Forbidden 3

8 0 0
                                    

"Thanks sa libre." ngiting ngiti kong sabi kay Cess habang kinakain ko na ang ice cream na nilibre niya sakin. Nakasimangot lang siya sakin at hindi ako pinapansin.

"Bakit naman busangot ang mukha mo? Sige ka, hindi ka na nyan cute hahahaha!" pang-aasar ko pa sa kanya.

Naiwan kaming dalawa ni Cess sa table dahil ewan ko din ba. Sila Trex, nag paalam na mag ccr muna. Sila Abby naman kasama ng barkada niya at si Joe ay nasa counter. Iniwan kaming dalawa rito. On purpose pa nga ata. Mga lintek talaga, nakakahiya naman kasi kay Joe e.

"Ewan ko sayo, nakakainis ka, hindi ka man lang nagpatalo kanina. Hmmpp!" inismiran niya pa ako. Ang cute cute niya talaga. Magkaharap kasi kami sa table, kaya dumungaw pa ako at tumuon sa lamesa para makurot ko ang pisngi niya.

"Hahaha! Ang cute cute mo talaga."

"Aray.. pisngi koo" mahinang sabi niya.

Nakita namin si Joe na pabalik na. Kaya tumigil na rin ako. Baka mamaya ay kung ano pa ang sabihin nito tungkol samin. Naging seryoso naman bigla ang itsura niya.

"By oh, order mo." inilapag niya yung tray na may laman ng pagkain nilang dalawa tapos binaling niya naman yung tingin niya sakin. "Ikaw, Alex? Di ka pa oorder?" ngumiti lang ako pero sumagot rin naman pagtapos.

"Maya na, antayin ko pa yung mga bonak." pagtapos non umupo na siya, at nag-usap sila. Yumuko na lang ako at nilabas yung phone ko para kunyari may ginagawa rin ako. Tapos naalala ko bigla yung phone ni Cess, nasa kabilang bulsa ko pa pala. Mukhang nakalimutan na niya ah haha.

"Hoy Alex! Tara order na!" tinapik naman ako ni Dan sa likod. Tumayo na rin ako. Ilang minuto kaming nakapila don, pagkakuha ng order namin bumalik na din kami sa table. Nag ku-kwentuhan na yung mga ungas. Ako naman tahimik lang na kumakain. Ang sakit pa nga din ng braso ko e haha.

Mayamaya tumayo naman si Joe, nagpaalam na mag c-cr lang sandali. Tumayo din si Cess pero hindi ko na nilingon.

"Kamusta kanina? Naka score ka ba? Hahahaha!" nang aasar na tanong ni Trex sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Fan talaga to naming dalawa ni Cess e hahaha. Kanina pa to sa school e. Naisip ko naman na sakyan na lang sila.

"Di nga pre e, dumating kasi agad bebe niya. OP nga ako e, tagal niyo pa mag cr. Sana sumama na lang ako sa inyo." sabi ko.

"Wala to. Mahina! Hahaha!" tumatawang sabi naman sakin ni Dan.

"Ulol! Yabang mo, e ikaw nga din hindi pa nakak score kay Kira hahahaha!" ganti ko sa kanya.

Nagtatawanan kami ng mapansin namin na palapit na sila Cess samin. Namumula ang mga mata niya na mukhang galing pa sa pag iyak. Nag alala naman ako, pero hindi ko na lang muna pinansin.

Pagkalapit at nagsalita agad si Joe.

"Ahh, guys mauna na ko ah. May dadaanan pa kasi ako, uuwi na rin kasi kami ngayon sa probinsya." -Joe.

Ah baka kaya mugto ang mga mata niya. Luluwas na ulit ang girlfriend niya.

"Ay ganun? Ang bilis naman." parang malungkot pa na sabi ni Dane kay Joe.

"Kawawa naman si Cess." rinig ko na sabi pa ni Kira.

Nagkayayaan naman na kaming bumalik na sa school para sa last subject namin. Para na rin siguro ihatid si Joe sa sakayan.

"Alex, pautang naman!" biglang tumabi sakin si Trex. Nginisian ko naman si gago, kilala ko pasikot-sikot ng bituka nito. Actually, lahat ng tropa haha. Nahawa na nga lang din ako.

"Ulol, hiram ba o hingi? Hahaha!" tumatawang sabi ko sa kanya. Hanggang sa sabay-sabay nanaman kaming maglakad nung mga bonak.

"Taena damot mo." nangangamot sa ulong sabi ni Trex sakin. Pinakyuhan ko lang siya tapos sabay sabi na, "Ang haba pa ng listahan mo saken, magbayad ka muna hahaha!"

"Oy Trex, yung utang mong isang daan?" biglang ungkat ni Dan. Tapos nagtawanan kami ulit.

"Nagkakaungkatan na ng utang dyan ah hahaha" sabat naman ni Abby.

Pagkarating namin sa terminal kung saan sasakay si Joe ay niyakap pa muna nito si Cess. Tapos hinalikan sa noo.

"Thanks nga pala sa paghatid ah! Ingat kayo." sabi niya samin. Tapos bumaling naman siya ng tingin kay Cess. "Oh, wag ka na iiyak ah. Tatawagan kita pag nakauwi na ko, ok?" mahinahon niyang sabi tapos nagyakapan sila. Umiiyak nanaman si Cess. Iyakin talaga kahit kailan. Hindi naman siya nag sasalita, puro tango lang at iling. Hindi na din siguro makasalita gawa ng pag iyak niya.

Pagkaalis nung bus, tuluyan na talagang napaiyak ng sobra si Cess. Inalo naman siya ng mga kaibigan niya. Kami naman nila Trex, nakatingin lang.

"Alex, titingin ka na lang ba dyan? Alu-in mo oh." sabi sakin ni Dane.

"Tss. Bakit naman ako, kayo na. Di naman kami e." sabi ko naman tapos tumalikod na ako para di ko siya makita.

Ang panget lang kasi na pagkaalis ng syota niya tsaka lang ako kikilos. Hindi ba parang nag chi-cheat na siya non? Tumingin na lang ako sa malayo tapos ilang minuto inaya ko na sila na umalis na.

"Tara, male-late na tayo." sabi ko pero ang niyayaya ko lang naman ay sila Trex.

"Mamaya na, i-comfort mo muna to oh." turo ni Trex kay Cess na medyo tumahan na.

"Tss." lumakad ako palapit kay Cess tapos tumabi ako sa kanya. Tumingin siya sakin saglit pero yumuko din agad. "Tumahan ka na, di naman mawawala yun e." tukoy ko kay Joe. Tapos bumaling ako kila Dane, "Oh, ok na, tara na." tapos bumalik na ulit ako sa tabi nila Dan.

"Ay nako, ano kaya yun? Tara na nga." pagpayag na rin nila. Sinabayan pa nila na maglakad si Cess. Tapos sumunod kami sa likod nila.

"Ayun! Ayun! Oh, sakto walang sakay si Kuya." sabi ni Trex habang lakad takbo papunta sa jeep. "Sakay na kayo dali." sabi niya pa.

Sumakay si Dane, sunod si Abby, si Hazel tapos si Kira, sumunod si Dan tapos tinabihan niya si Kira. Sunod na pumasok si Fat tapos sinundan naman ni Trex. Tapos pumasok na rin si Jet. Huli kaming dalawa.

Hindi ko nga rin alam kung paano nangyari pero inalalayan ko na lang siya makaakyat tapos sumunod na rin ako. Sa may dulo kami sa jeep nakapwesto malapit sa may pintuan. Tiningnan ko siya. Tumahan na siya pero sumisinghot singhot pa rin.

"Hoy bayad niyo!" sigaw samin ni Fat.

"Bantayan mo yang jowa mo, hari yang ng 123 hahaha!" sabi ni Jet. Nagtawanan kami lalo nung makita namin na sumilip yung driver sa diresyon namin gamit yung front mirror.

"La, hindi naman e." sabi bigla ni Trex pero tinawanan na lang namin.

Nilabas ko na yung wallet ko, nakita ko naman siya na naglabas din pero sabi ko ako na. Narinig naman nung mga ungas, nang asar pa.

"Ulol! At least kami nagbabayad hahaha!" sabi ko na lang.

"Aww sana all may bebe na nanlilibre ng pamasahe" gatong ni Jet.

"Hina mo kasi kay Lane e haha." nang aasar na sabi ko. Pagtapos namin magbayad ay tumahimik na rin kami.

Nakatingin lang ako sa labas ng jeep nung maalala ko yung cellphone ni Cess na nasakin pa pala. Baka mamaya tumawag si Joe at hindi niya masagot e, mag away pa sila.

"Phone mo pala." lumingon ako sa kanya. Pagkita ko tulog siya na nakasandal yung ulo sa sandalan. Napagod siguro kakaiyak. Inalalayan ko na lang ang ulo niya at ipinatong sa balikat ko. Baka kasi mauntog, kawawa naman.

Napatingin naman ako kila Abby at mga naka ngiting aso naman sila. Badtrip talaga. Pero hinayaan ko na lang rin. Napagod rin kasi ako sa arcade kanina.

Nung medyo katagalan, nakaisip naman ako ng kalokohan. Kinuha ko ulit yung phone ni Cess. Ipinunta ko sa camera tapos ay sinet ko ang front cam. Magpipicture na lang ako gamit cam niya na kasama siya tapos tulog pa hahaha!

Forbidden (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon