Forbidden 11

4 0 0
                                    

Forbidden 11

Biyernes. Naglalakad ang magbabarkada palabas ng kanilang paaralan. Halos alas otso na kasi natapos ang kanilang huling subject.

"May gagawin ba kayo bukas? Laro naman tayo. Miss ko na magdota!" paanyayang sambit ni Dan sa mga kaibigan.

"Oo nga, di na tayo nakapagsaya simula nung maospital si Alex." sabi naman ni Jet.

Tumatango-tango naman si Trex pero hindi sumang-ayon sa dota session na sinasabi ni Dan. "Mag SM na lang tayo, unfair di ako marunong mag dota. O crossfire na lang oh! Baka umiyak pa kayo pag natalo ko" mayabang na pagmamalaki nito sa mga kaibigan.

"Teka may computer kayo sa bundok?" nang aasar na sabi ni Ken kay Trex.

Ngunit hindi nakigulo si Alex sa mga kaibigan. Malayo ang kanyang tingin maging ang kanyang isipan. Nakita naman siya ni Trex at agad siniko.

"Tahimik ka nanaman Alex." sabi ng kaibigan.

"Seryoso ba kayo? Magsaya? Nawawala si Cess! Mag dadalawang linggo na, hindi ba kayo nag aalala?" inis na tanong niya sa mga ito.

"Pre, relax. Nakita mo naman diba? Nag text si Cess kay Dane. Ayos lang siya. Nag bakasyon lang, nag pahinga. Babalik yun." pang aalo ni Jet kay Alex kahit apaw apaw ang kaba niya dahil alam niyang nakakahalata na si Alex sa set up nila.

"Tsss.. di ako makakasama dahil may iba akong lakad sa mga susunod na araw. Mauna na ko." parang balewalang sambit ni Alex at hindi man lang sila tiningnan bago ito umalis.

"Anong nangyari dun?" rinig pa niyang tanong ng mga ito pero hindi na niya muling pinansin.

---------

Alas Dyis na ng gabi ng makauwi si Alex sa kanyang apartment. Wala ito sa sariling inilapag sa lamesa ang isang supot na may lamang limang kilo ng ice cubes at mga chichirya. Binuksan niya ang ref at kumuha ng mga canned drinks. Kumuha din siya ng baso at malalim na mangkok upang doon ilagay ang mga yelo pagkatapos ay inilapag niya iyon sa lamesa.

Ang mga natirang yelo ay inilagay na muna niya sa freezer. Kinuha niya ang lighter na nakapatong sa itaas ng ref kasama ang isang paketeng sigarilyo at ashtray. Maging iyon ay inilapag niya rin sa lamesa. Pagkatapos ay umupo.

Wala ito sa sariling kumuha ng isang stick ng sigarilyo at inilagay sa bibig. Binuksan ang lighter at sinindihan ang sigarilyo. Hindi naman talaga siya naninigarilyo eh. Matagal na niya itong hininto, pero ngayon ay hindi niya mapigilan sa kadahilanan na sobrang nai-stress siya.

Humithit siya ng isa sabay buga ng usok. Pagkatapos ay isa pa ulit at isa pa hanggang sa maubos niya iyon. Binuksan niya ang alak at isinalin iyon sa baso bago lagyan ng yelo. Ininom nya iyon, isang lagukan.

Hindi niya ininda ang pait ng lasa at pagguhit nito sa kanyang lalamunan. Ang tanging nasa isip niya lang ng mga oras na yun ay makalimot. Makalimutan ang sakit ng pagkawala ni Cess, at ang pang gagago sa kanya ng mga kaibigan niya.

Pagkatapos ng isang oras ay nakarami na si Alex ng nainom. Siyam na stick na rin ng sigarilyo ang naubos niya. Nahihilo na siya at naduduling pero wala siyang pakialam. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman niya.

Ang akala niya kapag uminom siya ng alak ay makakalimutan na niya ang lahat. Ang sakit. Pero mali pala siya, dahil lalo niya lamang naalala ang lahat ng nangyari.

Kinuha niya ang telepono. Tiningnan niya ang gallery niya kung saan nandoon ang larawan ng kasintahan. Pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag hindi niya pa nahanap ito at nakita.

"Cess, nasaan ka na ba?" iyak nito dahil sa sobrang pagkalasing. Tinutungga na rin nito ang alak at parang ginagawa na lang tubig ito.

"Bakit ba nila nagawang magsinungaling sakin? Ayaw ka ba nilang mahanap? Ayaw ba nila tayong magkita?" tanong ni Alex sa larawan ni Cess habang umiiyak.

Tumayo siya at muntik ng matumba dahil marami na rin ang kanyang nainom na alak. Mabuti na lamang ay nakahawak siya sa lamesa kaagad. Naiihi na kasi siya dahil marami na rin siyang nainom.

Pagkaihi ay nagsuka din siya ng nagsuka. Lupaypay siyang bumalik sa kusina. Umiikot ang kanyang paningin at pinili munang pansamantalang yumuko sa lamesa para maibsan ang pagkaliyong nararamdaman.

Napaluha siyang muli ng maisip si Cess, gusto niyang hanapin ang dalaga. Ngunit paano? Saan?

Nag angat siya ng tingin, sumandal at tumingala. Tumulo muli ang kanyang luha. Pinunasan niya ang mga ito ngunit nag uunahan pa rin na magbagsakan.

Hindi pa mawaglit sa isipan niya na niloko din siya ng mga kaibigan. Paanong sa apat na taon nilang pagkakaibigan ay nagawa iyon sa kanya ng mga ito? Ayaw ba nilang maging masaya siya? Outcast na ba siya sa tropa? Friendship over na ba?

Napahampas siya ng kamay sa lamesa, dahilan para tumapon ang mga alak. Matumba ang basong kanyang pinag inuman at magkalat ang mga chips na nagsilbi niyang pulutan.

"Cess, nasaan ka na ba?!" ang dating kalmadong Alex ay tila nawalan na ang sarili.

Nakita niya ang kanyang cellphone sa gilid. Kinuha niya ito at nanginginig ang daliring tinawagan muli ang numero ni Cess.

Pagkadial ay itinapat niya ito sa kanyang tenga. Labis labis ang kaba sa kanyang dibdib, lalo na ng magring ito. Nawala ata ang antok at pagkahilo niya ng sagutin ng kabilang linya ang tawag.

"A-alex?" rinig niyang sabi sa kabilang linya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya at nawala ang kanyang antok ng mapagtanto kung kaninong boses ang narinig niya.

"Cess?..." tanong ni Alex sa kabilang linya.

"A-alex? Tulungan mo ko. S-si si Joe, p-papatayin niya ako." tila nahihirapang sabi ni Cess sa kabilang linya.

"A-asan ka?! Tangina, Cess! Nasaan ka!!" hindi niya mapakalma ang sarili.

Kanina pa natapos ang tawag ngunit ang lakas pa din ng kabog ng kanyang dibdib. Nawala ang kanyang kalasingan.

At sa sobrang bilis ng mga pangyayari, nakita na lamang niya ang kanyang sarili na minananeho ang motor na matagal na niyang hindi ginamit.

Pupuntahan niya ang nobya kahit anong mangyari! Magkamatayan na kung magkamatayan. Magkasakitan kung magkasakitan! Wala na siyang pakialam sa sarili. Ang tanging nasa isipan niya lamang ay mapuntahan ang address na binigay sa kanya ni Cess bago maputol ang tawag.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now