Forbidden 2

15 1 0
                                    

"Uy Alex, patingin nga ng code mo." sabi ni Kira sakin pagkatapos ay dumungaw na sa pc ko para kopyahin yung codes sa seatwork namin. Lumabas kasi yung prof namin saglit e.

"Teka, di pa nga ako tapos e." nakita ko naman ang pagsimangot nito.

"Hmmp.. damot, sumbong kita kay Cess dyan e." sabi nito sabay irap pa sakin pero nangongopya pa rin naman.

Napakamot naman ako ng ulo, kung di lang to nililigawan ni Dan e baka nakonyatan ko na to. Napalingon naman ako sa direksyon ni Cess, at nakita ko na nakatingin din siya sakin. Nag-iwas ako agad. Di ko din alam kung bakit ako naiilang sa kanya. Siguro ay dahil sa tampulan kami palagi ng tukso. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako talaga nasasanay. Siguro nga e, siya rin.

**********

Pagkatapos ng klase namin ay lumabas agad ako. Tapos ay nag-unat sa may corridor. Nakita ko pa si Rain na naglalakad sa di kalayuan. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya. Bigla naman akong napapikit ng may pumitik sa harap ng mukha ko bigla. Paglingon ko, nakita ko si Cess. Ngiting-ngiti, tuwang-tuwa ata sa kalokohan na ginawa niya.

"Bakit kasi tulala ka dyan ha? Ano ba tinitingnan mo?" tapos sinundan niya din ng tingin yung tinitingnan ko kanina.

"A-ah.. si Rain.. Nakita ko kasi si Rain na dumaan." bakit ba ako nauutal? Kainis naman para tuloy akong engot.

"Ahh.. hindi pala ano.. kung hindi sino." nakangiti pa rin siya na tumingin ulit sakin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo at alam kong nakita ko sa mga mata niya ang sakit. Pero bakit naman? Walang rason para maramdaman niya yon. Masaya naman siya kay Joe ah? Hays, nag-iilusyon nanaman ako!

Bigla namang naputol ang titigan namin ng may humampas sa likod ko. Di naman malakas. Pero tama lang para masubsob ako kay Cess. Tangina talaga netong mga to e! Tss.. Tiningnan ko muna si Cess kung ok lang siya tapos masama ang tingin ko na tumingin sa likod.

"Pota naman pare!" inis na sabi ko kay Trex. Ngumisi naman ito sakin. Tangina talaga.. ang lalakas mang-asar ng mga lintek!

"Ay sorry pre, napalakas." sabi niya na kunyari pa e tinakluban ang bibig sa gulat. Nag-apir pa sila nila Jet, Dan, at Jm. Inis naman akong tumingin kay Cess.

"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko naman sa kanya.

"Kunot-noo ka nanaman.." akmang aayusin niya yung kilay ko na kunot na kunot pero hinuli ko lang ang kamay niya.

"Ano ka ba naman, mamaya makita tayo ng mga yan e. Alam mo naman na napaka malisyoso ng mga yan." naiinis pa rin ako. Dahil hindi ako makakilos ng maayos kapag andito yung mga kumag. Naiilang tuloy ako sa kanya na dapat ay hindi naman.

Ngumiti lang siya sakin pagkatapos ay dahan dahang kinuha ang kamay niya sa kamay ko at ibinaba. Tumalikod na siya sa akin at lumapit kila Dane. Pagkatalikod niya ay may nagsalita naman sa gilid ko.

"Uy nakita ko yun hihi." mukhang kinikilig pa na sabi ni Abby sa tabi ko pagkatapos ay naglakad na ito papunta kila Cess.

Tapos tumambay muna kami nung mga kupal saglit sa may hagdan. Nag-iisip kung lalaro ba kami ngayon. Mainit pa kasi sa labas. Tapos yung next subject namin mamayang alas kwatro pa, e alas diyes palang. Tahimik lang ako dahil badtrip pa ko sa nangyari kanina. Gagong Trex to, ang sakit ng hampas.

"SM nalang kaya muna tayo? Ano? Sama ba kayo?" rinig ko na tanong ni Dane sa mga kaibigan niya. Nagsipagtanguhan naman sila.

"Kira, sama mo si Dan. Ikaw din Fat, sama mo si Trex. Hahahaha!" hindi ko gusto yung tunog ng tawa ng taong to ah. Pang baliw na yan e.

"Sama naman kame sa pangarap niyo." sabi naman ni Jet pagkatapos.

"Pass ako mga pre, LOL is life e." pahabol na sabi ni Jm.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now