Montreal

63.8K 1.7K 119
                                    

9

"Ilang taon ka nung..uhm.. you know, nawala?" tanong ko habang nasa itaas lamang kami ng punong mangga. Pinapanood ko ang paa kong nakabitin habang si Augustine ay nakatingin lamang sa kawalan.

"Five. Si Mama mismo ang nagligaw sa akin. Dinala niya ako sa barko para iwan sa tita ko sa  Siargao." Pagkekwento niya. Nagkibit balikat pa siya habang sinasabi iyon. Kung magsabi siya ay parang wala lang ito sa kanya. It is as if he is narrating the color of the sky or the number of his fingers.

He is clearly unattached with the topic. Wala na talaga siyang pakialam.

"Paano kung balikan ka nila?" anas ko. Tumawa lang siya bago umiling.

"Wow, thank you na lang kung sakali." Wika niya habang tumatawa. Nagkamot lang siya ng batok bago tumalon pababa. Ni extend niya ang kamay sa akin at inalalayan rin ako na makaalis mula sa puno.

"Uhm, may movie marathon bukas sa bahay nila E. Sama ka?" tanong niya sa akin. Ngumuso lang ako bago mabilis na tumango.

"Pwede ako sumama?"

Ngumiti siya. "Oo naman." Masaya niyang sabi. Yumakap lamang ako sa braso niya at sabay kaming bumalik sa ampunan. Ilang oras pa kaming nakipaglaro sa mga bata hanggang sa tuluyan ng maggabi. Sabay na kaming umuwi ni Augustine. Ang say ako ngayong araw na ito. Bukod kasi sa nakipaglaro ako sa mga bata, marami pa akong nalaman tungkol kay Augustine.

"I'm tired." Sabi ko sa kanya habang sakay kami ng jeep. Nilingon niya ako bago ngumisi. Ang dimple niya sa kaliwang pisngi ay lumabas na naman habang natatawa siya.

"Ang hyper mo kasi eh." Natatawa niyang sabi bago hinila ang ulo ko at isinandal iyon sa kanyang balikat. Bahagya pa akong nanigas sa pagkakaupo ko habang si August ay walang pakialam na nakatingin sa may bintana.

Oh my. Pasimple kong kinagat ang labi ko sa tangka na pakalmahin ang sarili ko. Hindi naman siguro niya napapansin na kinakabahan ako sa pagkakalapit naming dalawa hindi ba? Halos mamawis na angkamay ko sa lapit naming dalawa. Maging ang tibok ng puso ko ay abnormal na dahil sa posisyon naming dalawa.

--------------------

"Shana! Ang tagal!" sigaw ni Augustine mula sa labas ng aking bahay. Kinagat ko ang hairpin ko habang sinusuot ko na ang rubber shoes ko. Nagmamadali kong inayos ang buhok ko at kinabit ang hairpin habang tumatakbong pumunta kay skater boy.

"Sandali. Nagmamadali lang?" bwisit kong sabi habang inaayos pa rin ang pagkakasipit ng buhok ko. Nagmamadali kaming pumunta sa sakayan ng jeep. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa pad ni Kuya Ethan. Kami na lang pala ang kulang. Naroon na ang ang buong AEGGIS kasama ang kani kanilang mga girlfriend.

"Tagal ninyo?" salubong ni Kuya Ethan sa amin. Nagpeace sign lang ako habang si August ay umakbay kay Kuya.

"Wala kasi akong kotse eh. Bilhan niyo ko sa birthday ko ha?" aniya habang kumikindat. Nalukot lamang ang mukha ni Kuya Ethan bago ginulo ang buhok ni August.

"Asa ka pa!" natatawang sabi nito. Hinila na ni Kuya si Augustine at tumabi sila sa ibang AEGGIS. Ako naman ay agad na lumapit kina Pam na nasa may sahig at namimili ng papanuorin.

"Ito na lang!" tinaas ni Pamela ang DVD ng If Only bago ito pinakita sa aming mga babae. Napapalakpak ako dahil alam ko ang pelikula. Maganda nga iyan.

"Lovestory? Seriously Iris?" manghang sabi ni Kuya Iñigo dito. Ngumuso lang si Pam bago ito pinagtaasan ng kilay.

"Wala na bang iba? Action?" si Kuya Athan naman ang nagsalita. Kinuha ni Ate Ria ang DVD at tiningnan si Kuya A.

"Pero gusto ko ito Athan." Sabi ni Ate habang nagpuppy eyes kay Kuya. Nakita ko ang paninigas ng panga ni Kuya A bago tumango.

"Fine. Yan na lang."

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now