Fight

67.3K 2K 171
                                    

33


'We were both young when I first saw you..'


Malamig ang mga kamay ni Augustine habang nakatayo kami sa harapan ng bahay ng mga Yturralde. Ilang beses na niyang tinangkang patunugin ang doorbell pero palaging nagbabago ang isip niya kapag malapit na niya iyong magawa.


Lumapit ako sa kanya. "August. Bahay mo din yan." Anas ko. Tiningnan lamang ako ni Augustine bago tumango. Huminga siya ng malalim at pinindot na ang doorbell. Ilang sandali lamang ay pinagbuksan kami ng katulong at pinapasok kami.


"I just slept here. I never considered this as my home. Ni hindi ko ng sila kinakausap eh." Sagot niya sa akin habang naglalakad kami.


Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Kilala ang Papa ni Augustine bilang may ari ng pagawaan ng mga yate. Kaya nga hindi na ako nagtaka noong makita ko kung gaano karangya ang buong kabahayan.


"Augustine!" sigaw ni April at nagmamadaling bumaba at sinalubong ang kanyang kapatid. Sinagot ni Augustine ang yakap ng kanyang bunso bago ginulo ang buhok nito.


"Mukha kang kutong lupa." Pang aasar nito sa kanyang kapatid. Napanguso lamang si April at aangal pa sana noong pumasok ang mag asawang Yturralde. Nagulat pa ang Mama ni Augustine pagkakita sa aming dalawa. Lalong humigpit ang hawak ni August sa akin.


"Stay there, please." Aniya, ang boses niya ay nanginginig na dala ng kaba na nararamdaman niya. Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya.


"August." Gulat na sabi ng kanyang Papa. Tumango lamang si Augustine bago ko siya pinilit na lumapit sa kanyang mga magulang. Nag atubili pa siya pero ang Mama niya ay agad na siyang binalot ng yakap.


"Welcome back." Umiiyak na sabi nito. Tiningnan ako ni Augustine. Noong umangat ang labi niya para ngumiti ay sumabay roon ang kaisa isang luha mula sa kanyang mata. Sinagot niya ang yakap ng kanyang Mama bago muling nagsalita.


"I'm home."


-----------------

Hindi halos magkandaugaga ang magulang ni Augustine sa pag aasikaso sa kanya ngayong hapunan nila. Napapangiti na lamang ako dahil hindi na makakakain ng maayos ang Mama niya para lamang masagot ang bawat kailangan ni Augustine.


"Ayos na po talaga ako." Natatawang sabi ni August habang kumukuha ng kanyang tubig. Noong matapos kaming kumain ay tumulong akong magligpit ng kanilang pinggan. Ako na ang nagdala noon sa kusina habang nagmamadaling sumunod sa akin ang kanyang Mama.


"Shana, ako na." aniya sa akin. Tumawa lamang ako at nagsimula ng maghugas ng pinggan.


"Thank you." Madamdaming sabi ng kanyang Mama. Hinarap ko siya bago ako nagpunas ng kamay. Pinapanood ko si Augustine na nakikipagkwentuhan sa kanyang Papa at kay April.


"Wala ho kayong dapat na ipagpasalamat. I am the one who should be thankful Ma'am."


Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now