Forbidden 16

5 0 0
                                    

Forbidden 16

<Alex PoV>

Andito pa din ako sa hospital. Badtrip nga eh kasi gustong gusto ko ng lumabas dito. 8 months akong under coma tapos kailangan pang i-confine ng 3 weeks to 1 month.

Pero good news din kasi tumawag sakin sila Daddy kanina. Pwede naman na daw akong ma-discharge, pero bukas pa. Sana nga ngayon na eh. Gusto ko ng makita ulit si Rain. Teka, matawagan nga.

"Hi babe." sagot ko agad sa kabilang linya ng sumagot siya sa tawag ko. Alas tres pa lang ng madaling araw, umalis na din yung mga bonak, pati yung grupo nila Ate Dane. Kanina pa.

"Hello..?" rinig ko sa kabilang linya na inaantok antok pa ang boses.

"Hello, babe. Sorry, naistorbo ba kita?" malambing na tanong ko kahit pa alam ko na nagising ko siya.

"Uhmm.. bakit ka ba napatawag?" tanong niya sakin.

"Wala naman, namiss lang kita kaagad. Sige tulog ka na ulit, gusto ko lang talaga marinig ang boses mo. Goodnight. I love you." malambing na sabi ko.

"Ikaw talaga, sige goodnight din." sabi ni Rain at naputol na ang tawag.

Balak ko sana siyang sorpresahin bukas eh. Susunduin ko siya sa school. Graduating na kasi sila. Nakakainggit nga eh, kung di lang naman ako naaksidente 8 months ago, baka kasabay ko din silang grumaduate.

Naaksidente daw ako sa motor, yun ang sabi nila sakin. Yung motor ko pang matagal ko ng hindi ginagamit. Parang tanga lang kasi. Hays ewan ko din ba, hindi ko maintindihan.

Tinanong ko naman sila kung anong dahilan at ginamit ko yung motor na yun, sinabi lang nila na soon malalaman ko rin kung bakit. Mahabang kwento daw kasi at baka mabigla ako at mabinat. Kaya, hindi na lang ako nagtanong ulit. Parang ayaw ko rin kasing malaman. Feeling ko kasi ay kumikirot ang puso ko sa tuwing pinipilit kong alalahanin yung mga nangyari dati.

-----

"Dad? Can I use your car later? I want to surprise my friends po, di kasi nila alam na na-discharge na ako eh." malambing na sabi ko kay Daddy. Bigla naman lumapit si Mommy with her worried face.

"Alexander! Don't agree with your daughter, alam mo naman na kagagaling lang nyan sa aksidente." histerikal na sabi ni Mommy kay Daddy.

Na-discharge na kasi ako kaninang umaga. Halos mag tatanghali na ngayon, at balak ko sanang pumunta mamayang after lunch nila. Nag papractice mag march yung mga yun for graduation ceremony nila. For sure matutuwa si Rain if I show up.

"Daddy, Mommy please po pumayag na kayo. I promise, I'll be careful. Please Dad." napabuntong hininga si Mommy at nagkibit balikat si Daddy. Lupaypay akong pumunta sa sala at naupo sa sofa. Nag bukas ng cellphone at nakita ang mga text messages ng mga bonak. Pupunta daw sila sa Hospital room ko once matapos yung practice nila.

@everyone: wag na kayo pumunta na discharge na ako |

Hindi ko na na-isend pa ang message ko sa lahat ng may lumitaw na kamay sa harap ng mukha ko at nakita ko ang susi ng kotse ni Daddy na hawak nito. Hawak ni Mom, napangiti ako ng malawak. At napatayo kaagad sabay yakap sa kanya.

"Payag ka na Mommy?! Thank you po!" sabi ko na parang bata.

"Basta mag iingat ha. Ayaw na naming mangyari yung nangyari dati sayo." tumango tango ako.

"Opo, promise po. Thank you po ulit, Mom and Dad!" sabi ko at agad tumayo na pumunta sa kwarto ko para mag bihis.

Pagkabihis ay nag paalam agad ako kila Mommy na aalis na. Mahirap na at baka magbago pa ang isip nila.

Dumaan muna ako sa ATM Machine para nag widthdraw, sabay diretso na sa bilihan ng mga bulaklak para kay Rain.

----

Sa dulo natanaw ko agad si Trex, sa kanya ko lang kasi sinabing nadischarge na ko. Bespren eh.

"Tang ina pre, sa wakas at laya ka na sa hawla mo." sambit sakin agad ni Trex noong makalapit ako. Ang lawak ng ngiti nito na kita na ang gilagid. Nakipag apir ito sa akin.

"Lakas ng bunganga mo gago." angas ko dito at pinakita yung dala kong bouquet sa kanya. Mas lalong lumapad ang ngiti nito sakin.

"Asenso na talaga!" inakbayan ako nito. "Tara, for sure maiihi sa kilig yun si Ce-- Rain. Si Rain." nautal pa ang hayop.

Pinuntahan muna namin yung mga bonak sa pila. Nag hiyawan pa nga ang mga gago noong nakitang may hawak akong bulaklak eh. Abot langit ang hiya ko sa inasta nila. Pero kahit na ganoon ay namiss ko pa rin ang lugar na ito. Kahit wala akong masyadong maalala sa mga nangyari for the past few months.

Sinamahan pa nila akong puntahan si Rain sa room nila. Tapos na kasi yung  practice nila kaya full force naming sinugod ang room nila Rain.

Pagdating namin dun, naghihiyawan din yung mga kaklase niya at meron silang pinapalibutan lahat parang suntukan yata. Pero bakit may halong kilig yung sigaw ng mga kaklase niya?

Hinawakan ni Dan yung braso ko at tila pinipigilan ako nitong pumasok. Pero tinanggal ko lamang ito at nag dire diretso sa loob. Nakipagsiksikan sa umpukan ng mga estudyante. At doon nakita ko ang pakay.

Nakaluhod ang isang lalaking estudyante dito at may hawak na necklace habang namumula ang mukha ng babae na gulat na nakatingin din dito.

"Rainicole Villanueva.. will you be my girl friend?" nag iritan ang lahat. Nabitawan ko yung bulaklak na hawak ko. Napatingin sakin si Rain, bumilis ang tibok ng puso ko. Girl friend na kita, Rain. But why does it hurts this much na parang hindi totoo ang lahat?

Tumalikod ako, naglakad palayo. Tangina, di ko na kailangan malaman ang sagot niya sa lalaking yun! Bakit kailangan pa niya kong lokohin? Bakit kailangan niya pang magpanggap?!

"Pre!" rinig kong sigaw ni Trex sakin pero nag lakad lang ako ng mabilis.

"Alexandra Perez!!!" narinig kong may sumigaw na babae. Boses niya, kaya napahinto ako. Parang nag automatic yung mga paa ko. Pero hindi ako humarap. Ayaw kong makita ang reaksyon niya. Ni ayaw kong marinig ang sasabihin niya.

"Ano ba?!" sigaw niya sakin pagkahawak niya sa braso ko at buong lakas akong iniharap sa kanya. Nakayuko lang ako at nakakuyom ng mahigpit ang mga kamay.

"Alex, I didn't say yes to him. Ok? Stop over thinking. Baka makasama pa sayo yan." mahinahon na sabi niya sakin. Hindi pa rin ako tumitingin dito. Parang nilalamukos yung puso ko. Dahil pakiramdam ko ay nag sisingungaling lamang siya sakin.

Hindi pa rin ako tumitingin dito at nakakuyom pa rin ang kamao ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Tinanggal niya ang pagkakakuyom nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Please stop over thinking Babe. Ikaw lang sapat na, remember that line?" niyakap niya ang braso ko. Lumambot bigla yung puso ko at nawala ang mga inaalala ko kanina lang. In-emphasize niya pa yung word na babe.

"I'm sorry kung yun yung nadatnan mo kanina sa room. Hindi ko rin inexpect yun maniwala ka. I-I just don't know what to say... Sorry na, pleasee." niyakap pa ako nito lalo at tumingala pa sa akin para makita ang reaksyon ko.

Niyakap ko din siya. Nawala agad yung galit ko ng ganun ganun lang. Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang sumakit yung ulo ko. Sobrang sakit na parang binibiyak kaya napapikit ako ng mariin.

"Wag ka na makipag away please." 

Napahawak ako sa sentido ko. Bigla na lamang may nag pop up na alaala sakin. Isang babae, nakayakap daw ito sakin habang umiiyak.

"Alex? Ok ka lang?" napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Rain.

"Sumakit lang ulo ko." sabi ko sa kanya. That girl must be Rain. Pero away? Wag na raw ako makipag away? Kanino naman?

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now