Forbidden 18

7 0 0
                                    

Forbidden 18

< Alex PoV>

Graduation Day.

Tang ina nakakainggit. Next sem pa enrollment. Gusto ko na din grumaduate!!!

Nasa mundo ako ng pag mumuni muni ng biglang lumitaw sa harap ko si Cess. Nakasuot ito ng isang simpleng dress at light make up. Hindi ito nakangiti sakin pero nakatingin ito.

"You look.. messed up. Did something happen?" tanong nito sakin  na nagpakunot ng noo ko. Paano niya naman nalaman?

"Ahh wala. I'm just thinking kung anong oras matatapos tong ceremony. Gutom na kasi ako eh." napahawak ako sa batok ko at nahihiyang ngumiti.

"Gutom?? Kain tayo?" hinawakan ako nito sa pulsuhan ko at kinaladkad ako patungong canteen.

"Ahh manang, pa-order po nito, nito, tsaka po nito. Tsaka po 2 canned softdrinks. Eto po bayad." inabot niya sa matandang babae ang 500 pesos na kinuha naman agad ng babae.

"Ooppss.. Libre ko na. Pambawi lang sa mga panlilibre mo sakin dati." nakangiting sabi nito sakin. Parang nawala bigla yung iniisip ko kanina noong masilayan ko ang ngiti niya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba sa mukha ko?" tanong  niya sakin. Ang cute putek. Di ko napigilan at nakurot ko ang pisngi niya.

"Aray ko Alex... Alex, ano ba?" inis na sabi niya habang hinihimas himas ang pisngi na namumula dahil sa panggigil ko.

"Sorry." nag peace sign ako dito at kumindat pa. Parang nawala naman bigla yung inis na mood niya. Kinuha na namin yung tray ng inorder niya at pumili ng mauupuan. Ng makaupo ay inayos namin saglit ang mga pagkain at kumain na.

"Kamusta?" sabay pa naming sabi. Natawa ako ng konti. Napangiti naman siya.

"Sige, ikaw muna." pag papaubaya niya sakin. Lumunok ako bago magsalita. Di ko din kasi alam kung paano sisimulan.

"I heard what happened to Joe. I'm sorry for your loss." sabi ko sa kanya.

"Nah.. It's ok. After all break na rin naman kami noong mag suicide siya sa selda niya." balewalang sabi niya sakin.

Napatingin ako sa kanya ng diretso. Kumabog ng malakas yung dibdib ko. Pagkatapos ay napahawak sa sentido dahil muling sumakit iyon.

"Anong nangyari sa labi mo, Alex? Nakipag away ka ba?"

Bigla ay narinig ko ang boses ng isang babae. Isang pamilyar na pamilyar na boses.

"Wala to, kagat lang ng insekto."

"Patingin nga!"

Nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa balikat ko. Ng mag angat ako ng tingin ay nagtama ang mga mata namin.

"Ok ka lang? Anong masakit?" tanong ni Cess na may pag aalala sa mga mata.

"Wa-wala, ok lang ako." sabi ko. Naibaba ko ang mga kubyertos at tila nawalan ako ng gana sa pagkain.

"Namumutla ka, sigurado ka ba? Gusto mo magpunta tayo sa clinic?" tanong niya pa sakin. Masakit pa rin ang ulo ko pero ayaw ko ng ipahalata iyon sa kanya. Inaalala ko kasi kung kaninong boses ba iyong pumasok sa isip ko kanina.

Biglang nag ring ang phone ko. Si Rain.. Pucha, nakalimutan ko na yung girl friend ko. Tang ina mo talaga, Alex. Inuna mo pa talaga ang iba.

Forbidden (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon