Forbidden 7

8 0 0
                                    

Naglakad ako ng kaunti mula sa kanto ng bahay ni Cess hanggang sa makarating ako sa isang waiting shed at doon ako naghintay ng masasakyan pauwi. Tumayo ako doon at naglibot libot ng tingin dahil baka may dumaan ng jeep. Ngunit noong medyo nainip na ako ay kinuha ko na ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan kung may mga nag message ba. Limang mensahe iyon, at lahat galing kay Cess kaya naman di ko rin naiwasang mapangiti.

Cess:

Nakasakay ka na?

San ka na?

Ingat!

Sorry pala, umalis ako agad. Antok na kasi ako eh.

Di ako makatulog. Hintay ko text mo.

Agad akong nagtipa sa cellphone at nireplyan ko siya.

Alex:

Dito pa ko sa waiting shed niyo, nag aantay ng masasakyan.

Tulog ka na, mag iingat ako promise! Love you!

Napangiti naman ako bigla sa message ko sa kanya. Hindi ko rin kasi maitago ang kilig na nararamdaman ko sa bawat i love you na sasabihin namin sa isa't isa. Parang panaginip.

"Naghatid ng girlfriend?" ngingiti ngiti ako mag isa noong may bigla na lamang akong narinig na nagsalita sa gilid ko. Nagulat pa ako noong makita ko kung sino ito pero nakahulma rin naman ako kaagad noong pagak itong matawa kahit pa may itim na mask na nakaharang sa bibig at ilong nito. Ng mapansin niya naman na nagulat ako sa kanya ay agad nitong iwinagayway ang kamay at sinabing, "Oh, wag kang mag alala, di ako masamang tao. Naghatid din ako ng girlfriend."

Tumango-tango ako sa kanya, pero sa loob loob ko ay di ko maiwasang kabahan. Paanong hindi? Eh tatlong beses ng nag krus ang landas namin simula pa kaninang nasa resto kami. Noong nasa jeep at ngayon naman ay ngayong naghihintay ako ng masasakyan pauwi.

"Uhmm.. well, not totally my girlfriend." siya naman ang tumango tango sa pagkakataon iyon, nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit nga ba may taklob ang mukha niya kaya naman tinanong ko na rin kung bakit. "Bakit pala.. uhmm.. disguise?" putol putol na tanong ko, hindi ko rin kasi alam kung paano ba itatanong sa kanya.

"Ahh.. eto ba?" hinawakan niya ang mask nya, shades, at hoodie kaya naman tumango ako. "Hindi niya kasi alam na hinatid ko siya eh. Actually, anniversary namin ngayon at balak ko sana siyang i-surprise so nag disguise ako para hindi niya ako makilala." nagkibit balikat siya at napatingin sa malayo. Bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "But it turns out na ako pala ang masusurprise. Alam mo ba kung bakit?" tumingin siya sa direksyon ko kaya naman umiling iling ako, "Bakit?" tanong ko.

"Sure ka hindi mo alam?" nagtaka naman ako sa tanong niya at sa himig nito'y tila ba naninigurado. Kaya naman umiling na lang akong muli para sabihin na hindi ko alam.

"Ako ang nasurprise kasi may iba palang naghahatid sa kanya sa tuwing hindi kami magkasama. May ibang humahawak ng mga kamay nya kapag wala ako, may ibang yumayakap sa kanya kapag hindi kami magkatabi..." isang mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin bago siya muling nagsalita. "Iba na pala ang humahalik sa kanya kapag hindi kami nagkikita. May iba na palang nagpapasaya kaya lumalamig na." mataman niya akong tiningnan, para namang nalungkot ako sa mga sinabi niya.

Wala akong maisip na sasabihin para mapagaan ang nararamdaman niya kaya naman marahan ko na lamang na ipinatong ang kamay ko sa kanang balikat niya at mahinang tinapik iyon. "Ayos lang yan, maayos din ang lahat sa inyo." sinserong sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya ng diretso. Kumunot naman ang noo nito na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Maaayos? Sigurado ka ba? Alex, sinira mo ng lahat." Nagulat ako noong banggitin niya ang pangalan ko. Napaatras ako bigla sa kinatatayuan ko at hindi makapagsalita. "Si-sino ka? Bakit mo a-ako kilala?" utal kong tanong dito. Bigla na lamang nitong tinanggal ang black mask nito at shades. Nakahoodie pa rin ito ngunit alam ko na agad kung sino ito.

"Hindi mo ako kilala ha?! Ako lang naman ang girlfriend ng hinahatid mo pauwi, ang girlfriend ng hinahalikan mo, hinahawakan mong kamay, ang sinasabi mong girlfriend mo! Ngayon kilala mo na ba ako ha?!" galit na galit na sigaw ni Joe sa akin. Malakas ako nitong tinulak sa balikat at noong hindi ako pumalag ay sinapak pa ako nito sa kanang panga ko. Pero noong sasapakin niya ko ulit ay umiwas na ako dito at mabilis kong hinawakan ang kamao niya at pinaikot ito hanggang sa magsisigaw siya na bitawakan ko siya.

"Tangina! Bitawan mo ko masasaktan ka talaga sakin!" kawag lang ito ng kawag.

"Sinapak mo ko tapos sasabihin mo sakin na pakawalan kita? Ano ako tanga?!" pagak akong napatawa.

"Kung ayaw mong masapak ulet, then stop flirting with my girlfriend! You are poisoning her mind! Kaya siguro lately, she wanted us to break up dahil sayo yun noh?!" parang baliw na sigaw ni Joe kay Alex.

"Wala akong kinalaman sa relasyon na meron kayo ni Cess, ok?! I don't care. Especially sayo! Pero puta kung ayaw na niya then wag mo ng pilitin!"

"Hinde! Hinde pa niya ayaw sa relasyon namin! Stop poisoning her mind! She always wanted our relationship to last! She was happy with me. Tangina, kasalanan mo lahat ng ito Alex!" nakawala si Joe sa pagkakahawak niya at muli siyang nasapak sa kanang panga. Kaagad nagdugo ang labi niya at nagtangis ang mga ngipin niya sa inis. Ayaw niya sanang patulan ito ngunit, hindi biro ang mga suntok ni Joe dahil na rin sa malaki ang kamo nito at mabigat ang kamay.

Ng makabawi si Alex sa suntok ay sinapak niya rin ito sa mukha ng dalawang beses bilang ganti at di pa siya nakuntento at tinuhod pa nito ang sikmura ni Joe. Kaya naman agad napaluhod ang babae at kinuha na niya ang pagkakataong ito para makalayo.

"Putang ina mo, Alex! May araw ka rin!" dinig niya pang sinabi ni Joe ngunit binalewala na lamang niya ito. Ng may makitang jeep ay agarang niya itong pinara.

**********

"Anong nangyari sa labi mo, Alex? Nakipag away ka ba?" tanong ni Cess sa kanya habang kumakain silang magbabarkada sa Canteen. Kaharap niya ang dalaga habang katabi nila ang kani kanilang mga kaibigan.

"Wala to, kagat lang ng insekto." pang iisnab ko sa tanong ni Cess. Sumimangot siya sa akin at masama akong tiningnan.

"Patingin nga!" inis na hinawakan niya magkabila kong pisngi at inilapit ang mukha sa akin para matitigan ito ng malapitan.

Agad naman nagkakomusyon ang mga bonak sa ginawa ni Cess.

"Oh! Oh! Wag nga kayo dito maglampungan! Mahiya kayo sa mga single!" sigaw ni Dane sa amin.

"Pre, gusto mo condom?" tanong naman sakin ni Trex.

Agad naman itong binatukan ni Fat, "ayan ka nanaman sa kabastusan mong jutay ka ha!"

"Ooooohhhh!!" sabay naman na napahiyaw sila Dan, Jethro, at Jm sa sinabi ni Fat kay Trex. Namula naman sa hiya ang tenga ni Trex.

"So, anong nangyari kagabi? Sabi mo mag iingat ka?" patampong saad ni Cess sa akin. Binitawan na niya ang pisngi ko at nakasimangot na lamang itong nakatingin sa akin.

"Wala nga lang to. Nag ingat naman ako e, promise."

"Anong meron sa inyong dalawa kagabi? Kayo ha, may tinatago na kayo samin." nagtatanong na tingin ang ibinaling saming dalawa ni Abby.

"Oo nga, tsaka bakit magkasama kayo kagabi? Nagdate kayo?!" napalakas yata ang pagsasalita ni Hazel kaya naman nagtinginan samin ang ilang estudyante na nanananghalian din.

"Ano ba guys, huminahon nga kayo. Kasama namin sila Jet noh, ang buong basurero gang. Kaya wag kayong ano!" pabirong umirap si Cess sa kanila.

"Ok, halatang may itinatago dahil parehong defensive. Hahaha! Malalaman din namin yan noh!" natatawang saad ni Kira sa amin.

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang kami sandali at pagkatapos ay sabay sabay na kaming nag siakyatan para sa susunod na subject.

Pasimple kong tinabihan si Cess at maingat ko siyang hinapit sa bewang. Nabigla siya sa ginawa ko ngunit napangiti lang din naman pag katapos. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at sinabing, "wala lang to, promise. Love you." kinurot niya ako sa tagiliran kaya napabitaw ako sa bewang niya ngunit hinawakan naman niya ng mahigpit ang kamay ko noong paakyat na kami. Kaya naman magka holding hands kaming umakyat ng hagdan.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now