THIRTEEN

48 1 0
                                    

“HANDA na akong makinig sa explanations mo, Drek,” untag niya sa katahimikang namayani sa kanila. Dinala siya nito sa isang beach. Ilang oras din ang biyahe nila.

Kapwa nila pinapanood ang paglubog ng araw.

It turned out na naging driver din pala ang lalaki sa isang kompanya.

"Kalimutan mo na lang ang nangyari, Rose."

"Hindi madaling kalimutan ang ginawa mo. Sinuntok mo ang groom sa mismong kasal nito. Kaya mo ba ako dinala sa lugar na ito para agad iyong makalimutan? Well, news flash. Naaalala ko pa rin ang pagsuntok mo sa kanya. He did not deserve that punch."

"Pagdating talaga sa lalaking iyon, sobrang bulag mo. Hindi ka ba masayang ipinaghigante lang kita sa lahat ng katarantadohang ginawa niya sa iyo?"

Ikinuyom ni Drek ang mga kamao na para bang gusto ulit manuntok.

Kinuha niya iyon at dahan-dahang ibinuka ang mga daliri nito. His hands were so big and calloused. The hands of a hardworking man. She loved it.

"You don't have to avenge me. It was my fault for loving him. For giving myself to him. Hindi ko hinintay ang lalaking para talaga sa akin. Salamat pala. Hindi sa pagsuntok mo sa kanya kundi sa pagdala sa akin sa lugar na ito. It means a lot."

"Please be patient, Drek. I am too broken to be fixed. Too hurt to heal. I need a lot of time. Kung masasaktan na naman ako nang dahil sa kanya, pwede bang pakibatukan mo ako? Kailangan ko lang ng magpapaalala sa akin na kailangan ko nang magising sa katotohanan."

"Huwag kang mag-alala. Hindi lang batok ang aabutin mo."

"Bagay sa iyong tumawa na lang palagi, Rose."

"Ano na pala ang nangyari sa inyo ng Lita na iyon? Getting stronger?"

"Curious much?"She laughed and released his hand.

"Hindi mo naman kailangang sagutin kung ayaw mo. That is your right."

Malalim itong napabuntong-hininga, kumuha ng bato saka ibinato sa dagat.

"Wala. Parte na siya ng nakaraan ko."

"Hindi ka ba nasasayangan?"

"Double meaning na iyan?"

"Let's be realistic here. Mayaman ang babaeng iyon. Mahirap ka."

"Hindi lahat ng bagay, pera ang katumbas. Huwag mo na rin akong insultuhin. Pagtatrabahuan ko ang isang bagay. Hindi ako aasa sa isang tao."

Which reminded her. Hindi pa niya naibigay rito ang sweldo nito nang maging tubero ito aa bahay niya. Tiyak naman na hindi pa rin iyon tatanggapin ng lalaki.

"Hindi lahat ng hardworking, yumayaman."

"Hindi ko pangarap na yumaman. Sapat na sa aking mapakain ko ang pamilya ko at mapag-aral ko ang mga kapatid ko. Masaya na ako roon."

"Magiging masaya rin kaya ang magiging asawa mo?"

"Napaghahalataan na kita, Rosalinda."

Itinaas niya ang kanyang kamay. "Wala akong ibig sabihin, ah. Practical lang ako. Drek, why don't we play a game?"

"Malaki na tayo. Hindi na tayo dapat naglalaro."

"Silly. Hindi lang mga bata ang dapat naglalaro. This game will not be different from the games that the children played."

"Ano ba iyan?"

"Hide-and-seek. But not this moment. Kapag bumalik na tayo sa mga bahay natin, doon na maglalaro."

Only Rose Where stories live. Discover now