TWENTY-THREE

8 0 0
                                    

MATAMANG tiningnan ni Rose si Drek habang natutulog. Pagkatapos ng ilang araw, bumigay na rin ang katawan nito at nadala ng antok. She saw how he fought to stay awake but failed. Which she wanted to happen. Naaawa na siya rito. Wala man lang planong magpahinga. Para magbantay sa kanya. Not that she planned to sneak out. Babawiin na muna niya ang lakas.

Mahinang humilik si Drek.

Nakatulog ito sa gilid ng hospital bed niya. Bumalik lang siya ulit sa banyo, nakatulog na ito.

Marahan niyang hinawi ang buhok na tumabon sa mga mata nito. "Hindi mo ako kailangang bantayan," bulong niya. "Dito na muna ako."

Hindi niya alam kung magkano ang binigay ng daddy niya sa lalaki para kulang na lang ay maging bodyguard niya ito. Monitored nito ang oras ng pagkain niya. Binili rin ang lahat ng gusto niya. Tinutulungan siya kapag nahihirapan siyang bumangon. Araw-araw rin ay may fresh na rosas sa mesa niya. Hindi niya alam kung saan ito kumuha. Hindi naman ito lumalabas para bumili sa takot na tumakas siya.

Baka nagpa-order. 

Maybe.

Close na nito ang taga-linis ng ospital maging ang tagahatid sa kanya ng pagkain. Marahil nagpapabili ito.

Kung umakto ito, iisipin na niyang nanliligaw ito only to be reminded that he was doing all of these because of her father. 

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya masukat kung gaano kalalim ang loyalty nito sa daddy niya.

"If only all of these are true, Drek."

What about it? Ano naman ngayon kung totoo sana ang serbisyo na ibinibigay niya? May mababago ba, Rose?

Nothing will change. She was set to have her revenge.

Napabuga si Drek habang natutulog. He was mumbling something but it was coherent.

Sumandal siya sa headboard.  She needed a rest. Umatake ang headaches niya.

MATAPOS ang ilang araw na pamamalagi sa ospital, binigyan na rin ng go signal si Rose na pwede na siyang makalabas. Bumalik na rin sa wakas ang lakas niya. As usual, wala ang daddy niya sa paglabas niya. Si Drek lang.

"What are you doing, Drek?" tanong niya sa lalaki nang makitang nakabuntot pa rin ito sa kanya. 

Papunta siya sa parking area ng ospital. Naghihintay sa kanya ang sasakyan niya. Pinakuha niya sa driver nila. 

"Rose, kung anuman ang nasa isip mo, huwag mo ng gawin. Hayaan mong gawin ng mga pulis ang trabaho nila. They will capture the man behind this."

Except that it was a woman. And nobody knew except her. 

"Who says I'm out for revenge? I have my own money para ito na mismo ang magtrabaho."

"Do you think I would fall for that? Gagawin mo kung ano ang gusto mo. I'm telling you. Walang magandang maidudulot ang paghihigante mo. Huwag mong bahiran ng dugo ang mga kamay mo. Huwag kang maging kriminal."

Naikuyom niya ang kamao. "Ang dali lang sabihin iyan. Palibhasa hindi ikaw ang  asa ang nasa kalagayan ko. Hindi ikaw ang sinakatan. Hindi iikawang muntik nang mawalan. Save your principles. Sa'yo na iyan."

Iyon lang at tinalikuran na niya ang nakangangang lalaki.

ROSE wrote every man na nakarelasyon niya. Simula noong unang pagpasok niya sa pakikipag-date (which was when she was ninteen years old). So far, may thirty-two na pangalan siyang nasulat and crossed out some of them. They were happily married. She were able to know since they still keep in touch. Isang simple hi lang naman sa mga ito. Nothing harmless. When they will start to flirt again...agad niyang pinuputol ang koneksyon ng mga ito. Hindi pang-kabet ang kagandahan niya.

She needed dead men.

Nagkaroon siya ng limang pangalan. Si Joey. Enrique. Daniel. Kent. At Harold.

Napangiti siya. She was good to go. Though alam niyang hindi madali ang susunod na mga hakbang. Good to know, alam pa niya ang address ng isa't isa.

But first...she will start with Harold.

Only Rose Where stories live. Discover now