Forbidden 15

10 0 0
                                    

Forbidden 15

<Jet Pov>
Kinabukasan...

Napanganga kaming lahat ng pumasok si Rain sa hospital room ni Alex. Tangina! Putangina talaga! Gago! May dala pang mga prutas at nakangiting lumapit kay Alex. Buti na lang talaga at wala dito si Cess at ibang girls na barkada. Tanging tropa lang namin ang nandito.

"Rain?!" malaki ang ngiti ni Alex ng makitang dinalaw siya ng babae. Parang kinikilig pa nga pero pinipigilan lang.

"I bought you fruits. Sorry, eto lang." sabi ni Rain pero nakangiti pa din. Nakatitig lang kaming lahat sa kanila kasi hindi kami makapaniwala.

"Don't worry, ikaw lang sapat na. Thank you dito!" itinaas pa ng bahagya ni Alex yung basket ng prutas at sabay inilapag sa table katabi niya.

Sampung minuto na ang nakakalipas, mukha namang masayang nag uusap yung dalawa. Di lang talaga ako makapaniwala. Una sa lahat! Rain doesn't know na patay na patay si Alex sa kanya! Oo, gossip sa room nila, ng mga classmates ni Rain na nililigawan siya ni Alex pero akala niya ay nanunukso lamang ang mga ito at hindi seryoso. Ngayon ang tanong ko, puta anong nangyari? End of the world na ba?

Nakita ko naman si Dan na pangiti ngiti sa sulok habang nakatingin sa dalawa. Mukhang tanga ampota. Parang di gagawa ng maganda eh. Sabay nag cross pa ng mga braso at parang aliw na aliw. Teka, di kaya si Dan ang may pakana nito?

Tinanguhan ako nito sabay paalam na lalabas lang saglit. Sumunod agad ako rito. Parang halos di nga nila napansin na sumunod ako.

Pagkalabas ay nilapitan ko agad ito at mahinang siniko.

"Tangina mo pre! Anong nangyari dun? Gago, di talaga ako makapaniwala!" manghang sabi ko dito. "Diba.. shit! Gago. Diba di nun alam na nanliligaw sa kanya si Alex?"

"Tol, ang tawag kasi dun ay mahika. Magic pre, magic!" parang tangang sabi nito sakin.

"Ha?" napa tanga ako dito dahil hindi ko na gets yung sinabi niya.

"Magic pre! It's called magic! Hahaha!" tawa nito sakin kaya mas nangunot lalo yung noo ko.

"Bobo mo naman putang ina mo. Malamang ginawan ko ng hokus focus yun si Rain! Di mo alam yung hirap na dinanas ko mapa oo lang yan na bisitahin si Alex dito at magpanggap na sasagutin niya na si Alex at magiging fake girlfriend siya nito!" hinihingal hingal na sabi ni Dan. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Fake girlfriend?! Te-teka pre, eh paano si Cess? Tol naman, masasaktan yun tao." pag aalala ko.

"Ewan ko ba pre, tingin ko kasi ito na lang yung tanging way to help Alex gain her memories. Kung ito yung pinaka mabilis na paraan tol, I'm sure Cess will agree with my idea. Kahit masakit, she'll think that it would be worth it in the end." tinapik ako nito sa balikat sabay pasok sa loob ng room ni Alex. Sumunod na rin ako.

Nag cecellphone na lang yung mga kupal at parang wala ng pake sa presensya ni Rain. Yung dalawa naman ay sweet na sweet na nagkukwentuhan. What if Alex find out na peke lang ang lahat? Will she be mad at us? What if isa sa kanila ay mahulog ng totoo? I'm sure may masasaktan nanaman.

Dan, what have you done?

< Cess PoV >

"I'm on my way to Cavite Hospital ng biglang mag ring yung phone ko kaya sinagot ko muna ito kahit medyo maingay sa nasakyan kong jeep.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now