Forbidden 14

9 0 0
                                    

Forbidden 14

1 Year Later...

< Dan PoV>

Nakatanaw lamang ako sa malayo habang pinagmamasdan sila Cess". Nakatayo ang mga ito sa harapan ng isang lapida. Kakatapos lamang ng libing. Lahat kami, hindi namin napaghandaan ang bagay na ito.  Malalim ang pag iisip ko ng may maramdaman akong tapik sa balikat ko. Sinundan ko ito at nakita ko ang malungkot na mukha ni Jet.

"Tol, tara na daw." pag aya niya sakin.

"Ayos muna mukha." pang aasar ko dito.

"Gago!" sabay pinakyuhan pa ko. Tinawanan ko lamang siya. Nakita ko din na inaya na rin sila Cess ni Jm para umalis at sumama naman ang mga ito.

Kailangan pa naming puntahan yung isang ungas sa hospital. Gising na raw eh, tumawag kay Dane yung mga magulang ni Alex. Di pa nga lang nasabi kay Cess. Kaso may isa pang problema.

< Trex PoV>

Hinawakan ko sa balikat si Cess at tinanguhan. Nakita kong may luha pa sa mukha nito ngunit pinunasan rin niya ito kaagad.

"Sorry." umiyak na ito ulit. Actually, kanina pa noong bago pa lamang ang libing. Emosyonal ang lahat, ngunit siya ang bukod tangi na pinaka. Naiintindihan naman naming lahat. Dahil kung titimabangin kaming lahat ay sila iyong mas may pinaka malalim na pinagsamahan.

"I can't help but to get emotional. I can't stop myself from crying. Oo, galit ako sakanya pero we have been together for 2 years. Kahit papaano eh minahal ko siya at may pinagsamahan kami. Joe will always be important to me. I didn't expected that she will die this early." humagulgol ito, ngunit di ko alam kung paano aaluhin. Nakita ko naman na padating si Jm. Buti na lang.

"Pre." bati ko kay Jm noong makalapit. Tinanguhan lamang ako nito at seryosong nagbaling ng tingin kay Cess.

"Cess.." tawag ni Jm dito. Sa ngayon ay nakaluhod na ito sa lapida ni Joe at umiiyak pa rin. Pero mas kalmado na kaysa kanina. Hindi ito lumingon.

"Tol, bakit ba? Kita mo ng nag eemote pa eh. Bulong ko kay Jm. Siniko ako nito.

"No time for joking tol. Gising na daw si Alex." nagulat ako sa sinabi nito. "Kaso may problema."

"What do you mean?" litong tanong ko dito. Napahinto din sa pag iyak si Cess pero sumisinghot singhot pa. Nag angat ito ng tingin kay Jm.

"Anong sabi mo?" tanong ni Cess kay Jm, may himig ng paninigurado.

"Tama kayo ng narinig, gising na daw si Alex. They called Ate Dane, yeah Alex's parents called. I don't know kung bakit hindi ikaw ang tinawagan instead of Dane." kumibit balikat si Jm.

"Sure ako may mabigat na dahilan yun sila. Tara na sa hospital agad agad. Namiss ko din yung ugok na yun eh." pabirong sabi ko to lighten up the mood kaso seryoso pa rin naman kaming sinundan ni Cess.

<Jet PoV>

Cavite Hospital

Nasa labas kami ng hospital room ni Alex. Kasama ko dito si Trex at Jm, parehong tsismosong nakikinig sa paliwanag ng Doctor sa mga magulang ni Alex tungkol sa kalagayan nito.

I can't still believe that it's happening. Tang inang problema kasi yan at ayaw kaming lubayan!

"I'm sorry but according to our findings, Alex is currently suffering from memory loss or amnesia. Well, she will expirience the selective memory stage where as maaalala niya ng bahagya ang mga bagay bagay from the past. Kaya kung meron man siyang hindi maalala, I recommend you to deepen your patience for the patient." mahabang litanya ng doctor, bagamat malayo ang mga ito ay hindi pa rin makakaligtas sa mga tsismoso naming personality.

"Tol, tama ba dinig ko? May memory gap si Alex?" kamot sa ulong tanong ni Trex sakin.

"Bobo mo talaga, memory loss! Totoo nga! May amnesia si Alex." sinamaan naman ako ng tingin ni Trex ng makitang bahagyang napalingon saamin yung doctor at mga magulang ni Alex.

"Ingay mo tang ina mo. Tsismoso ampota. Bahala ka nga dyan." nahihiyang sambit ni Trex bago pumasok na sa room ni Alex kaya sumunod na din ako pati si Jm.

Pag pasok ko palang ramdam ko na agad yung tension, yung awa para kay Cess dahil maski ang relasyon nila ay hindi maalala ni Alex.

"Jet, tang ina ka pumasok ka din. Halika nga rito! Ano? Balita?" salubong na mura agad sakin ni Alex.

"Eto, pogi pa din!" yabang ko sa kanya habang lumalapit.

"Nasaan ba si Dan? Kanino ko ba binilin sa inyo si Rain bago ako ma-coma?" tanong ni Alex samin kaya naman napasulyap ako kay Cess na namumula na yung mata at halatang pinipigil ang pag iyak.

"Ha? Seryoso ka ba tol, di mo tanda?" tanong ko na di pa din makapaniwala.

"Duda pa ampota. Konyatan kita dyan eh. Seryoso kasi pre, pupunta ba si Rain? Puntahan niyo nga sa school, baka sakaling lumakas ako bigla pag nakita ko na siya." tumatawa ngunit seryosong sambit ni Alex.

Agad namang tumayo si Cess at lumabas ng room ni Alex. Sinundan ito ni Kira at Abby. May bahid ng pag aalala sa mga mukha nito.

Nakita ko din na sinundan ito ng tingin ni Alex at para bang nagtataka ito sa inasal ni Cess.

"Jet, tanong lang. Bakit andito yun?" napaisip naman ako kung sino yung tinutukoy niya.

"Ha? Sino ba?" napakunot noo ako.

"Si Ano.. uhmm.. si Cess. Saan pala bebe nun? Tsaka bakit parang namumula ata yung mukha niya kanina? Na allergy ba siya sa mga amoy ng gamot dito?" parang batang tanong ni Alex sakin.

"Tsaka mo na lang malalaman. Only legendary knows, de joke lang." pagbawi ko agad. Baka kasi mabinat tong gunggong na to kapag binigla ko sa impormasyon.

"Parang tanga ampota." inis na bawi sakin ni Alex. "Pero seryoso nga? Hindi ba pupunta si Rain? Kasi the last thing I remember, I was courting her. Ramdam ko naman na miss na miss ko pa din siya eh. The first thing I want to see is her angelic face. Mga pre, tulungan niyo naman ako." pagmamakaawa samin nito.

Tang ina naman, bakit kasi kailangan mag ka amnesia pa! Pwede bang iuntog na lang to sa pader para makaalala?

Forbidden (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon