Forbidden 5

9 0 0
                                    

"Oh, pano na gagawin natin ngayon?" tanong ni Dan samin habang nakatambay kami sa corridor at nakaupo sa hagdan.

"Lumaro kayo don, diba ako lang naman banned?" sabi ko sa kanila.

"Ha? Di ka namin kayang iwan no, tsaka baka makasalubong mo yung mga tropa ng binugbog mo nung isang araw." sabi ni Ken.

"Oo nga, Alex. Balita pa naman na gigil na gigil daw yun sayo. Hina-hunting ka pa nga ata e hahaha." sabi naman ni JM.

"Hunting-hunting. Gago siya, pag nakita ko pa mukha niya ulet yuyupiin ko na yon na parang lata." yabang ko sa kanila.

"Triggered na triggered ka non tol ah, pucha, di naman to nagagalit e. Noon lang na nabastos si Cess." gatong ni Trex.

"Kaya nga, aminin mo na kase na may pagtingin ka rin. Habang maaga pa, agawin mo na. Sige ka, ikaw rin." pananakot ni Jet.

Napatingin lang naman ako sa malayo, tanaw kasi sa kinauupuan ko yung gym sa baba. At mula dito ay nakikita ko rin si Rain. Malinaw pa sa sikat ng araw kung gaano ako kahibang kay Rain. Madilim naman sa sinag ng buwan ang nais nilang gawin ko para mapasakamay ko si Cess.

"Gym na lang tayo tara. Andon din daw sila Abby. Baka andon din si Cess, baka maka three points ka na Alex. Hahaha!" nang aasar na sabi sakin ni Trex.

"Manahimik ka na nga dyan Trex. Gunggong ka talaga!" inis na sabi ko pero tumayo na rin ako para sumunod sa kanila pababa.

Nung makababa kami ay agad naming hinanap kung saan nakapwesto sila Abby. Nung makita namin ay agad kaming lumapit sa kanila sa pangunguna nina Jet at Dan. Agad lumapit si Dan para salubungin si Kirra, ganun rin naman si Trex kay Fat, habang sila JM, Jet, Jan, at JM naman ay ginulo na sina Hazel, Dane, at Cess. Ako naman ay nakatayo lang at matamang nakatingin sa stage.

Hindi ko na nga napansin na nakalapit na pala siya sakin. Narinig ko na lang kasi yung boses niya, at pagtingin ko sa gilid ko ay katabi ko na pala siya at nakatingin din sa stage.

"Sorry pala ah, dahil kasi sakin na banned ka pa sa TNC. Hindi tuloy kayo makalaro ngayon." - Cess

"Ayos lang yon, isang buwan lang naman e. Di naman habang buhay." - Alex

"Kahit na, ano ka ba? Dapat talaga hindi na lang ako sumama sayo noon para.." narinig kong nanginig ang boses niya at hindi maituloy ang sasabihin kaya't lumingon ako sa kanya at nakitang basa na ng luha ang mukha niya. Kaya naman may pag alala kong hinawakan ang kamay niya at may sinseridad na tiningnan siya sa mga mata.

"Shh.. Wala kang kasalanan, ok? Siguro naman kahit sino makikipagbugbugan kapag nabastos yung kaibigan nila, diba? It's not your fault, Cess. Stop blaming yourself." dahil sa mga sinabi ko ay tuluyan na siyang napahagulgol. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko at pagkatapos ay mahigpit na yumakap sa akin. Nabigla naman ako ngunit kinalaunan ay gumanti rin ako ng yakap dito. Inilagay ko ang kamay ko sa likod niya at marahan ko itong hinagod para pakalmahin siya.

"Ehem.." napahiwalay kami agad sa isa't isa sa narinig. Nakita ko agad ang ngingisi ngising si Trex na nakatingin samin.

"Oopps, tol. Di ko sadya, masakit kasi lalamunan ko e." sabi nito na pinipigil pa ang pagtawa.

Inis ko naman siyang tiningnan tapos ay itinaas ko ang gitnang daliri ko ng pasimple kaya naman natawa siya.

"Let's go somewhere else." lumingon ako kay Cess at hinawakan ko ang kamay niya. Bumaling naman ako kay Trex, "Hoy bobo, sabihin mo hinaram ko lang si Cess pag hinanap nila ha?" iyon lang at hinatak ko na ang kamay ni Cess.

Holding hands kaming lumabas ng school at hindi nag iimikan. Nagulat naman ako ng biglang humagikgik si Cess kaya naman napalingon ako sa kanya. Sinalubong naman niya ito kahit pa basa pa rin ng luha ang mukha niya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para sana iabot ito sa kanya, kaya lang ay nagsalita siyang bigla.

"Ang rude mo talaga sa mga kaibigan mo hahaha." natulala ako sa kanya noong tumawa siya at noong nakita niyang nakatitig ako sa kanya ay huminto siya sa pagtawa. "Bakit?" tanong niya.

"You shouldn't be crying for those assholes. Ayoko ng makitang umiiyak ka ulit." iyon ang sinabi ko bago tuluyang humarap sa kanya at ako na mismo ang nagpunas ng mukha niya para alisin ang mga luha dito. Pagkatapos ay muli kong hinawakan ang kamay niya at tahimik kaming naglakad ulit.

---

"So.. paano mo pala nalaman ang lugar na to?" tanong sa akin ni Cess habang nakaupo kami sa isang cliff at nakatingin sa mga sasakyang nagdadaan at matataas na gusali.

"Dito ako pumupunta kapag madami akong problema. Malayo sa mga tao, malayo sa panghuhusga." sabi ko kanya bago sumubo ng ice cream na hawak ko.

"Eh.. sila Trex, si Jet, yung mga tropa mo, alam rin ba nila to?" Tumingin ako sa kanya at sinalubong ang mga tingin niya.

"Ikaw palang ang dinala ko dito." sabi ko kanya. Tapos ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa gusali at nagsalita muli. "Dinala kita dito kasi, baka gumaan din ang pakiramdam mo. You seem so guilty earlier. Isa pa.. magaan ang pakiramdam ko kapag nandyan ka lang sa tabi ko. At least panatag akong ligtas ka pag ako ang kasama mo." muli kong sinalubong ang tingin niya at nakita ko ang pagkinang ng mga ito.

Unti-unti, inilapit niya ang mukha niya sa akin at pumikit. Hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Dinama ko ito, at hindi maiwasang pumintig ng malakas ang puso ko. Kinalaunan ay sumasabay na rin ako sa ritmo nito kaya naman inilagay ko na rin ang kamay ko sa pisngi niya. Ramdam ko ang pagmamahal sa bawat pagdampi ng mga labi namin sa isa't isa. Ngunit sa kalagitnaan nito ay bigla na lamang bumagsak ang luha ko. Nanikip ang dibdib ko kaya naman noong mapagtanto niya ito ay humiwalay siyang kaagad at nag aalalang tiningnan ako.

Hawak niya ang magkabila kong pisngi, "what's wrong?". Doon ay tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Hindi ko alam pero ang sakit ng dibdib ko.

"Mali to, Cess. Paano si Joe?" Dahil sa sinabi ko ay bumitaw ang kamay niya sa pisngi ko. Napayuko siya.

"Hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko, Alex. Masaya ako kapag andyan ka. Para bang lumulukso ang puso ko sa tuwing magkahawak ang mga kamay natin. Sa tuwing magtatama ang mga mata natin, palaging bumibilis ang tibok ng puso ko. At.. at noong maglapat ang mga labi natin, alam ko, alam ko na doon pa lang mali na. Pero Alex, mahal na yata kita." nagulat ako sa sinabi niya, "My heart doesn't flutter with Joe anymore. Matagal ko na talagang plano na makipaghiwalay pero.. pero ayaw niya pa. Tinatakot niya ako Alex. Sinasabi niya na magpapakamatay siya kapag nakipaghiwalay ako."

Iniangat ko ang mukha niya gamit ang kamay ko at iniharap iyon sa akin. "Mahal kita. I want to fight for you." iyon lang at naglapat muli ang aming mga labi.

Forbidden (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon