Isigaw Mo Baby!

84K 2.3K 241
                                    

3

Bored. Minsan ako. Madalas ako. Palaging ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sunday ngayon at wala akong training. Gustuhin ko mang pumunta kina Kuya Stan ay hindi ko naman magawa. Bumisita sila kina Tatay and I don't want to spend my day with my father ranting about my Archery.

Nasa kama lang ako, pinaglalaruan iyong mga teddy bear na bigay ni Augustine noong may tumama sa bintana ko. Lumapit ako roon at napasinghap noong makakita ng paperplane sa balcony. Pinulot ko iyon at tiningnan kung may tao sa baba na pepwedeng nagpalipad niyon. Pero wala namang naroon kung hindi mga tricycle driver at mga tsismosa. Napanguso na lang ako at tiningnan ang eroplano.

'OPEN ME' nakasulat doon. Binuksan ko naman at may nakadrawing na malaking smiley. Sa baba ay isang babaeng stick figure na mukha ngang malungkot at isang lalaki na may hawak na balloons.

Mabilis kong kinuha ang scrapbook ko. Ilang araw na akong nakakatanggap ng mga paperplanes na ito. Sa ngayon ay panglima ko na ito. May mga messages at drawing ang bawat isa. Sometimes a plain hello, minsan naman ay smile o kaya be happy.

Nagdecide akong lumabas na lamang. Ayaw kong maburo sa bahay kaya magmamall na lang ako. Nagbihis ako at bumaba na. Nilolock ko pa lang ang gate ay narinig ko na ang pamilyar na tunog ng gulong ng paparating na skateboard. Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mata ko. Ano na namang trip niya?

"Bakit?" tanong ko kahit hindi pa siya hinaharap.

"May pupuntahan ka?" tanong niya. Tiningnan ko siya bago tumango.

"Mall. Bored ako eh." Sagot ko. Tumango siya sa sinabi ko. Inilaglag niya ang skateboard sa pader ng bahay ko at sumunod sa akin. Hindi na ako nagreklamo. Ganyan naman talaga yan eh. Parang aso lang.

"Anong gagawin mo dun?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Susunugin ko. Ano ba, dami mong sinasabi." Bwisit kong sabi. Ngumiti lang siya at nanahimik na habang naglalakad kami. What's good about this villade I'm at? Walking distance lang ang lahat. Kaunting shortcuts lang at bayan na ang aabutan naming. Kaya nga naglakad lang kami nitong si Augustine.

"Bibili ako ng tshirt." Aniya. Tiningnan ko siya. Nauna siyang nakapasok habang ako ay nicheck pa ang bag. Noong makalapit ako sa kanya ay tiningnan ko siya.

"Shouldn't you be wearing some sunglasses or something?Makikilala ka." Sabi ko habang tinitingnan na kami ng ilang tao.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko. "Napanguso lang siya at agad sinuot ang hood niya. Kinuha niya sa bulsa niya ang isang reading glass.

Nanangiti ako. "Mukha kang nerd na magnanakaw."

Tumaas ang sulok ng labi niya at tumawa na lang. Tinitigan ko siya. Oh god. He's..oh my god! Ano bang iniisip ko. Dimples lang yan Shana. Don't swoon. Nagtataksil ka kay Greg.

Nauna kaming pumunta sa Men's Department. Sabi kasi niya ay gusto niyang bumili ng shirt. Sinamahan ko na lang. If I know, magpapalibre lang sa akin yan kaya sumunod sa akin.

"Anong mas maganda? This one or this one?" tanong niya habang tinataas ang dalawang tshirt. Ang isa ay kulay blue habang ang isa ay black. Napanguso na lang ako at nag-isip.

"Ewan ko sayo. Ano bang gusto mo?"

"Ikaw."walang gatol niyang sagot. Napanganga ako at ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko sa sagot niya. Tinaas niya ang tingin niya mula sa mga shirt at nilingon ako.

"Ikaw yung pumili. Hindi ako marunong." Aniya. Napailing na lang ako at agad tinuro iyong black. Mabilis ko siyang tinalikuran at inalog ang aking ulo. Ano bang iniisip mo ha Shana? Hindi ka gusto ni August. Nangtitrip lang yan.Atsaka ano naman sayo?! Kay Greg ka hindi ba?

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang