FOURTEEN

59 2 0
                                    

HINDI alintana ng mga kapatid ni Drek ang gumugulo sa kanyang isipan. Naglalaro ng taguan ang kanyang mga kapatid sa bagong patayo nilang bahay. Kung noon ay para silang mga sardinas na siksikan, dahil sa bagong trabaho niya, dahan-dahang nagbago ang buhay nila.
Nakakatawa lang dahil ilang linggo matapos magsimula ang laro nila ni Rose, nakatanggap siya ng tawag sa isang kilalang kompanya at kinuha siyang empleyado nito.

At dahil sa pagpasok ng bago niyang trabaho, halos wala na siyang pahinga. Hindi na rin siya nagkaroon ng pagkakataon upang hanapin ang babae.
Ito pala ang plano mo.

It has been what? Two years and he failed. Pero ipagpapatuloy niya ang paghahanap sa babae. She left a trace in his heart that can never be erased.

He filed a leave. Tinanggap naman iyon ng boss niya. May sapat na panahon na siyang hanapin si Rose. Alam na rin niya ang lokasyon nito sa tulong ng isa sa taong kinamumuhian. He didn't approach him. One day, Kadriel approached him, telling him he hired someone to locate Rose location. Nasa bukid ang babae. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito. Ang alam lang niya, matagal na itong nagtatago sa mundo at kailangan na niyang hilahin pabalik sa realidad.

"Kuya! Aalis ka na ba? Totoo ba iyong hahanapin mo iyong malditang babae?" tanong ni Siyam.

Ginulo niya ang buhok nito. "May pangalan po ang babaeng iyon. Ate Rose."

Hindi na mawala sa isip ng mga ito ang pag-iinarte nito. "Kuya, totoo po ba iyong sinabi ni Mama na pakakasalan mo raw siya?"

"Paano ko naman pakakasalan iyon kung hindi ko man lang siya girlfriend?"

"Eh 'di, hahanapin mo siya para maging girlfriend mo?"

Biglang pumasok sa sala ang kanyang ina. Nagkumpulon naman sa kanya ang mga kapatid niya, hinihintay ang sagot niya.
"Kung gugustuhin ni Lord. Sige na. Ituloy na ninyo ang paglalaro at pagbalik ko, kailangan wala akong marinig na balitang naging pasaway kayo. Naiintindihan ninyo?"

Sabay-sabay na tumango ang mga ito.

DREK was able to find Rose in a faraway land. Hindi madali ang naging paglalakbay niya. Mabuti na lang at sanay siyang umakyat sa mga bundok kung hindi, mahihirapan siya. Palaisipan pa rin sa kanya kung anong pumasok sa utak ni Rose at pumunta sa ganitong klaseng lugar. Sa pagkakaalam niya, hindi ito ang tipo ng mga lugar na gusto nito.

Para ngang nandidiri ito sa lahat ng bagay but all of these vanished as he looked at her, ten feet below the ground. Kahit hindi ito tumingala, kilalang-kilala niya ang babae.

Ang dating maputing balat nito ay naging kayumanggi. Naniniwala siyang black is beauty. At kahit ano pa man ang kulay ng balat ng babaeng nasa bangin, maganda pa rin ito.

Malalim-lalim din ang hinukay ng mga ito. Nabalitaan niyang normal dito ang ganitong mga eksena dahil sa kakapusan sa tubig. Maghuhukay ang mga residente na siyang gagamitin sa paglalaba, pagluluto, inumin, at iba pa.

Paano naman kaya nito nasikmurang gawin ang mga bagay na ito? Ito ba talaga ang Rose na nakilala niya noon? Well, so much had changed for the past two years.
Parang hindi man lang ito nakaramdam ng pagod at init.

"Ayan. May tubig ng lumabas. Ayos na po ba ito, tatay?"

Tumingala ito at nagtama ang kanilang mga mata. Panandalian lang ang gulat na rumehistro sa mga mata nito at biglang nawala.

"Ayos na iyan. Naku, maraming salamat talaga, Rose. Kung wala ka, mas matatagalan pa kami."

Ngumiti ito. Hindi na tumingin sa kanyang direksyon. "Bukas na magagamit ang tubig na ito. Sa susunod ulit, tatay."

Only Rose Where stories live. Discover now