Likod ng Maskara

68.4K 1.9K 73
                                    

8

"Aalis ka?" salubong ko kay August na naghihintay ng jeep sa paradahan. Tinanggal niya ang kanyang itim na headphones bago ako tiningnan.

"Anong sabi mo?" tanong niyang muli. Tumabi ako sa kanya at tinitigan siya.

"Sabi ko, aalis ka ba?" tanong kong muli. Ngumiti lang siya bago ginulo ang buhok ko.

"Yup. Ikaw, may pupuntahan ka din?"

Ngumuso ako at umiling. "Sama ako sayo." Anas ko bago kumapit sa braso niya. Tumaas ang kilay ni Augustine at tinitigan lamang ako. Nakikita ko ang paglalapat ng labi niya habang pinipigilan ang ngiti niya sa paglabas. Iyong dimple tuloy niya ay lalong nadepina kaya nagwala na naman ang mga tutubi ko sa tiyan.

Oh my, I am really falling hard.

"Ang clingy mo Montreal." Natatawa niyang sabi. Umikot lamang ang mata ko bago dumiretsyo ng upo.

"Bakit ba ayaw mo akong isama? May babae ka ba ha? Naku August! Alam kong malandi ka! Kapag may iba ka talagang papanain ko kayong dalawa! Ay hindi siya na lang, tapos ikaw ikukulong kita sa bahay—"

Natigilan ako noong bigla na lang niyang hawakan ang batok ko at sinakop ang labi ko. Mabilis lamang ang naging halik niya at halos habulin ko pa siya noong humiwalay na siya. Dahan dahan siyang lumayo sa akin bago ngumisi. Namumula ang pisngi niya maging ang ilong at tenga habang nakatingin lamang sa akin.

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin lamang sa mukha niyang malawak ang pagkakangisi.

"Kung makaangkin ka parang tayo na ah." Bulong niya. Umirap lamang ako at pinagkrus ang braso sa dibdib ko.

"Wag na wag kang mambabababae Augustine, puputulan talaga kita ng kinabukasan." Maktol ko. Doon ay tuluyan na siyang humalakhak na para bang tuwang tuwa sa sinabi ko.

"Bakit kahit mukhang under ako sayo ay hindi ako natatakot. Kukutyain ako nila Iñigo kapag naging sunod sunuran ako sayo." Aniya. Umiling iling pa siya at hinila ako para akbayan.

"W-wag ka nga." Nanginginig kong sabi, pero itong si August, lalo lang akong hinapit palapit sa kanya.

Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa dumating na ang jeep. Mabilis niyang sinuot ang bonnet niya at shades bago kami lumapit doon. Pasakay na ako noong mapansin kong isa na lamang ang bakante. Bababa na sana ako pero itinulak ako ni August papasok.

"Sasabit na lang ako." Nakangiti niyang sabi bago tumingin sa kanyang relo.

"Baka mahulog ka." Nag aalala ko namang sabi. Kumapit na siya sa hawakan ng jeep bago ngumisi.

"Uy Prinsesa, wag kang masyadong concerned ha? Baka lalo akong mahulog." Natatawa niyang sabi. Hindi na ako nakasagot lalo pa at umandar na ang jeep.

Habang nasa byahe ay ilang beses ko siyang tinitingnan. Tanga kasi yang si August at baka biglaan na lang madulas yan. Mawawalan pa ako ng asawa kapag namatay siya, mahirap na. Ayaw kong tumandang dalaga, sayang ang ganda ko.

Pinanood ko lang kung paano hipan ng hangin ang buhok ni Augustine. Napabuntong hininga na lamang ako. He is gorgeous. He truly is. Hindi lamang sa panlabas na anyo kung hind imaging ang ugali niya. If I will list down Augustine's goodness, baka natapos na ang kwento na ito na hindi ko pa napapangalahati ang kabaitan niya. Perfect na sana eh, kung hindi lang sana siya slow.

Noong may bumaba na ay tuluyan ng nakasakay si Augustine. Mabilis siyang tumabi sa akin. Ako naman ay napanatag na dahil kahit papaano ay hindi na siya malalaglag.

Bumaba kami sa isang kakatwang lugar. Kung hindi ko pa natitigan ng mabuti ay hindi ko mapapansin na bahay ampunan iyon. May malaking pangalan sa harap, 'Horizon' ang nakalagay. Iilang mga bata ang naglalaro sa swing at seesaw habang ang iba ay nagtataya tayaan.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now