NINE

46 2 0
                                    

NAKAUWI sina Rose na maayos ngunit tadtad ng pag-aalala ni Dina at ang asawa nito. Kung ano-ano ang itinanong nito na si Drek ang sumagot para sa kanilang dalawa.

Nagsuhestiyon pa nga ito na huwag na raw silang mag-hunt ng mga orchids kung ganoon lang din daw ang mangyayari. Mapapaanak daw ito nang maaga.
Nag-sorry si Drek at sinabing hindi na mauulit dahil hindi na siya isasama na ikinalaki ng mga mata niya. No freaking way. She also came here for some adventures. Hindi upang magmukmok o mainggit sa mga adventures na susuungin ni Drek. Mag-isa.

“Sasama pa rin ako. Kahit ano pang sabihin mo,” aniya.

Nasa bayan na sila. Sa mismong palengke upang bumili ng mga damit niya. Bagong underwares at mga damit.

“Huwag matigas ang ulo, Rose,” anito.
Kung makapagsabi, parang isang bata ang pinagsasabihan.

“Bata na ba ako ngayon?”

“Oo. Sa pinagagagawa mo.”

“At anong pinagagagawa ko? I am just simply buying my own clothes in the market.”

Walang masyadong tao sa paligid. Kaunti lamang ang mamimili sa araw na ito o ito ba talaga ang karaniwang bilang ng mga taong pumupunta sa palengke?
Sinasama siya noon ni Manang Cora sa palengke kapag bumibili ito ng mga gulay pero sobrang dami naman ng mga tao.

Nahagip ng mga mata niya ang isang grupo ng mga taong nagbubuhat ng tabla. Binubuo ang mga ito ng apat na kalalakihan, isang babaeng buntis, at dalawang bata.

Inilagay ng mga ito ang mabigat na pasan sa lupa, ipinaiwan ang dalawang bata at buntis na babae saka umalis ang mga kalalakihan.

Pinigilan niya ang braso ni Drek. "Anong ginagawa nila?"

Hindi lang niya maintindihan kung bakit kailangan pang isama ang dalawang bata at buntis.

"Ititinda nila ang mga iyan sa mga taga-rito para may pambili ng bigas."

"Saan sila nanggaling?"

Base sa pagod na makikita sa mga mata ng mga ito, mukhang nanggaling ang mga ito sa malayong lugar. Sa itaas marahil ng bundok at dumaan sa mahigit dalawang ilog para lang makababa.

"Sa itaas." Sinasabi na nga ba niya.

"Nagka-interes ka yata sa kanila. Anong plano mo, Rose?"

"Wala naman, ah. At bakit ganyan ka makatingin? Parang sinasabi mong may gagawin akong kabalbalan."

"Mayroon nga. Kilala na kita. At pakibitiwan na nga rin ang braso ko. Ayokong may sabihin ang mga tao."

Napatingin siya sa mga kamay niya. Agad niya iyong binitiwan. "Ikaw pa ang ganang mahiya. Ako ang babae rito."

"Tama ka. Ikaw ang babae pero hindi ka naman tinatablan ng hiya. Ako na lang ang mahihiya para sa iyo."

Inalis niya ang mga kamay rito. "Paano kung wala silang maibenta?"

"Nakakabahala ang curiosity mo sa kanila." Sinamaan niya lang ito ng tingin.

"Ipapaanod nila ang mga iyan sa ilog."

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano? Bakit? Nakakapagod kaya ang pagbubuhat tapos ganyan-ganyan na lang?"

"Hindi nila iyan ibibigay sa mga taga-rito. May bad experiences na ang mga katutubo sa mga taga-rito."

Aalis ang mga ito na wala man lang dalang pera pambili ng bigas? Why did they take the risk of bringing those pieces of wood if they were not so sure that someone will buy?

Mayamaya'y nasa kamay na niya ang isang cellphone. Mumurahin lamang iyon hindi katulad sa mga mamahaling cell phone may brand na binibili niya. Sa sobrang old model nito, pwede na itong ilagay sa museum at papasa bilang isang antique items.

Only Rose Where stories live. Discover now