Forbidden 6

15 0 0
                                    

"Oh bat mugto mata nyan?" tanong ni Dane sa akin pagkabalik namin ng school.

"Pinaiyak mo yan no?" tanong naman ni Kirra na nang uuyam na nakatingin sa akin.

"Wala siyang ginawa guys. Pinag usapan lang namin yung nangyari kahapon." saad ni Cess sa mga kaibigan.

Ako naman ay tila tuod na nakatayo lang sa tabi niya dahil ano bang sasabihin ko? Na.. na nagtataksil kami? Tila parang ngayon ko lang din naisip na mali ang ginawa ko kanina sa kanya. Maling mali lahat maski ang mga salitang binitawan ko.

"Tagal niyong nawala ah!" sigaw ni Trex sa akin na may kasama pang malakas na pagtapik sa balikat ko.

"Tanginang yan, masakit!" sigaw ko naman pabalik habang hinihimas himas ang balikat ko. Lumapit naman sakin si Cess para i check kung namumula ba ito. Kaya naman napahinto ang lahat at nagtatanong na nakatingin sa amin.

"Hmm.. mukhang may tinatago na kayo sa amin ah.." sabi ni Abby habang matamang nakatangin sa aming dalawa.

Tumingin saglit sa mga mata ko si Cess bago siya magsalita. "Alam niyo guys, masyado lang kayong nag o-overthink." sabi niya bago himasin ang balikat ko na hinampas ni Trex at lumayo sa akin.

---

Uwian na pero tila parang lutang pa rin ako. Hindi ako nakapag focus kanina sa klase dahil sa mga iniisip ko. Naglalakad kami palabas kasama ko ang mga tropa, noong lumapit sa akin bigla si Cess at sumabay sa paglalakad.

"Kanina ka pa tahimik ah. May problema ba?" nag aalalang tanong niya sa akin.

"Ahh wala, may iniisip lang." pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi na siya magtanong ulit. Pero nagulat naman ako noong may tumapik ulit ng malakas sa balikat ko at nakita ko si Trex na sumasabay na sa amin sa paglalakad.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Trex, stop hurting Alex." parang nangungusap na sabi ni Cess sa tropa ko.

"Sorry, Cess. Kailangan niya talaga yan para magising siya. Hahahaha!" sabi nito pagkatapos ay nauna ng maglakad at umapir pa sa mga katropa namin pagkalapit.

"Don't mind him na lang. Malakas ang sapak nyan e haha." tumango-tango naman siya at hindi na nagsalita hanggang sa makarating kami sa sakayan.

Inaantay na pala kami nung mga ungas. Nakatayo sila at nakapalibot sa isa't isa na akala mo ay may inaabangan. Tiningnan ko si Cess sa gilid ko, nakatingin lang siya sa malayo. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya, at sa ginawa ko ay nakuha ko ang atensyon niya. Tumingin siya sa akin ng nagtataka.

"Uuwi ka na ba? Or hihintayin mo pa sila Dane?" tanong ko sa kanya habang unti-unti kaming lumalapit sa pwesto nila Trex. Binitawan ko na rin ang kamay niya dahil baka may makakita pa sa amin.

"Uuwi na ako, matagal pa ang mga iyon. Kayo ba?" tanong niya sa akin ngunit hindi na ako ang sumagot kundi si Jet na. Kaya naman sa kanila na naituon ni Cess ang atensyon niya.

"Kami? Kakain pa kami sa SM, sama ka!" masayang pag aanyaya ni Jet.

"Ah.. eh.. sige ba." parang nag aalinlangan pa na sagot ni Cess sa kanila. Noong wala na sa amin ang atensyon nila ay dahan-dahan akong nag lean sa tenga nya para ibulong na, "You don't have to." pagkatapos ay nakangiti naman niyang sinalubong ang tingin ko at sinabing, "I have to be friends with your friends. Para makuha natin ang boto nila." hindi ko naman maiwasang mapangiti, "hindi na kailangan dahil matagal na silang boto sayo."

"Oh, ayun! Jeep na walang sakay, tara! Tara!" sigaw bigla ni Trex noong makakita siya ng jeep.

Hinawakan ko agad ang kamay ni Cess habang papunta kami sa jeep na sasakyan para na rin hindi siya maiwanan. Magkatabi kami sa upuan ni Cess, kaharap namin si Trex na nakangisi pa na nakatingin sa mga kamay naming magkahawak, napansin naman iyon ni Cess kaya naman hinila niya ang kamay niya sa akin ngunit mas hinigpitan ko lang ang kapit dito kaya naman napatingin siya sa akin.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now