EIGHTEEN

182 4 3
                                    

"USAPANG lalaki at babae ba iyan, Drek? I will count on what you said. Don't do something stupid or else...alam mo na kung ano ang kaya kong gawin," saad ni Rose.

"Oo na. Alam ko na ang kaya mong gawin. Mag-ingat ka lang dito. Babalik ako kapag maayos na ang schedule ko."

"Huwag na, Drek. Aalis na rin ako sa lugar na ito. Hindi mo na ako makikita pa ulit. Baka matagal pa akong magpakita kay daddy. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya."

Napahinto ang lalaki sa pagkain saka ngumiti. "Walang problema."

"Aasahan ko talaga iyang sinabi mo, Aldrek."

"Mag-ingat ka lang, Rosalinda. Ayaw kong may mangyaring masama sa iyo."

"Huwag mo ng sabihin ang mga katagang iyan kung hindi bukal sa kalooban mo. Kung utos lang iyan ni Daddy."

Ibinaba nito ang kanang kamay sa mesa at huminto sa pagkain. "Wala na talaga akong magawang tama sa mga mata mo, ano? Dahil ba iyon sa hindi kita nakita sa loob ng tatlong buwang usapan natin? I tried searching for you. Kung pwede lang puntahan ang langit at impyerno ginawa ko na mahanap ka lang."

Iyon nga ba ang dahilan kung bakit hindi na niya magawang magtiwala sa lalaking ito? Ayos na ayos naman sila dalawang taon ang nakaraan. They separated peacefully. Wala silang issue. Or was she frustrated and disappointed when she kept on calling for his name, for his help to come but he didn't come? Iyong panahong takot na takot siya na baka mamatay siya, tinawag niya ang pangalan nito pero hindi ito dumating? Iyong nagtiwala siya muli sa isang lalaki subalit binigo lamang siya?

She called him countless of times. Did even dreamed of him just for the fears to fade away. She had dreamed he swept her away from her abductors and went to an island where to won't be discovered. Only to be awakened where she was hung upside down. Blood flowing from her wounds.

Her vision blurred. Her heart was racing that it became difficult to breathe.

"I-I have to go. I am finished." She attempted to stand and nearly swayed.

Nag-aalala ang mga mata ni Drek but she shook it.

"Magaling ka talagang tumakbo sa mga problema mo. Diyan ka nag-excel."

"Wala ako sa mood. Pakiusap. Kung wala ka nang magandang sasabihin, umalis ka na. Bigyan mo ako ng katahimikan."

"Pwede mo namang sabihin sa akin ang lahat, Rose. You don't need to face your demons alone."

Mapait siyang ngumiti. "For what price? At ano? Lahat ng sasabihin ko sa iyo, sasabihin mo rin kay Daddy? Saan ba ang loyalty mo? Sa akin or kay daddy?"

Katahimikan.

Ano bang aasahan niya sa lalaking mas importante pa ang pera? Naiintindihan naman niya. Kailangan nito ng pera. May pamilya itong binubuhay.

"Isara mo ang pinto sa pag-alis mo."

MAINGAT ang galaw ni Rose habang pinasok ang kweba kung saan palaging nandoon si Bato. Oras ng harapin niya ang lalaki. Marami itong dapat sabihin sa kanya.

Napangiti siya nang agad itong makita. Nakatalikod ito sa kanya habang kinukuha ang balat ng isang sanga.

Kasing-gaan ng balahibong nilapitan niya ito, nakahanda ang kutsilyo sa kanang kamay.

"Isang maling galaw mo lang, malilintikan ka sa akin."

"R-Rose?" Takot ang nangibabaw sa boses nito.

"Magaling. Alam mo pala ang pangalan ko. Bakit hindi tayo pumasok sa loob nang makapag-usap tayo nang maayos."

Agad naman itong tumalima.

Hindi gaanong madilim ang kwebang pinasok nila.  May bonefire sa gitna.

"Ngayon, bakit hindi natin simulan sa kung bakit kilala mo ang mga armadong lalaki kanina? Ikaw ba ang nagbigay ng impormasyon kung bakit nila ako natunton?"

"Sa ginawa mong ito, mas lalo akong nagsisi na tinulungan pa kita noong nakita kitang naghihingalo sa loob ng isang sako."

"Ikaw ang nakakita sa akin? B-bakit hindi ko alam?"

"Sinabi ko sa kanilang huwag ipaalam sa iyo. Ayokong magkaroon ng koneksyon sa iyo."

"Teka. Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Wala naman akong ginawa sa iyo."

"Hindi na mahalaga ang rason. Ang gusto ko lang ay umalis ka na sa lugar na ito."

"Kaya ba ibinigay mo sa kanila ang lokasyon ko?"

"Binantaan nila akong sasaktan ang aking mga katribo kung hindi ko sasabihin sa kanila ang lokasyon mo. Natural na mas ililigtas ko ang mga kasamahan ko kaysa sa isang tagalabas."

It makes sense. Hindi niya masisisi ang lalaki.

Inalis niya ang kutsilyo sa leeg nito. "Kailan ang huling balik nila?"

"Hindi mo na ba ako kakatayin?"

"Ayokong mabahiran ng dugo ang mga kamay ko. Mas may importante pa akong gagawin."

"Hindi ko alam. Hindi sila nagsasabi kung kailan ang balik nila. Anong kasalanan mo sa mga lalaking iyon?"

"Ang ganda kong ito ang naging dahilan. Marami akong nabighani. Sinaktan ko ang puso nila kaya naghihigante na sila ngayon. Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa mga ka-tribo mo. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Kayo ang nagkalinga sa akin. Inalagaan ninyo ako nang walang hinihinging kapalit. Oras na bayaran ko na naman ang utang ko."


AKALA ni Rose babalik din agad ang mga armadong lalaki. Patuloy ang pagsubaybay niya kay Bato. Nang palihim. Nakaka-apat na araw na siya at malapit na siyang mabagot. Wala namang ginawa ang lalaki kundi ang maglaba sa ilog (topless), humanap ng panggatong (topless), at maligo nang hubad.

Hindi niya alam kung iniinis lang siya ng lalaki o ano dahil gusto rin niya ang nakikita. Hanggang tingin na nga lang siya.

Umalerto siya nang marinig ang halakhakan ng mga lalaki. Iyon na nga ang hinihintay niya. Malalaman na rin niya ang pasimuno sa paghuli sa kanya at ang dahilan nito.

"Oy. Tamang-tama. Nandito na ang hinahanap natin. Nasaan na iyong babae, bata?"

"Hindi ko alam. Hinanap ko siya kanina sa bahay niya, hindi ko nakita."

"Ah. Ganoon ba?"

Nagulat na lang siya nang may marinig na isang malakas na tunog. Mula sa isang malaking puno na pinagtataguan, maingat niyang sinilip ang mga ito.

Napasinghap siya nang napaluhod na si Bato.

"Nagsisinungaling ka pa. Tinatago mo na ba siya sa amin ngayon, bata? Napakaayos ng usapan natin noon. Siya o ang mga kasamahan mo? Nag-iba na ba ang ihip ng hangin? Mas pinili mo na ba ang babaeng iyon?"

"Ganoon pa rin ang gusto ko. Totoong hindi ko alam kung nasaan si Rose."

"Sinungaling!" Isang sipa sa sikmura ang pinakawalan nito.

Napahandusay si Bato sa lupa.

"Mga pangit! Bakit siya ang pinagbununtunan ninyo ng galit gayong heto lang naman ang hinahanap ninyo? Pakawalan ninyo ang lalaking iyan at ako ang saktan ninyo. Diyan naman kayo magaling hindi ba? Ang saktan ang isang walang kalaban-laban na tao?"

Nagkatinginan ang grupo saka humalakhak.

Mabuti na lang at humihinga pa si Bato. Kahit hindi sila malapit ng lalaking ito, nakaramdam pa rin siya ng awa.

"Ano na? Hindi ba hinahanap na ako ng boss ninyo? Bakit hindi na tayong magsimulang magbiyahe? Nakakabagot ang tumayo ng walang ginagawa.

"Hmm. Matapang ka talagang babae ka. Kung iyan ang gusto mo. Mga kasama, dalhin na natin ang babaeng iyan."

Hindi na siya nagpumiglas pa nang kaladkarin siya ng mga ito. Nagtama ang mga mata nila ni Bato; kinindatan niya ito.

"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala."

Iyon ang akala niya.

May matigas na bagay na pumalo sa kanya at nagdilim ang lahat.

Only Rose Where stories live. Discover now