Forbidden 13

4 1 0
                                    

Forbidden 13

<Ken POV>

"Tang ina naman Paco, kinabahan ako sayo!" inis na mura ko sa kababata ko habang masamang nakatingin dito. Nag inat ako ng likod dahil ang sakit ng pagkakabalibag niya sakin kanina. Puta talaga tong taong to eh!

"Hahahaha! Sorry na! Halika kiss na lang kita! Hahahaha!" umakto pa itong hahalikan ako pero tinulak ko lang ito ng bahagya sa balikat sapat para lumayo ito sakin.

"Kiss mo mukha mo! Bading! Ano?! Ganyan ka ng ganyan, yung pinapagawa ko sayo? Nagawa mo ba?!" asik ko sa kanya.

"Arte naman nito dati nga ...... natin eh." bumulong bulong ito na hindi ko narinig yung iba nitong sinabi sa akin. Nakatalikod na kasi ito at nakatanaw sa bintana. Nakatanaw sa ulap at malungkot ang mga mata. Alam ko ang dahilan nito, alam ko kung bakit. Pero wala akong maitutulong sa kanya. Wala na akong magagawa. I'm sorry, Paco.

"Bulong-bulong pa eh!" pabalang na sabi ko pero may himig ng pagbibiro.

Matagal ito bago sumagot. Humarap ito sa akin na seryoso ang mukha. Malayong malayo sa Paco na sumalubong sakin kanina.

"Nakita ko na ang kaibigan mo. Nasa isang rest house dito sa Pampanga. Kung paano ko na trace, ay hindi na mahalaga. Basta ang akin lang ay tapos na ang misyon ko. Gawin mo naman ang kapalit nito Ken. Bumawi ka sakin." seryoso ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Napalunok ako ng laway. Talaga bang sinabi ko na iyon ang kapalit sa utang na loob ko sa kanya sa kaso ng kidnapping ni Cess?

Alex, ano nanaman ba ito?

<Jet PoV>

"Tol, nakita mo ba si Ken? Kanina pa kasi ako tawag ng tawag pero hindi niya sinasagot eh. Nag aalala na ko!" nag hihisterikal na sabi ko kay Dan. Bahala na kung anong isipin nila, mag aalas tres na ng hapon simula nung lumabas siya sa inis kay Jm kaninang alas sais ng umaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

Sinubukan kong i-dial ulit yung phone number niya ng biglang may kumatok sa pinto ng room ni Alex at pumasok si Ken! Hindi lang siya kundi may kasama pa itong isang lalaki pa.

Agad nag init ang tuktok ng ulo ko. Yan ba yung kasama niya maghapon at hindi man lang nakuhang makapagpaalam samin?! Tangina naman oh!

"Tol, kalma." narinig kong bulong sakin ni Dan at hinawakan pa ako nito sa pulso para pigilan.

Napatingin sakin si Ken pero agad siyang nag iwas. Yan! Ganyan ka kapag alam mong guilty ka na!

"Guys, wait uhmm.. si Paco nga pala, kababata ko." namumula pa ang tenga nito ng ipakilala samin ang kababata niya. Tss!

Agad nagsipagtanguhan ang buong tropa kay Paco. Habang ang mga nasa malapit na sila Jm at Trex ay nakipag handshake pa rito.

"Nakita ko na ang kaibigan niyo. Si Princess Dela Fuente." Meron siyang inabot na maliit na papel kay Jm, na ipinasa naman nito kay Trex hanggang sa mapunta sakin. Address!

"Dyan ko na trace ang kaibigan niyo. Tumawag na kayo ng mga pulis habang di pa nakakatakas ang suspek." sabi pa nito sa amin.

"Pre? Ano pang hinihintay natin?" tanong ni Jan sa gilid.

Nakita ko naman si Jm na nag ddial na. At si Trex na hindi na mapakali kakaikot sa higaan ni Alex.

"Tangina, relax! Magplano tayo ng maayos. Kukunin natin si Cess ng maayos don! Para magising na rin tong kupal na to." agad silang nagsipag tigil sa ginagawa.

-----

Kasalukuyan sila ngayong nasa labas ng nasabing resort na pinalulugaran ni Joe. Tahimik ang lahat maski ang mga pulis na nakikiramdam sa mangyayari.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now