex sa sinabi ni Cess. Kung alam mo lang.

"Do you still love her?" rinig ang hinanakit sa boses ni Alex sa tanong niya.

"Yes, I mean no! I told you naman na diba?" maingat na hinawakan ni Cess ang magkabila nyang pisngi. "Ikaw na ang mahal ko. At mahal na mahal kita, Alex." ginawaran niya ito ng mabilis na halik sa labi at niyakap naman siya nito ng mahigpit.

"Teka nga, bakit ba ang drama natin?" Humiwalay si Alex at natatawang nakatingin kay Cess.

Hinampas naman ni Cess si Alex ng pabiro sa balikat at sinabing, "ikaw to dyan eh"

"Dapat nga masaya tayo, dahil kahit pa sabihing nakaw na sandali lang natin to, espesyal na to dahil solo kita." mayabang na sambit ni Alex. "at minsan lang to mangyayari dahil sa mga body guards nating bonak."

"Ano ba ang ibig sabihin ng bonak?" nagtatanong ang mga mata ni Cess ngunit pagkuwan ay natatawa tawa rin dahil alam niyang hindi ito magandang salita para ilarawan ang mga kaibigan nila.

"Seryoso ka, hindi mo alam?" sinimangutan naman siya ni Cess at pgakatapos ay umiling ng ilang ulit. "Mukha ba akong nagbibiro ha?"

"Bonak means.." biglang ngumuso si Alex habang mapaglarong tumatawa. Sabay sabi ng, "Kiss ko muna"

"Anong kiss? Kiskis mo mukha mo," tinakpan ni Cess ang kanyang bibig at sabay silang nagtawanan. Tumayo na lamang si Cess at dumila kay Alex.

"O sige, may premyo ka sakin kapag nahuli mo ako. Hahaha!" bigla na lamang itong tumakbo. Napapailing na lamang si Alex at tumayo na rin para habulin ito.

"Wag kang magpapahuli sakin ha? Kundi lagot ka! Hahaha!" sigaw ni Alex sa likuran habang hinahabol niya ang dalaga.

"Nyenyenye! Daming satsat. Ang bagal naman tumakbo." nang aasar na sabi ni Cess. Pero laking gulat na lang niya ng may biglang yumakap sa bewang niya mula sa likuran.

"Huli ka balbon! Hahaha!" sabi ni Alex ng mahuli niya si Cess. "Anong premyo ulit?" ngumisi si Alex habang ibinabaon ang mukha sa leeg ni Cess. Ramdam niyang hininga ni Alex kaya naman nakikiliti siyang humarap rito.

Ipinulupot niyang mga braso sa leeg ni Alex habang ang mga kamay naman ni Alex ay marahang hinahaplos ang bewang niya.

"Premyo? May sinabi ba kong ganun?" nang iinis na sabi ni Cess.

Pero seryoso lamang na nakatitig si Alex sa mga mata ni Cess na para bang sinasaulo niya hitsura nito.

"I love you, Cess. Be my girlfriend." nabigla si Cess sa sinabi sa kanya ni Alex. Ngunit marahil dala ng kabiglaan niya ay napatango siya at napa-oo.

"T-talaga? Wala ng bawian ah!" gusto man bawiin ni Cess ang nasabi ay ayaw naman niyang pawiin ang saya na nadarama ni Alex.

Mabilis na lumapat ang labi ni Alex sa labi ni Cess. Hinalikan niya ito ng buong pagmamahal. Mabagal ang ritmo kaya naman nasabayan agad ito ni Cess. Ngunit takang nakatingin si Alex sa nobya ng bigla na lamang itong tumigil sa paghalik sa kanya pagkat ng nag ring ang telepono nito at kailangan sagutin.

"Wait lang saglit lang to." sabi nito sa kanya at akmang tatalikod na ng bigla na lamang hapitin ni Alex ang leeg ni Cess at halikan siyang ulit sa labi. Madiin at pwersado na para bang sabik na sabik ito sa kanya ng mahabang panahon. Pilit rin kinukuha ni Alex sa kamay ni Cess ang cellphone niya ngunit mahigpit niya itong hinawakan at marahan itinulak si Alex sa balikat para mapalayo ito sa kanya.

Napaamang naman ang bibig ni Alex.
"Saglit lang to promise." sabi ni Cess.

"Do you really have to answer that? Mas importante ba yan kaysa sakin?" sumakit bigla ang dibdib ni Alex at para bang tinurusok ang puso niya ng dahan dahang tumango si Cess.

"Ok. Go answer it." tumalikod na si Cess, alam niyang nasaktan niya si Alex ngunit kailangan niyang sagutin agad ang tawag. May kutob kasi siya na emergency iyon.

"Ano?! O sige sige! Pupunta na ako agad dyan. Ha? Bantayan niyo muna siya! Oo, oo! On the way na ako! Sige sige, bye!" agad napatakbo si Cess sa direksyon ni Alex. Alam niyang nagtatampo sa kanya ang kasintahan ngunit wala na siyang oras, kailangan niyang mapuntahan si Joe.

"Alex, look. I'm sorry. Babawi ako promise." hinalikan ni Cess si Alex ng mabilis sa labi. Ngunit hindi nag react si Alex dito.

"Do you really have to go?" hinawakan ni Alex sa kanang kamay si Cess na para bang pinipigilan ito sa pag alis.

"Sorry, Alex." binawi ni Cess ang kamay niya at nagmamadaling naglakad-takbo patungong sakayan.

Humabol si Alex at tinanong niya ang dalaga kung gusto ba nitong magpahatid.

"No, o-ok lang ako. Go home and rest, ok? Mag usap tayo bukas." iyon lang at sumakay na ito ng bus at iniwanan siya mag isa.

Forbidden (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon