Forbidden 4

11 0 0
                                    

"Uy!" rinig ko na may tumawag sa likuran ko pero hindi muna ako lumingon kasi nag ce-cellphone din ako. Baka mamaya hindi naman pala ako yung tinawag tapos lilingunin ko pa, sayang naman effort ko.

"Uy, Alex!" pangalawang tawag e lumingon na ko. Syempre sigurado na ko na ako yun. Napalingon naman ako, nakita ko si Cess na humahabol pala sa paglalakad ko. Vacant kasi namin ngayon, galing din ako ng library kasi nagkopyahan kami ng assignment nila Dane.

"Kaw pala." tinigil ko muna yung lakad ko pati pag ce-cellphone para makasabay siya sakin.

"Snobber!" sabi niya sakin pagkalapit niya.

"Ha? Di naman. San pala sila?" tanong ko. Mag-isa lang kasi siyang lumapit. E kasama naman namin siya kanina nung naggawa kami ng assignment sa library.

"Hindi ko nga alam e. Nagpaalam lang kaya akong mag c-cr, tapos pagbalik ko wala na sila dun." sumbong niya sakin na nakanguso pa. Ang cute talaga haha.

"Hanapin na lang natin. Nakanguso ka nanaman, mukha ka na tuloy bibe nyan hahaha!" sabi ko sa kanya habang tumatawa. Sinamaan naman niya ko ng tingin.

"Snob na nga, mapang-asar pa. Dyan ka na nga!" biglang sabi niya sakin. Tapos naglakad siya ng mabilis. Naalarma naman ako, kaya syempre hinabol ko siya. Tapos nung maabutan ko, agad kong hinawakan siya sa braso niya. Napahinto naman siya agad, tapos napatingin sakin. Pagkita ko sa mata niya, teary eyed na siya. Pucha!

"Hala, joke lang naman e. Sorry na." sabi ko sa kanya pagkaharap na pagkaharap niya.

"Ewan ko sayo." sabi niya na kinuha pa yung braso niya sakin tapos naglakad na ulit siya. Sumunod naman ako.

"Nagbibiro lang naman e. Pag nakita ka nilang ganyan at kasama mo ako, baka kung ano nanaman ang isipin ng mga yon." sabi ko. Napahinto ulit siya tapos tumitig sakin ng matagal.

"Yun pa talaga inaalala mo. Lagi mo namang iniisip kung anong sasabihin nila satin e." parang maiiyak nanaman siya.

"Sorry na, ok? Wag mo na tuloy yang luha mo haha, samahan mo na lang ako pumunta kila Dan." mahinahon kong sabi tapos ay hinawakan ko ang kamay niya. Oo, holding hands kami habang naglalakad! Hindi siya pumalag o nagreklamo.

"Nasaan ba sila?" tanong niya.

"TNC. Ok lang ba sayo kung dun tayo tumambay?" sagot ko.

Tumango lang naman siya. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Ganon rin siya sakin. Kinakabahan nga ako e. Baka kasi.. may makakita sa amin tapos magsumbong. Bawal to e. Bawal talaga. Pero sa isip ko sinasabi na ang saya-saya ko na ako ang may hawak ng kamay niya ngayon.

Pagkarating namin sa harap ng TNC, binitawan ko na ang kamay niya. Nauna ako umakyat ng hagdan pero nililingon ko rin naman siya. Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Medyo maraming tambay sa loob kaya hinawakan ko ulit yung kamay niya para hindi siya mawala. Kumapit rin naman siya pabalik sakin.

Kaunting tingkayad, sipat-sipat, tapos gala ng mata, nakita rin namin yung mga gago. Iniwanan kasi nila ako sa library e. Dotang-dota na daw kasi sila at aantayin na lang nila ako sa TNC.

Pagkarating namin sa medyo dulo sa may upuan nila, nag reserve na pala sila ng upuan para sakin. Lumapit kami ni Cess. Pagkita sakin nung mga gago, nagsipag ngitian agad. Mga ngiting aso e. Aapir na sana kaso nakita nila na may kasama pala ako. Lalo namang lumawak ang mga ngiti nila ng makita kung sino.

"Oohhhh! Ano yan? Ano yan?" ngiting ngiting tanong ni Dan habang nakatingin pa sa magkahawak naming kamay. Napatingin naman ako kay Cess, kita ko naman na nahihiya rin siya. Napakamot naman ako sa batok sa hiya rin.

"After 999 years, naka score din ang kupal." sabi ni Trex habang malakas pang tumatawa. Mabuti na nga lang at maingay dito sa shop.

"Mga gunggong talaga kayo. Di na kayo nahiya kay Cess." sabi ko sa kanila. Bibitaw na sana ako sa pagkakahawak sa kamay niya pero mas hinigpitan niya pa ang pagkapit dito. Napatingin naman ako sa kanya. Para ngang namumutla siya e.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now