NINETEEN

8 0 0
                                    

NINETEEN

MASAKIT ang ulo ni Rose nang magising siya. Daig pa niya ang horror story sa lugar na pinaglagyan ngayon. Pasulpot-sulpot ang ilaw. Pumapasok din sa ilong niya alikabok sa hangin.

Hindi ito ang lugar na pinagdalhan sa kanya noon.

Are you certain? Everything looks the same sa mga abandonadong mga warehouse. Maalikabok. Nagkalat ang mga sirang gamit. Patay-sindi ang ilaw. Hindi masyadong maliwanag.

"Gising ka na pala." Isang kalbong lalaki ang pumunta sa harapan niya.

She checked for any tattoo. She wanted to be sure. Na ito na nga ang grupong nagpadukot sa kanya noon.

There!

She saw the snake. They were the same gang na nag-kidnap sa kanya dalawang taon na ang nakalipas.

Subalit…Ibang lalaki na naman ito. She could still remember their faces. Their ugly faces.

Where is their leader? Gusto niyang malaman kung sino ang pakana ng lahat ng ito. She will crush that person. She will destroy him just like how she was destroyed by that incident.

"Sino ka? Where is your leader?"

"Wala si madam dito. May inasikaso. Tayo na muna ang mag-uusap, Rose."

Sino naman kaya ang babaeng tinutukoy nito?
"Wala akong atraso sa ibang tao. Yes. Marami ang lalaking nahumaling sa akin pero maayos ko silang tinanggihan."

"Dahil sa iyo, namatay ang lalaking mahal niya."

Sinong lalaki? She tried to recall but couldn’t remember sa dami ng lalaking nakarelasyon niya. But as far as she knew, mga walang sabit ang mga iyon. Or that was some of them trying to show. "Sure akong hindi ko sinadya iyon. Papuntahin mo rito ang boss mo nang mag-usap kami. Kailangan naming magtuos. It’s been two years already."

Binasag ng tunog ng isang sampal ang katahimikan ng paligid.

Biglang sumabog ang sakit sa kanyang pisngi. Nalasahan niya ang metal sa kanyang bibig.

Kulang na lang ay patayin niya ang lalaki sa tingin. How dare him! “You will regret slapping me. Wala pang nakakawala sa mga sumampal sa akin.”

Humalakhak lang ito. "Oops. Kusa na lang gumalaw ang kamay ko. Pagpasensyahan mo na. Kapag talaga nakarinig ako ng hindi magandang salita para sa boss ko, sinasapian ako ng demonyo."

She spat. "Hindi ka sinapian ng demonyo. Ikaw na mismo ang demonyo. Sinira ninyo ang buhay ko."

For two years, paghihigante lang ang nasa isip niya. She waited for the right opportunity. She honed herself.

Pilit niyang pinapakawalan ang pagkakatali ng dalawang kamay at paa niya subalit masyadong masikip ang pagkakatali.

I’m screwed.

Ngayon lang nag-sink in sa utak niya kung gaano kadelikado ang ginawa niya. Why did not she think all over again? Dapat nagplano muna siya.

The man in front of her may kill her in an instant.
How could you be so careless?

“Demonyita ka rin. Sinira mo ang buhay ng amo ko.”

Loyal dog.

“The hell with that woman! Dalhin mo siya rito nang matapos na ang lahat ng ito. I will kill her.”

Ngumisi ang lalaki. “Wala kang karapatang mag-demand sa amin. Hawak naming ang buhay mo.”

ROSE cannot differentiate night and day from her location. She fell asleep every now and then. Maybe she was drugged. Just like the last time.

Unti-unti na naman siyang dinadalaw ng antok nang may marinig siyang sigaw ng isang matanda.

Nagmamakaawa.

She tried to stay awake.
The voice was familiar.

“Rose!” boses ng isang matandang babae.

Nagpupumiglas ito at gustong makawala sa dalawang lalaking kumuyog dito.
“Umayos ka, tanda baka malintikan ka sa amin.”

“Rose! Ginoo ko nimong bataa ka! Anong ginawa nila sa iyo?”

She smiled.

Manang Corazon.

Of all the places, ito pa ang naginh reunion nila after two years.

Napalitan ng takot ang puso niya. Anong ginagawa ni Manang dito?

No, no, no!

She tried to break free. The ropes wouldn't budge. “Tumakas ka na, Manang!” It was supposed to be a shout ngunit tila walang boses na lumalabas sa bibig niya. All she could do was shed tears for her. Bakit dinamay si Manang Cora? Wala itong kasalanan.

“Huwag ka ngang magpupumiglas diyan. Isa!”

Napakurap siya nang marinig ang isang putok ng baril.

Natumba si Manang Cora.

“Bakit mo binaril?”

“Aksidente, eh. Nataranta ako. Baka makawala pa. Malalagot tayo kay boss.”

“Malalagot talaga tayo sa ginawa mo. Humihinga pa ba iyan?”

Hindi na niya narinig ang iba pang sinasabi ng dalawa. Tinawag siya ng kadiliman.

Only Rose Where stories live. Discover now