Forbidden 19

5 0 0
                                    

Forbidden 19

Aligaga akong tumayo sa pwesto namin. Ni hindi ko siya nilingon noong tumayo ako. Hindi rin ako nag paalam na sasagutin ko lang yung tawag ni Rain. What am I doing? Nagtataksil lang naman ako kay Rain.

"Babe?" bungad niya sakin sa kabilang linya. "Babe, I'm sorry. Sunduin mo na ako dito. Please? Something came up eh. Please babe. Please." narinig ko na nabasag ang boses niya. Umiiyak ba siya? What the fuck did happen?

"Nasan ka ba? I'll fetch you up. Ok? Text mo sakin yung address, babe. I'm on my way. Wag ka aalis dyan." yun lang at pinatay ko na ang tawag.

Kinakabahan ako, Rain is crying on the other line. Tapos ako eto at nagtataksil sa kanya.

Pumunta ako ulit sa pwesto namin. Nakaligpit na yung blanket na pinag upuan namin. Nakatayo na siya at naiilang rin na tumingin sakin.

"I'm going to fetch my girl. Ihahatid na kita sa sakayan." malamig na sabi ko sa kanya.

"N-no.. kaya ko na." napatingin ako sa kanya.

"No, I insist! Mamaya mapano ka pa, kargo pa din kita." nakita kong napasimangot siya pero hindi na nagsalita ulit.

Tahimik kaming dalawa sa kotse. Walang nag sasalita. Walang gustong bumasag ng tension. At mas lalong walang gustong magbanggit ng nangyari kanina. What if... sabihin niya kay Rain iyon?

I cleared my throat. I want an assurance.

"Y-yung nangyari kanina, please, ayaw kong malaman ni Rain yun. I was just shocked. I-I'm sorry for kissing you." tila tinatambol ang puso ko sa kaba. At lalo na sa kung ano mang isasagot niya. Ngunit wala siyang sinabi, tumango lamang siya ng tatlong beses habang nakatingin sa labas ng bintana.

------

Naihatid ko na si Cess sa terminal. Ngayon naman ay natatanaw ko na si Rain. Malayo pa lang ay tila nakita na nito ang kotse ni Dad. Nakita kong nagpunas pa ito ng mukha bago humarap sakin.

Pagkababa na pagkababa ko ng kotse ay sinalubong agad ako nito ng mahigpit na yakap. Ibinaon nito ang mukha niya sa balikat ko. Ipinulupot ko naman ang braso ko sa bewang niya at ang isang kamay ko ay hinagod ko ng marahan sa likod at buhok niya.

"What happened?" nag aalala kong tanong. Umiling iling lang ito at mas lalong humigpit ang yakap.

"Uwi na tayo please?" nabasag nanaman ang boses niya at tila ba iiyak nanaman. Kaya naman agad ko siyang iginiya sa kotse at in-start ko ito. Dinala ko si Rain sa apartment ko. Nag text na rin ako kila mom and dad na nakauwi na kami. At bukas ko na lang isasauli yung kotse.

"Tubig oh." inabot ko ang baso na may lamang tubig kay Rain. Wala sa sariling kinuha niya ito at ininom.

"Ano ba talagang nangyari? I thought mag a-out of town kayo ng barkada mo?" usisa ko sa kanya. "Iniwan mo pa nga ako sa school eh." may himig tampo na sabi ko sa kanya.

"Eh hindi na nga natuloy eh diba?" inis na sabi niya. Nabigla naman ako. Natahimik ako, natahimik din siya. "Sorry." sabi niya sa pagitan ng katahimikan sa pagitan namin.

"I couldn't tell you yet, ok? I'm sorry kasi iniwan kita sa school after the ceremony. I can't actually find you, tapos minamadali na ko ng mga friends ko. So instead na puntahan ka, I call you na lang." paliwanag niya sakin.

"Secrets... ok." maikling sabi ko. Lumayo ako sa kanya ng bahagya. I hate it. Kami na pero parang wala akong alam sa kanya. Ni hindi niya ako kayang ipakilala sa friends niya, or sa parents niya. She keeps secrets from me like she's hiding things. I can't help it but over think. Specially sa naging panaginip ko about her. Ang lakas ng kutob ko eh.

"Please, wag ka na makisabay. I'm not hiding anything, ok?" paliwanag niya sakin.

-----OoO-----

3 months later..

"Tol, balita?" nakasalubong ko si Trex sa isang convience store. Di na nagpaparamdam yung mga ungas. May kanya kanya na din kasing trabaho.

"Eto tamang bili lang ng kailangan ni misis. Nag lilihi eh." sabi niya sakin. Nakita ko ang supot ng mangga na dala niya. Napailing ako.

"Tol naman kasi, bat nag three points ka agad? Akalain mo nga naman, kayo pa din pala talaga ni Fat no?" nakangiti kong saad.

"Oh alam mo na ba yung bagong balita? May nanliligaw daw kay Cess boy! Patay ka pre, mukhang katapusan na talaga ng love team niyo hahaha!" pang aasar niya sakin. Kinutusan ko nga.

"Masaya na kami ni Rain pre. Kahit nag aaway paminsan minsan, mahal ko yun." napangiti ko ako ng maisip ko siya.

"Mahal mo na ba talaga yun? At wala ka pa ring maalala?" tanong niya sakin. Umiling ako. Tapos ngumiti.

"Tingin ko pre, ok na rin to." tumango siya sabay tapik ng malakas sa balikat ko tulad ng dati.

"Mauna na ko gago! Tulog ka pa ata eh. Hahahaha!" lakas tamang sabi niya sakin. Ako naman ay hinimas himas ang nasaktang balikat ko.

-----OoO-----

Pag uwi ko ng apartment ko ay narinig kong parang may kaaway si Rain sa telepono niya.

"Stop it! Stop this! Alam mo nakakasawa na yung pagiging seloso mo! Sinabi ko naman sayo diba? I was blackmailed! Wala akong masamang ginagawa, wala kaming ginagawang masama ni Alex! So please, stop! Ian, tayo pa din, boyfriend pa din kita. And yung samin ni Alex, laro to, ok? Yun yun isipin mo." paliwanag niya sa kausap. Parang dinikdik yung puso ko sa narinig. Laro? Blackmailed? So lahat pala ng nangyari samin laro lang yun for her?

Naibagsak ko yung plastic na dala ko. Lumikha ito ng ingay at narinig kong napatigil sa pag sasalita si Rain. Napalingon siya sakin. Sa pwesto ko.

"A-alex.. kanina ka pa ba dyan?" nag aalalang tanong niya. Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko kasi ay parang nilalamukos yung puso ko. Mabilis siyang lumapit sakin at hinawakan ang mga kamay ko. Wala pa rin akong reaksyon.

"Alex.. mag papaliwanag ako. I-it's not what you think." sabi niya sakin.

"I heard all of it." sabi ko sa kanya. "Wala ka ng kailangang ipaliwanag."

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now