Forbidden 21

3 0 0
                                    

"Rain and I broke up before the accident happened. I was devastated when I called you, frustrated, I was crying." titig na titig ako sa mga mata niya, "Bumili lang ako sa malapit na convenience store, noong bumalik ako ay narinig ko siyang may kaaway sa phone. Ian, Ian ang pangalan noong kausap niya. Boyfriend niya, yes. She was cheating on me! Narinig ko na may nag black mailed sa kanya kaya biglaan yung pagpayag nyang maging girlfriend ko. Fake girlfriend ko." hinawakan ko ang kamay ni Cess.

"Gusto kong malaman kung sinong nag black mailed sa kanya. Bakit? Bakit nila gustong masira tayo? Tayong dalawa." -Alex

"Noong nabugbog ako a year ago, 1 week mahigit kang nawala. Palaging sinasabi ng mga kaibigan natin na nagbakasyon ka daw. Pinakita nila sakin yung text mo kay Dane. Wag na raw akong mag aalala dahil baka nag iisip ka lang. Pero isang araw, narinig kong nag uusap sila Jet sa boys CR. Hinahanap ka na daw nila, pinapahanap ka nila. Hindi ko alam kung ano ng nangyari dun sa inutusan ni Ken. Pero sobrang nakaka stress isipin. Nakakawala ng tiwala. Ilang taon na ba natin silang kaibigan?" malungkot na sabi ko.

"Mahal na mahal kita, Cess. Pero sorry kung kailangan kong gawin to. Na tipong kaalala ko lang sayo pero heto ako at nag rerequest sayo ng bagong problema. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw lang ako sa kakaisip kapag hindi ko nalaman kung sinong nasa likod ng mga to." hinawakan ni Cess ang dalawa kong kamay. May benda pa ang kanan kong kamay dahil sa pagsuntok ko sa pader noong mag away kami ni Rain.

"Naiintindihan kita. Alex, dalawa tayo dito at ayaw kong isipin mo na mag isa ka lang. Mas mahal kita." naglapit ang mga noo namin. Kapwa kami umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Pagkatapos ay hinalikan ko siya ulit sa labi. Halos dalawang minuto iyon, dahil ninamnam ko muna ang labi niya dahil kapag nag umpisa na ang plano ko ay matagal nanaman kaming hindi makakapag usap ng may kahalong lambing.

Pagkatapos noong seryosong usapan namin ay tinawagan na niya ulit sila Daddy at ang mga kaibigan namin. Pero hindi para sabihing nakakaalala na ko, kundi para sabihing gising na ko mula sa aksidente.

Unang dumating sila Mommy at Daddy. Mugto ang mata ni Mom na sumalubong sakin. Niyakap muna niya si Cess at nagpasalamat dito sa pagbabantay sakin.

"Alex! Ok ka na ba, anak ko? Jusko ano bang nangyayari sayo?" lumapit agad sakin si Mommy. Agad naman siyang sinundan ni Daddy at inalalayan.

"Sorry Mom, Dad, for failing you again." malungkot na sabi ko.

"Pinag alala mo kami ng Mommy mo Alexandra! Paano kung may nangyari nanaman sayo?! Paano kung.. paano kung hindi lang ganito ang makuha mo?! Paano kung natuluyan ka na talaga!" galit na sigaw sakin ni daddy.

Napayuko lang ako, si Mommy naman ay inawat si Daddy habang humahagulgol. 

"You are grounded for 2 months! Bahay-iskwelahan ka lang, no car, no phone! Nothing! Para matuto ka!" pahabol na sigaw pa ni Daddy sakin bago ito tumalikod at hinilot ang sentido.

"Peter naman, masyado ka naman sa anak mo." sabi ni Mommy at hinawakan si Daddy sa balikat.

"Para matuto siya! Lumalaking sutil ang anak natin, siya na ang nasusunod, at hindi na tayo." galit na paliwanag ni Daddy.

"Sorry po ulit Mom, Dad. Ok lang po na grounded ako Mom, besides kasalanan ko naman to." pagpayag ko na lang para hindi na humaba pa ang usapan.

Tumahimik saglit sa kwarto at nakarinig kami ng mahihinang boses sa labas ng room ko ng biglang may kumatok ng ilang beses. Kasunod noon ay ang paglawit ng ulo ni Trex sa pintuan.

"Ay, hello po Tito, Tita. Pwede po kami pumasok?" magalang na tanong ni Trex.

Tumango naman si Mommy at nag paalam muna sila ni Daddy na lalabas saglit at aasikasuhin lang ang hospital bills.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now