SEVENTEEN

42 1 0
                                    

SUNOD-SUNOD na napalunok si Drek. "H-hindi magandang biro ito, Rose. Ibaba mo ang kutsilyo bago pa tayo magkasakitan. Huwag kang gumawa ng pagsisisihan mo lang."

Mas idiniin pa ni Rose ang pagtutok ng kutsilyo at lumabas ang maliit na dugo.

"Believe me. This is one of the  things that I will never regret. Facing a traitor."

"I am not a traitor!"

"Liar! Noong pumasok ka rito, may mga estranghero na na nakipag-usap kay Bato. At baka magkakampi pa kayo ng lalaking iyon. Hindi niyo lang ipinaalam. Ngayon, sabihin mo sa akin kung sino ang nagpa-kidnap sa akin dalawang taon ang nakakaraan. You better tell me the truth, Aldrek or I will slate your neck. This is not a bluff."

"Rose! Come on! Totoong wala akong kinalaman sa pagkidnap sa iyo. Hindi ko nga alam na may nangyari sa iyo kung hindi mo sinabi sa akin. Believe me. I am telling the truth."

"Mahirap paniwalaan iyan. I always trust the wrong person."

"Think about this, Rose. Paano naman ako makikipagsabwatan sa mga lalaking iyon kung ako na mismo ang hindi umaalis sa tabi mo? I am your ally. You should believe me."

Think, Rose. May ginawa bang kwestionable ang lalaking ito para pagdudahan mo?

Wala. So far... Ang ginawa lang naman nito ay mambwesit sa kanya at ipauwi siya.

"Paano kita mapapaniwalaan, Drek?"

"You can have my life kung hindi ka naniniwala sa akin."

Betting his own life.

She pushed him and went back to his place.

Kinapa ni Drek ang leeg at napamura nang makapa ang dugo.

"Hindi ka pa mamamatay sa sugat na iyan."

"You're ruthless, Rose. This is not the usual you."

"Right. At may mas malala pa akong kayang gawin. Kung ayaw mong makita ang side na iyon, umalis ka na at bumalik sa pinanggalingan mo."

Umupo ito sa tabi niya. Hindi man lang niya maramdaman ang galit sa ginawa niya rito.

"You have me. I will not forsake you."

"May lead na ako. Kaunti na lang at malalaman ko na ang puno't dulo ng lahat. Oras na malaman ko kung sino ang nagpa-kidnap sa akin noon..."

"You can tell me, Rose."

"Hindi. Nakapagsaing na rin ako. Kumain ka na. Matutulog na ako."

MALALIM NA ang gabi subalit hindi pa rin tinatablan ng antok si Drek.

Nararamdaman pa rin niya ang hapdi sa kanyang leeg.

He nearly embarrased himself. Hindi ang dating Rose ang tumutok ng kutsilyo sa leeg niya. Ibang babae. Kanina, parang ibang katauhan ang nagbabaga ang mga matang nakatingin sa kanya. Kulang na lang ay ituloy nito ang pagtapos sa buhay niya.

Right now, the woman was fast asleep. Sa tabi nito ay ang kutsilyong ginamit nito kanina. Paalala sa sarili. Huwag itong galitin.

Hanggang saan ba ang pagbabago nito? Hindi niya sukat akalain na kaya nitong makapatay ng isang tao.

May pinong kurot sa kanyang puso.
Marahan niyang hinaplos ang makinis nitong pisngi.

"Patawad at wala ako sa tabi mo noong panahong iyon. You suffered a lot. Hinding-hindi na kita iiwan simula ngayon. Kahit na magalit ka pa. Hindi ka na makakatakas sa akin, Rosalinda."

"HANDA na ang agahan. Mag-almusal ka na," aya ni Drek.

Tumaas ang kilay niya nang nakaayos na ang mga pagkain at siya na lang ang kulang.

"Anong ginagawa mo?"

"Hindi ba obvious? Pinagsisilbihan ka. Ikaw ang aking mahal na reyna."

"Dapat ba akong matuwa sa sinabi mo?"

"Hindi naman ako nagbibiro so ayos lang na hindi. Nasaan pala ang bata?"

"Bakit? Gusto mo siyang kunin?"

"Hindi mo kailangang lagyan ng kahulugan ang tanong ko. Hindi ko lang siya nakita simula pa kagabi. Nag-aalala lang ako."

Nilantakan niya ang piniritong itlog at tuyo. "Inihabilin ko muna siya sa isang mapagkakatiwalaang tao. Patawad sa ginawa ko kagabi. Napag-isip-isip ko rin na kailangan mo na talagang umalis, Drek. Ayaw kong madamay ka sa gulong ito. Ano na lang ang sasabihin ni Papa? May naghihintay rin sa iyo. Ang pamilya mo."

"Gusto mo akong bumalik na? Okay. Kung iyan ang gusto mo."

"Seryoso ako rito, Drek."

"Oo nga, hindi ba? Besides, isang linggo lang ang leave ko. Kailangan ko na ring bumalik. Baka wala na akong balikan. Sasabihin ko na lang sa papa mo na maayos ang kalagayan mo. Hindi ko sasabihin ang nangyari two years ago."

Imbes na ma-satisfied sa sinabi nito, bakit tila may iba siyang nararamdaman?

Only Rose Where stories live. Discover now