Forbidden 10

5 0 0
                                    

Forbidden 10

Isang araw ng hindi gumigising si Alex pero kahit ganoon ay panatag na ang mga kaibigan niya pagkat alam ng mga ito na ok na si Alex.

Malinis na ang mukha nito at wala ng mga dugo. At nagamot na rin ang mga sugat na natamo.

Base sa findings ng mga doctor ay dahil lamang ito sa over fatigue kaya't hindi pa daw ito gumigising hanggang ngayon. Sa awa naman ng diyos ay walang nabaling buto sa kaibigan nila.

"Kawawa naman si Alex no? Paano kapag gumising siya at hindi niya makita si Cess? Panigurado na hahanapin niya yun." biglang pag ungkat ni Ken sa mga tropa.

Kumpleto silang magbabarkada sa loob ng private room ni Alex. Kanya kanya ng pinagkakaabalahan ang mga ito para wag lamang mainip sa pagbabantay sa kaibigan.

"Malamang hahanapin niya yon, bobo ka talaga Ken kahit kailan." sabat ni Trex.

"Ulol ang baho ng hininga mo!" ganting pang asar ni Ken dito.

Akmang susugurin ni Trex si Ken para kutusan ay sinaway naman sila kaagad ni Dan.

"Tumigil nga kayo, pareho naman kayong bobo nag aaway pa kayo." mayabang na saad nito. Kaya naman sa pagkakataong iyon ay sabay naman na sumugod sila Trex at Ken kay Dan para pagtulungan itong batukan.

Inawat naman ni Jet ang mga kaibigan ng mapansing gumalaw ang daliri ni Alex ng bahagya.

"Guys, guys, wait." sabi ni Jet sa mga kaibigan at itinigil pa ang kanyang ginagawa para ipakita dito ang paggalaw ng dalari ni Alex.

"Teka, gising na ba siya? Tatawag akong doctor tangina." biglang panic na sabi ni Trex habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kamay ng kaibigan.

"Awatin niyo ko, tatadyakan ko to! Nagtatanong pa talaga ampota." nayayamot na sabi ni Ken kay Trex.

"Ulol pakyu." minura lamang siya ni Trex at nagmamadali na itong lumabas ng private room ni Alex at tumawag ng doctor.

Nilapitan naman ni Jm si Ken at inakbayan.

"Next time tol, wag ka na um-intro ah. Tadyakan mo agad." umiiling iling na sabi nito.

Siniko naman ni Ken si Jm sa sikmura ng mahina atsaka minura ito pagkatapos.

Natigilan silang lahat ng gumalaw ang talukap ng mata ni Alex at pagkatapos ay dahan dahan itong dumilat. Nilibot pa nito ang paningin at nagtataka't nagtatanong ang mga mata na tumingin sa mga kaibigan.

"Nasa ospital ka, pre. Wag ka muna maggagalaw. Hindi ka pa magaling." seryosong sambit ni Jet.

"A-anong nangyari? Si Cess? K-kamusta siya?" utal pang tanong ni Alex ngunit tumungo lamang ang mga kaibigan at hindi magawang makatingin sa kanya. Walang sumagot.

"Asan si Cess? Putang ina!! Mga pre ilabas niyo si Cess!!!" nagwala bigla si Alex. Pinilit nitong tanggalin ang dextrose na nakabit sa kanyang kamay. Kaya naman nagpanic kaagad ang mga kaibigan niya at hindi alam ang gagawin.

Kaya mabilis na hinawakan ni Dan si Alex sa balikat at pilit na pinapabalik ito ng higa. Si Ken naman ay hinawakan ang isang braso nito at sa kabila naman ay si Jm. Si Jet naman ay dali-daling pumunta ng pintuan para lumabas at sundan si Trex. Ngunit sakto naman na pagkabukas nito ng pintuan ay nasa labas na nito ang kanilang hinihintay.

"Putang ina! Si Cess?!! Ilabas niyo si Cess?!!" rinig pa rin ang pagwawala ni Alex sa likod kaya naman dali daling pumasok ang dalawang nurse, ang doctor at si Trex para tingnan ang kaguluhan.

Umiiyak si Alex at nagwawala. Sinisigaw nito ang pangalan ni Cess. Sinasabi na nga ba niya at hahanapin nito iyon.

Kaagad na tinurukan ng isang nurse ng pampatulog si Alex dahil hindi nila ito mapakalma.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now