FIFTEEN

44 1 0
                                    

FOR THE PAST few days, hindi nilubayan si Rose ni Drek. Hindi niya alam kung maganda iyon o hindi pero kung siya ang tatanungin, mas mabuti ng umuwi na ito. Wala itong mapapala sa kanya. Mas masaya na siya sa lugar na ito, ang lugar na nagparamdam sa kanyang buhay pa pala siya. Na may magagawa pa pala siya para sa kanyang mga kababayan.
Kung aalis siya sa bundok na ito, para na rin niyang pinutulan ang isa niyang pakpak.

Masakit ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang balat subalit hindi na niya alintana iyon. Nasanay na siya sa init ng araw. Naging kayumanggi na nga ang kulay ng balat niya, napakalayo sa maputi niyang kutis noon. Subalit wala siyang pakialam. She embraced the new color of her skin.

“Maari ka namang bumalik, Drek. Huwag mong pagurin ang sarili mo,” saad niya habang patuloy ang paglalakad.

May halamang ugat siyang hinahanap na kailangan para sa isang selebrasyon sa bagong silang na sanggol. Tradisyon na ng mga katutubong maghanda bilang pagpapasalamat sa bagong buhay.

“Nakalimutan mo yatang batak sa trabaho ang katawan ko,” sagot nito na animo nainsulto sa sinabi niya.

“Mahirap nang hanapin ang retu ngayon. Hindi katulad noon.”

Sa tuwing may handaan, nakagawian na niyang sumama sa mga katutubo upang manguha ng mga iyon.

Hanggang sa tumigil sila sa isang kweba. Ang kwebang ito ang naging tahanan ng mga katutubo noong unang panahon. Noong nakabahag pa lamang ang mga lalaki at ang pang-ibabang parte ng katawan ng mga babae ang tanging tinatakpan. Hanggang sa dumating ang taga-labas at ipinakilala sa kanila ang mga damit ng mga ito. Noong una, naging mailap man ang mga ito sa mga bisita, dahan-dahan naman nilang tinanggap ang pagbabagong pumasok.

Nakakalungkot dahil unti-unti ng namamatay ang mga tradisyon ng mga katutubo at maski ang sinaunang lenggwahe ng mga ito, kaunti na lamang ang nakakaalam. Masakit isiping darating ang panahong mamamatay na ilan sa pagkakakilanlan ng mga ito.

Lumapit si Rose sa malaking puno kung saan makikita sa ibaba ang hinahanap nila. Sinimulan niyang binungkal ang lupa. Si Drek naman, hindi na naghintay na utusan pa niya. Na hindi naman niya gagawin. Wala siyang pakialam sa lalaki.
Ipagpapatuloy niya ang planong huwag itong imikin hanggang sa ito na mismo ang magdesisyong bumalik sa Maynila. Kung saan ito nararapat.

Kaunti pa man ang nakukuha nila nang isang boses ang nagsalita.

“Anong ginagawa mo sa teritoryo ko, babae?”

Lumingon siya sa pinanggagalingan ng boses. Si Bato. Ang lalaking hindi pa tanggap ang pananatili niya sa lugar. Tinuturing siya nitong kalaban ng mga katutubo gayong wala naman siyang ginawa sa lalaki.

Sunog ang balat nito sa init ng sikat ng araw, malaki ang mga muscles sa katawan kahit walang gym sa lugar. Subalit hindi rin kayang itago ng suot nitong lumang t-shirt at short ang angkin nitong kagwapuhan.

Maraming mga babae ang nagkakagusto rito at mabuti na lamang hindi siya kasali roon.

“Sino siya?” tanong ni Drek.

Nagkibit-balikat siya at ipinagpatuloy ang pangunguha ng retu. So far, hindi pa naman siya sinaktan ng lalaki. Subukan lang nito.

“Bato ang tawag ng mga tao sa kanya. Itinuturing niyang pag-aari ang kwebang iyan. Off-limits tayo rito.”

Kumunot ang noo niya nang bigla siyang hawakan ni Drek sa braso at pinatayo. Nahulog tuloy ang sisidlan ng retu sa lupa.

“What’s your problem?” aniya, naiinis. Kinuha niya ang mga nahulog sa lupa. Sa tantiya niya, sakto na ang mga nakuha nila.

“Hindi mo ba nakikita ang mga titig niya sa iyo?”

Tinapunan niya ng tingin ang lalaki sa unahan. Drek was right. He was throwing murderous glares at her. “I know. He found me gorgeous."

Only Rose Where stories live. Discover now