TEN

53 1 0
                                    

“ILANG buwan na ang tiyan mo, Ate Dina?” tanong ni Rose. Dinidiligan nito ang mga orchids. Umalis ang asawa nito at si Drek.

Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob niya nang iwan siya nito. Na-late lang siya ng gising, wala na ito sa tabi niya.
Hinimas-himas nito ang tiyan at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Ngayon mo lang ako tinawag na ate, Rose.”

She was aware of that. Hindi lang siya sanay na tumawag ng ate at kuya sa mga hindi niya kilala. Because in the first place, she she didn’t have any siblings. Wala siyang mapagsabihan ng mga problema niya. Ng unang pagkawasak ng puso niya. Her father was too busy to hear her.
Subalit nang lumaki na siya, nasanay na siya. Napagtanto niyang hindi lahat ng tao ay kapiling niya kahit na kailangang-kailangan niya ng mga presensya ng mga ito. She didn't held a grudge. Natutunan niyang huwag umasa sa mga tao.

"Kabuwanan ko ngayon. Atin-atin lang ito, Rose. Kinakabahan ako. Marami na rin akong mga kwentong narinig tungkol sa panganganak. Mas lalo nitong dinagdagan ang takot ko."

"Magiging ayos ka lang. Nandito lang naman kami para sa iyo."

"Ipapangako mo bang hindi ka na muna uuwi hangga't hindi mo makikita ang anak ko?"

"Oo naman. Ako ang magiging ninang niya. Kapag lumuwas siya ng Maynila, ipapasyal ko siya sa mga botique ko. Ibibigay ko sa kanya ang mga damit na gusto niya."

Ngumiti ito nang matamis.

This woman was very kind. Minsan, nagi-guilty na nga siya sa sobrang kabaitan nito. Parang ayaw na niyang tumabi rito.

"Do you know Lita? Kaano-ano ba siya ni Drek?" pag-iiba niya sa usapan.
Ipinagpasalamat niya at mukhang nakalimutan ng babaeng iyon ang pangako nito.

"Ah. Si Lita ba kamo? Siya ang anak ni Don Eman na nagmamay-ari ng hacienda rito. Dati siyang nobya ni Drek."

"Bakit daw sila naghiwalay?"

"Iyan kasi si Drek, masyadong ginoo. Nirerespeto niya ang mga babae. Iyang si Lita naman, nakapunta lang ng Maynila, nag-iba na ang ugali. Naging agresibo na raw ito. Palaging gustong magpahalik kay Drek pero ayaw ng lalaki. Ang gusto nito, saka na kapag ikinasal sila. Sigurado naman itong ang babae ang pakakasalan. Eh, hindi nagustuhan ng babae ang sagot. Nagalit. Hayun, sinuyo na naman ni Drek. Pinuntahan sa bahay nito. At alam mo ba? Inakit ba naman ng babae? Subalit ganoon pa rin ang paninindigan ni Drek. Ang sabi, rerespetuhin niya ang pagkababae nito. Nagalit ulit ang babae at pinagsabihan ng kung ano-ano ang lalaki. At ang pinakamasakit na ginawa nito kay Drek ay ang makipagkalas ito."

"Mabuti naman," bulong niya.
Hindi bagay ang dalawang iyon.

"Kanino ba bagay si Drek? Sa iyo?" ani ng isang parte ng utak niya.
She was not referring to herself. Sinabi naman niya sa sariling hindi na muna siya makikipag-relasyon sa kahit na kanino. She will stick to that.

"Siya ba iyong tinutukoy mo na nagsabing hindi marunong humalik si Drek?"

"Siya nga. Ayoko lang sa babaeng iyon."

“Bakit naman?”

“Ibang babae ang gusto ko para kay Drek. Iyon bang magbibigay sa kanya ng liwanag at saya sa kanyang mundo. Iyong maiintidihan na kailangan din niyang unahin ang pamilya niya.”

“Darating ang babaeng iyon.”

“Ikaw, Rose. Wala ka bang gusto sa kanya?”

Nag-init bigla ang mukha ni Rose. She must admit she caught her off guard. Of all the questions that she can throw, she asked her that. And it’s not normal for her to have this reaction.

Only Rose Where stories live. Discover now