Forbidden 9

9 0 0
                                    

Forbidden 9

"Wala pa ba si Alex?" nag aalalang tanong ni Cess sa mga kaibigan. Tatlong araw ang lumipas pagkatapos ng tawagan siya ng best friend ni Joe at sabihing nag tangka nanaman itong magpakamatay. Nataranta siya at hindi niya alam ang gagawin kaya naman kahit alam niyang masasaktan si Alex ay mas pinili niya pa rin na puntahan si Joe.

"Baka na late lang yun, ano ka ba. Di ka na nasanay." balewalang sabi ni Kira sa kaibigan.

"Oo nga, o baka nasa TNC pa. Wala pa naman din si Trex e, baka magkakasama sila." sabi ni Fat dahil wala rin ang boyfriend niyang si Trex.

"Pero malakas ang kutob ko, guys. Sana ok lang siya" naupo nalamang si Cess ng pumasok na ang prof niya. Hindi na niya napansin ang oras, ng dumating bigla ang basurero gang sa kalagitnaan ng klase ay naalarma siya ng wala sa oras. Sapagkat hindi kasama ng mga ito ang hinihintay niya. 15 minutes break sila ng dumating ang mga ito kaya naman malaya siyang nakatayo at nakalapit agad sa kanila para magtanong.

"Nasaan si Alex? Kasama niyo ba siya? Bakit wala siya?" sunod sunod na tanong niya sa mga kaibigan ni Alex.

"Sorry Cess, hindi namin alam." saad ni Jet ngunit alam niyang nagsisinungaling lamang ito dahil hindi siya makatingin sa mata niya.

"Sige, tara pre upo na tayo baka abutan pa tayo ni Sir na late." mahinang sabi ni Dan sa mga kaibigan sabay tango naman nila sa bawat isa. Ngunit napahinto sila agad ng iharang ni Cess ang katawan nito sa kanila para hindi sila makadaan.

"Pwede ba?! Wag na kayong magsinungaling! Wag niyo ng pagtakpan ang tropa niyo!" sigaw ni Cess bigla dahil na rin sa frustration. Agad napalapit ang grupo nila Dane para pakalmahin ang kaibigan nila.

"Cess, tama na.." mahinang sabi ni Abby.

"Sabihin niyo na kasi. Ano ba? Ayaw niyo ba silang magkaayos?!" gatong na tanong ni Hazel.

"Sikmuraan ko kaya tong babaeng to?" bulong ni Ken kay Trex yung tipong sila lang ang makakarinig. Siniko lang siya ni Trex at tumahimik na.

Bigla na lamang umiyak si Cess at inis na napapunas ang kamay sa kanyang mukha na tigam na ng luha.

"Sabihin na kaya natin tol?" mahinang bulong ni Jm sa mga tropa niya na sinamaan lamang siya ng tingin kaya napataas ang dalawang kamay niya na para bang sinasabi niya na hindi siya lalaban.

"Kung ayaw niyo sabihin! Edi wag! Hahanapin ko siya!" sigaw ni Cess sabay takbo palabas ng room nila at nilagpasan lamang ang mga kaibigan.

"Cess!" narinig pa niya'ng sigaw ng kaibigan ngunit dahil sa inis at galit ay hindi niya na pinansin ang mga ito.

Lakad takbo siya papuntang TNC. Hindi niya alam sa sarili kung bakit doon siya dinadala ng mga paa. Hindi siya sigurado sa tinatahak pero gusto niyang makita si Alex. Makausap man lang.

"Cess, wait lang!" Rinig niya na sigaw sa likod niya. Sinundan pala siya ng mga kaibigan nila. Pero hindi niya hinintuan ang mga ito at nagtatakbo lang.

Naabutan niyang may kumpol ng mga estudyante malapit sa TNC. Nagsisigawan ang mga ito at tila may pinagkakaguluhan. Kaya wala sa wisyong nakiusyoso din siya. Pinilit niyang makasilip. Hindi niya namalayan na nasa likod na rin niya ang nga kaibigan at nakikiusyoso na rin.

"Putang ina ka! Mahina ka naman pala, ang lakas lakas mo pa magyabang! Ngayon wala dito yung syota mo, wag ka mag magaling!" sumuntok ang lalaki ng malakas. Nakita niyang sapul si Alex sa panga nito, tumalsik ito at napadausdos. Napatutop siya sa bibig pagkat hindi niya alam ang gagawin.

Sa pagkakataong iyon ay nakita siya ni Alex. Kita niyang kuminang ang mga mata nito at umiling sa kanya. Naintindihan niyang sinabi nito. Na umalis siya at iwan niya ang kasintahan. Ayaw ni Alex na madawit siyang ulit. Ayaw na ayaw niya.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now