Forbidden 12

6 1 0
                                    

Forbidden 12

<Jet Pov>

Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro ng Dota nila Dan ng biglang nag ring ang cellphone ko. Noong una hindi ko muna pinansin. Kasi sino ba naman ang nasa matinong pag iisip ang tatawag ng ganitong oras? Alas dos y trenta palang kaya ng madaling araw.

Kapag talaga malaman laman kong si Trex na kupal lang yan, bibigwasan ko talaga yun sa pasukan.

Pangatlong beses na nagring ang cellphone ko at sakto naman na namatay ako sa game ay tumayo muna ako sandali para tingnan ang cellphone kong naka charge sa lamesa.

Pagkakita ko ay nagtaka ako kaagad. Bakit tumatawag ng ganitong kaaga si Alex? Anong meron?

Namatay ang tawag ngunit ilang segundo ay tumunog ito ulit. Narinig kong nabuhay na ang hero ko sa dota kaya naman mabilis kong binunot yung cellphone ko at nagmamadaling umupo sa gaming chair. Sinagot ko na din ang tawag pagkatapos ay pinindot ko ang speaker.

"Hello?" narinig ko ang hindi pamilyar na boses sa kabilang linya.

Napangisi ako ng konti dahil naisip ko na baka pinagtitripan naman ako nito ni Alex. Kunyari pang galit nung isang araw ang hayop, mangtitrip naman pala pagkatapos.

"Hoy, Alex! Taena mo, wala kang maloloko dito tandaan mo yan hahaha! Mag open ka na ng pc mo at magdota tayo nila Dan." sabi ko habang nasa kalagitnaan kami ng clash.

"Kayo ba si... Jet?" narinig kong tanong sa kabilang linya. Parang may tunog pag aalinlangan ito kaya nagtaka ako ng bahagya. Pero umiling iling din naman pagkatapos.

"Di porket broken ka tol pwede mo na kame pagtripan ng ganyan. Mag open ka na ng pc mo! Patapos na tong game namin." biro ko.

"Ahh..... ako pala si Lava, yung may ari kasi ng phone na to, naaksidente. Pumunta na lang kayo sa hospital na ito sa Pampanga." sabi sa kabilang linya sabay naputol ang tawag.

Natulala ako. Namatay ang character ko at namura pa ako ng mga gunggong dahil natalo kami.

Wala ng shutdown shutdown, hinugot ko sa saksakan ang computer ko. Nagbihis ng mabilis at kinuha ang cellphone at pitaka. Kailangan naming puntahan si Alex.

<Dan POV>

"Puta naman tong si Jet, ang ayos ayos ng set namin nag patalo ang putang ina. Nag left pa sa party. Sapak talaga sakin to sa pasukan." naiinis na sambit ko habang kumukuha ng tubig sa ref.

Biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa computer table. Sa sobrang inis ko ay binalewala ko ito at nag diretso sa cr para umihi.

Sino naman kayang tarantado ang tatawag ng ganitong oras? Mag aalas tres palang ng madaling araw.

Pagkalabas ko ng cr ay tumutunog pa rin yung cellphone ko kaya sinagot ko na ito.

"Oh ikaw pala hayop ka." salubong kong mura sa kabilang linya.

Pero hindi ito tumawa o nagmura pabalik sa kanya. Bagkus ay binalita niya ang nangyari kay Alex. Di ko na naibalik yung pitsel sa ref at naiwan ko itong nakatiwangwang sa lamesa sa sobrang pagmamadali.

"Tangina naman, ano ba namang kamalasan ang meron dito kay Alex?"

<Trex POV>

"So anong plano? Diba dapat puntahan na natin siya ngayon sa Pampanga? Bat nagtipon tipon pa tayo dito kila Kupal?" tanong ko na inip na inip na kakahintay.

"Ano?! Sinong kupal?! Umayos ka, baka di kita matancha!!" mayabang na sabi ni Ken sakin habang masamang nakatingin sakin.

"Pakyu! Ikaw ang dahilan ng kamalasan namin eh. Simula ng dumating ka sa tropa namen." rebat ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit mainit ang ulo ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. O baka dahil nalaman ko lang naman ang tinatago niyang sikreto kaya ako ganito.

Forbidden (Ongoing)Where stories live. Discover now