Yturralde Ka

58.3K 1.7K 122
                                    

13

Salamat sa headband kapatid! Ito na po si Gusting.

-------------------------

April is right. Laurent is Augustine's girlfriend. Para akong sinakal sa nalaman. Hindi ako makahinga ng maayos dahil alam kong malabo na ang pag asa kong maibalik si August sa akin.

Tumigil ako sa pagpana at ibinaba ko na lamang ang bow ko sa may sahig. Kinuha ko ang tubig ko at uminom mula roon habang iniisip kung ano bang maaring gawin ngayon. Hindi pa ako makakapagpaliwanag lalo pa't wala na yatang balak manginig ang Yturralde na iyon.

Kailangan ko muna siyang bawiin kay Laurent bago ko masabi sa kanya ang rason ko. Yun na lang ang tanging paraan na magagawa ko.

Sa naisip ay mabilis akong pumanik sa aking kwarto. Nagbihis kaagad ako at nag ayos. If I want my man back, then I should fight for him. Hindi ako isang Montreal para lamang sa wala. If Augustine thinks I will back down because he has his new bitch as a girlfriend, then he is wrong. Akala niya, ganun lang ako kadaling kalimutan? Aba! Nahihibang siya!

I am a Montreal. There is a rule in our family. A Montreal falls inlove once. Ang isang beses na iyon ay hindi na mawawala kahit kailan. When we fall,we fall permanently.

Today, I will get my man back.

--------

"August!"tawag ko sa kanya. Napatigil siya sa pagsakay sa kanyang kotse at nagtataka akong tiningnan. Patakbo akong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng ngiti.

"Saan ka pupunta?"wika ko. Tumaas lang ang kilay niya habang pinapaikot ang mga susi sa kanyang daliri.

"Susunduin ko si April. Bakit?"

"Sama ako!"

Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya. Agad akong pumasok sa passenger seat at umupo roon.

Ilang sandali na ang lumipas pero hindi pa rin pumapasok si Augustine. Ibinaba ko na ang bintana at inilabas ang ulo ko roon.

"Ang bagal mo namang kumilos August! Baka mamuti na ang mata ni April sa kakahintay sayo? Kawawa naman yung kapatid mo."anas ko. Tiningnan lamg niya ako bago siya napailing na lamang. Umikot na siya at sumakay sa driver's seat.

"Ganun? Close na nga agad kayo ni kutong lupa?"aniya. Natawa na lamang ako bago umiling.

"Ang harsh mo sa kapatid mo." Reklamo ko. Ngumiti lang siya hanggang sa nauwi iyon sa pagtawa.

"Ganyan talaga. Siya lang ang kapatid ko kaya magtiis siya." mayabang niyang sabi. "Isa pa, maswerte nga siya na ako ang naging kuya niya eh. Napakaperfect ko dude. Tsk."

Napanganga na lamang ako sa kayabangan niya sa katawan. Iba ka talaga Augustine. Iba ka.

"Minsan nga napapaisip na lang ako, kaya siguro ako iwinala ng Nanay ni April dahil na nga rin sa ganito ako. Sabagay, perpekto kasi ako. Kahit siguro ako ang nasa lugar ng Nanay niya, mahihirapan din ako sa sitwasyon."aniya habang nagkikibit balikat. Napatigil ako sa pagtawa at tinitigan siya.

Yes, he may seem so laid back. Kahit kailan ay walang nakapansin na malungkot si Augustine. Walang kahit na sino ang nagtangkang tumingin sa mukha sa likod ng kanyang maskara.

"D-do you.. do you hate your parents?"bulong ko. Bahagya niya akong nilingon bago umiling.

Kumunot ang noo ko. "Pero ang sabi ni April--"

"They say that hate is not the opposite of love Shana Maria. Rather, the opposite of love is indifference. Kahit kailan ay hindi ako nagalit sa mga magulang ko. Ayaw ko lang talaga silang tanggapin pabalik sa buhay ko. Ayaw kong maglaan ulit ng espasyo para sa kanila pagkatapos ay babakantehin lamang ulit nila iyon."

Lumiko siya sa isang kanto. Ako naman ay napayuko na lamang habang pinaglalaruan ang dulo ng aking damit.

"Ako? Hindi mo na ba ako bibigyan ng espasyo Augustine?"tahimik kong sabi. Bahagya niya akong tiningnan bago ngumiti na lamang.

"You will always have a space in my heart Shana." Aniya. Nahigit ko ang aking hininga at napaharap sa kanya.

Pakiramdam ko ay nalubog ako sa tubig. Hindi ko magawang makahinga sa narinig ko sa kanya. Ang puso ko ay tumatambol na sa sobrang saya sa narinig.

"You'll give me another chance?"paninigurado ko. Huminto na ang sasakyan niya at tinanggal naman niya ang kanyang seatbelt.

Tumawa lamang siya at napailing.

"Pero ang sabi mo--"

"You will always have a space Shana. Ikaw ang paalala ko sa sarili ko na walang permanente sa buhay ng isang tulad ko. That is your space."maanghang niyang sabi. Ang saya na naramdaman ko kanina ay naglaho kaagad.

Napayuko ako. Ang bawat salita niya ay patalim na tumatarak sa aking pagkatao. Masakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong tanggapin dahil ako ang may gawa nito.

Nauna siyang lumabas sa kanyang kotse at mabilis akong sumunod. Naglakad ako sa kanyang tabi kaya ganun na lang ang gulat ko ng matigilan siya sa paglalakad.

"AUGUSTINE!! KARGA!"sigaw ni April bago tumakbo at lumabitin sa leeg ng kanyang kapatid.

"Aray! Baboy!"anas ni Augustine habang pilit na inaalis ang yakap ni April sa kanya.

"April, baka mapilay ang Kuya mo."anas ng isang baritonong tinig. Niingon ko ang lalaki sa likod ni April. Mabilis ang ngiti na ibinigay niya sa akin, iyong dimples sa kaliwang piangi na kamukha ng kay August ay lumitaw.

"Anong ginagawa mo dito? Sinabi ko namang ako ang susundo sa batang ito."malamig na sabi ni August. Hindi siya pinansin ng kanyang Tatay. Bagkus ay lumapit ito sa akin at naglahad ng kamay.

"Adolf Yturralde."

Tinanggap ko ang kanyang kamay. "Shana Montreal po."sagot ko. Sa pagbanggit ko ng aking pangalan ay tumaas ang kilay niya. Nilingon niya si August na nag iiwas ng tingin.

"Shana..Montreal..eh?"pilyo niyang sabi. Tumaas ang sulok ng labi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ikaw pala yung nasa--"

"Daddy! Shut up ka na! Namumula na si August oh!" natatawang sabi ni April habang tinitingnan si August na pulang pula na ang mukha maging ang tenga.

"Torpe mo anak." Bulong ng kanyang Tatay bago ako muling hinarap.

"Nice to meet you Ms. Montreal."bati niya. Sasagot na sana ako ngunit nakuha ang atensyon ko noong tumalikod si August at naglakad pabalik sa kanyang sasakyan.

"Uhm.."tangka kong paghagilap ng sasabihin. Humarap ako sa Tatay niyang nakangiti pa rin sa akin.

"Dad.. di mo dapat ginaganyan si Ate. You're too formal. Someday, she will be your daughter too." Nakangusong sabi ni April bago tumakbo papunta sa kanyang Kuya.

Nagtataka kong tinitigan ang Tatay niyang napapanguso habang nakatingin sa akin.

"Eh? Sabagay.." pagsuko niya. Lumapit siya sa akin at inilagay niya ang palad niya sa aking ulo.

"Wag kang mag alala iha. Sayo ako tataya." Aniya bago ako kinindatan.

-----------------------------

Masaya po ako dahil may bago akong headband galing sa kapatid ko. Nag update po ako kasi super happy ako dahil sa gift niyan.

Di ko na alam kung kailan yung sunod po dito. Ibang AEGGIS naman yung gagawan ko.

*pen<310

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now