FOUR

61 3 0
                                    

"PASENSYAHAN mo na, Rose. Iyan lang ang mabibigay ko sa iyong higaan," puno ng guilt na sabi ni Diana. Kanina pa ito humihingi ng dispensa.

Lumalalim na ang gabi at inaantok na siya.

The bed that she was referring was made of bamboo good enough for two persons. Nasa ibaba sila samantalang sa itaas si Dina at ang asawa nito.

"Ayos lang. I can handle it," deklara niya. "Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko."

"Sige. Papanhik na rin ako. Inaantok na nga rin ako. Magandang gabi sa inyong dalawa."

"Kung ayos lang sa iyo ang kalagayan natin, pwes hindi sa akin," deklara ni Drek sa sulok. Akala niya agad na itong nakatulog nang hindi na niya marinig na magsalita.

"What are you trying to say?"

Matigas ang papag pero mukhang makakatulog pa rin naman siya. May mga kumot at unan naman na ibinigay si Dina sa kanila.

"Hindi tama itong gagawin natin."

Tumaas ang kilay niya. "Alin ang hindi tama? Matutulog lang naman tayo."

"Hindi tamang magtabi tayo matulog. Babae ka."

"Ano ngayon kung babae ako? Hindi ko makita ang problema na sinasabi mo. Wait. Natatakot ka bang hindi mo mapigilan ang sarili mo at gapangin mo ako? Try it, Drek ang you will regret it."

Nanlaki ang mga mata nito at itinaas ang kumot hanggang leeg. Kung may maaatrasan pa sana ito, matagal na itong ginawa ng lalaki. Kaso, pader na ang sumalubong sa likod nito. "Anong ako? Baka ikaw nga ang gumapang sa akin."

Mataman niya itong tiningnan saka humalakhak.

Nagtatanong ang mga mata nito sa ginawa niya.

"You're kidding right? Believe me. Kung may karapatang magreklamo, ako iyon. Ako ang mawawalan. No. Wala na pala. Naibigay ko na kay Kadriel. That's right. Naibigay ko na ang lahat sa kanya. Walang natira sa sarili ko. Don't worry, Drek. Hindi kita pagnanasaan."

Kumusta na kaya ang lalaking iyon? Masaya na ba siya sa piling ni Charinda? Dapat ba siyang matuwa? Na sa wakas, nakita na rin nito ang hinahanap nitong kasiyahan? Na nakita na nito ang missing puzzle sa buhay nito?

Pain enveloped her heart.

Why did it still hurts? Why couldn't she accept that he left her? That he's not her property anymore?

"Mahal na mahal mo talaga ang lalaking iyon. Siya palagi ang lumalabas sa bibig mo. Maliban sa pera."

She gave him a blank look. "Of course. No one can replace him in my heart."

"Ngunit may pumalit na sa posisyon mo sa puso niya. O wala naman talagang pinalitan dahil sa simula pa lang naman, ikaw lang ang nagmahal."

"Hindi iyan totoo. Minahal niya rin ako."

"Naaawa ako sa iyo."

"Don't. Ayoko ng awa ng kahit na kanino."

When her group of friends found out that Kadriel was marrying somebody else, everyone mocked her. They talked behind her back whispering words that broke her heart. But she's a fighter. She will look at them like she was not hurt and continue.

"Oras na upang tanggapin na wala na ang lalaking mahal mo."

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Bakit ako makikinig sa taong ni hindi man lang marunong humalik? Or worst, sa taong hindi man lang naranasan ang naranasan ko ngayon?"

Gumapang ito palapit sa kanya at inilagay ang unan saka humiga.

"Rosalinda, hindi ko kailangang danasin pa ang naranasan mo. Nakakaramdaman din ako. Just by looking at you made me understand your pain."

"Are you acting like a knight-in-shining-armor? Someone who is saving a damsel in distress? Pero iba ang sitwasyon ngayon. You are saving me from my misery and pain?"

Ipinikit nito ang mga mata. "Hindi. Sabi mo nga, hindi mo kailangan ng magliligtas sa iyo. At isa pa pala. Marunong akong humalik. Huwag kang magpapaniwala sa sinasabi ng iba."

ottom:0in;mar����K/

Only Rose Where stories live. Discover now