Forbidden 17

7 0 0
                                    

Forbidden 17

1 month later...

Andito kami ngayon ni Rain sa apartment ko. Oo, bumalik na ko dito 3 days ago pa. Buti nga at pinayagan ako nila Mom at Dad na bumalik pa dito after ng mga nangyari.

Nasa kusina ako at nagluluto ng lunch naming dalawa. Si Rain naman ay nasa sala at naglalaptop. Nag jo-job hunting na kasi siya though 1 week from now pa ang graduation nila.

"Start Smart Elementary School..." rinig kong bigkas niya habang nasa kusina ako. "I'll send my resume here." rinig ko pang sabi niya. Napangiti ako. "That's right babe, try and try until someone notices you."

Nakarinig ako ng yapak ng paa at ilang segundo lamang ay nakaramdam ako ng yakap mula sa likuran ko.

"You must be so proud of your girlfriend huh.." mayabang na sabi niya sakin. "Of course babe. Kaya mahal kita eh." malambing na sabi ko sa kanya. Pasimple kong pinatay ang kalan at gas pagkatapos ay humarap ako sa kanya. Lumuwag ng kaunti ang yakap niya at nakatingala sakin. Kitang kita ko ang maamong mukha nito.

"Ano namang klaseng tingin yan, babe? Poging pogi lang?" biro ko sakanya.

"What if may malaman kang masama about me? Will you be mad? Will you left me?" seryoso niyang sabi. Napakunot tuloy ako ng noo at nawala ang playful tone ko.

"Bakit? Ano bang ginawa mo?" tanong ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi siya sumagot. "Babe?" tawag ko sa kanya.

"Can we stay like this?  Kahit saglit lang?" tanong niya kaya napatango ako kahit hindi naman talaga siya nakatingin. After a minute ay lumuwag ang yakap niya sakin. Tumingkayad na lamang siya bigla at inabot ang labi ko. Dampi lang, pero parang lahat ng organs ko eh apektado. Tangina lang!

"Let's eat na po, gutom na ang mga dragon ko sa tyan." humiwalay siya agad sa akin at parang walang nangyari na umupo sa dining table.

"Babe?" kunot noo siyang napalingon sakin. "Bitin eh." napatakip siya sa bibig niya. Kaya napatawa ako. "Joke lang po. I love you." inilagay ko na sa lamesa ang niluto ko at binigyan ko siya ng plato at kutsara't tinidor.

"Sarap naman ng luto ng babe ko." proud na sabi niya sakin sabay subo pa ng isang kutsarang ulam.

"Dahan-dahan lang at baka mabulunan." tumayo ako at kumuha ng baso at pitsel ng tubig. Sinalinan ko ito at iniabot sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may biglang kumatok.

"I'll open it. Kain ka lang po." sabi ko kay Rain at tumango naman ito bilang pag sang ayon.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang mukha ng mga bonak.

"Tol papasok kami ah." dire diretsong pasok ni Trex. Gago amputa di man lang nag pasabing pupunta. Bebe time to eh. Bebe time!!

"Uy!!! Ang bango... Gago pakain tol." birit pa ni Jethro sabay pasok sa loob.

"Tangina niyo mga pre. Bat andito kayo?" yamot na sabi ko sa kanila. Pero wala na ring nagawa at sumunod na lang din sa kanila pagkasok nila Dan.

"Alex, watch your word!" rinig kong sabi ni Rain sa kusina. Tapos na ito kumain. Ang mga mokong naman ang tumira sa lunch namin.

Nakabusangot akong pumunta ng sala at naupo sa couch. Kaharap ko ang laptop ni Rain. Nakabukas ang facebook nito at nakita ko ang sandamakmak na message notification mula rito. Pipindutin ko na sana ng biglang lumitaw si Rain kaya napasandal ako sa couch.

"Bakit busangot ka dyan?" parang nang aasar na sabi sakin ni Rain.

"Ehh... bebe time natin to eh. Bitin pa nga ako sa kiss mo eh." kunyari ay nag tatampong sabi ko sa kanya.

"May narinig ba akong kiss?" biglang lumitaw yung ulo ni Dan samin. Tang ina ng mga gunggong na to eh. Badtrip.

"Tsismoso ka nanamang gago ka." pinakyuhan ko lamang ito at inis na tinitigan ako ni Rain. Ayaw niya kasi na nagmumura ako eh. Bad habit daw kasi iyon.

"No cursing please." firm na sabi niya sakin kaya mas lalo akong napasimangot.




Saktong alas kwatro ng hapon noong mag paalam yung mga ungas na aalis na. Bumisita lang ang mga gunggong dahil gusto daw nilang makita yung bahay ko after almost a year na hindi ito nabuksan. So much memories that I can't remember happened here. Kaya siguro ay hindi ko rin ito maiwan iwan.

John sent you a message (56 unread messages)

Who the hell is John? I am tempted to click his name. There's a sudden explosion I feel inside my chest. Is she cheating?

Nasa shower si Rain ngayon. Gusto niya raw maligo before umuwi sa kanila dahil init na init na siya sa panahon ngayon.

I am hesitating, but in the end... I still click it.

John: baby san ka na?

John: I love you, I can't wait to see you.

John: i already missed you kahit magkasama lang tayo kagabi.

John: can't wait for our graduation day.

John: so excited to hear you say yes after years of courting you.

John: hindi ko ma gets bakit kailangan mo pang magpanggap na girlfriend nyang Alex na yan.

John: in the first place nga, you're not close with her, right?

John: I love you, uwi ka na please. I'll kiss you torrid when you're back.

Napakuyom ako ng kamao ko sa mga nabasa ko. Ilan lang yun sa mga messages ng kupal na kung sino mang gagong John na to.

Saktong lumabas si Rain ng shower at nakatapis pang lumapit sakin. Galit akong nakatingin sa kanya. Kitang kita ko yung gulat sa reaksyon niya ng makita niyang nabasa ko yung mga messages ni John.

"Anong ginagawa mo?!" galit na tanong niya sakin. "Privacy naman Alex!" padabog niyang isinara ang screen ng laptop niya.

"Privacy?!! Tangina naman, ginagago niyo ba ako?!" napatayo ako sa inis sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?! Akin na nga yang laptop ko! You are invading my privacy, Alex! Ano ba naman?!" galit na hinablot niya yung laptop sa lamesa

"Invading your privacy? Ano ba ako sayo Rain?! Girlfriend kita!" sigaw ko pabalik.

"Girlfriend...?" she smirks, "Edi break na tayo.!" nagmadali ito sa pag punta sa kwarto ko para magbihis.


Alex...

Alex, wake up babe..

Alex!!

Napasinghap ako ng bangon ng marinig ko ang malakas na sigaw. Pag mulat ko ay nakita ko kaagad ang nag aalalang mukha ni Rain na nakatingin sakin. Nakahawak pa ang isa nitong kamay sa pisngi ko.

Naiilang man ay tinanggal ko ito.

"Rain?" maiyak iyak kong tanong.

"Ano bang nangyayari sayo? Binabangungot ka ba?" nag aalala ang mata nito. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Panaginip lang pala.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at dinala ko ito sa labi ko. "I thought, mawawala ka na sakin." pag amin ko sa kanya.

"Hindi ako mawawala ok? Unless you'll ask me to leave." I won't Rain. I won't.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang lakas pa din ng kabog ng dibdib ko. Parang totoo kasi eh. Parang totoong ayaw na niya. Na niloloko niya lang ako.

"I won't leave you, Alex. I promise." sambit niya sakin na may kasama pang pag tap ng likod ko.

Sana hindi na lang ako nadala. Sana ay hindi na lang ako naniwala.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now