Ang Singsing

54.7K 1.7K 123
                                    

15



Love you Penders :*

——————————-


"You're seeing that Augustine again?" malamig na tanong ni Tatay sa akin. Napatigil ako sa pag aayos ng kanyang gamot bago siya hinarap. Napapikit na lamang ako. I hate it when my Dad is being like this. Masyado niya akong kinikwelyuhan. Masyado niya akong pinapangunahan sa mga desisyon ko.


"Wala namang problema doon Tay." Anas ko. Nanliit lamang ang mata ni Tatay bago niya binaba ang dyaryong binabasa. Sumandal siya sa kanyang upuan bago ako mariing tiningnan.


"Anong wala? The whole problem is that boy Shana Maria. I will never let you, my only daughter, waste her life for a guy like him." Galit nitong sabi. Napaupo na lamang ako sa silya at yumuko. I cannot understand this. Augustine is a great guy, bakit hindi makita iyon ni Tatay?


"You made me leave him." Bulong ko. Iyong usapan namin ay biglaan kong naalala. Hindi ko napigilan ang pagtiim ng bagang sa naisip.


Two years ago, nagplano akong hindi na sasali sa Archery competition sa France. Mananatili na lamang ako sa tabi ni August, dito sa Pilipinas. Augustine needs me then, alam kong nabigla siya sa pagdating mga magulang niya. At alam kong nangako ako sa kanyang mananatili ako sa tabi niya.


But my Dad was ruthless. Noong nalaman niya na titigil na ako sa Archery ay lubos siyang nagalit. I never saw my father that mad. At ang mas nakakatakot pa noon ay inatake siya sa puso. Doon namin nalaman ni Nanay at Kuya na itinatago lamang ni Tata yang sakit niya sa amin.


So my Dad made me choose. Tumanggi siyang magpagamot kung itutuloy ko ang balak kong pagbitaw sa pagpapana. He made me choose between him and August. And that is the most painful thing I had to do. He's my father, at alam kong kapag may nangyaring masama sa kanya ay hindi lamang ako ang masasaktan. Nandiyan si Kuya at higit sa lahat si Nanay.


Pinili ko ang pamilya ko.


Hindi ko alam kung ano bang kinamumuhian ni Tatay kay Augustine. Isa iyon sa mga parte na hindi ko maintindihan.


"Shana, paano kita ipagkakatiwala sa ganoong klaseng lalaki? He is worthless. Hindi niya alam kung paano magseryoso. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magsaya. He is too carefree for you. Hindi siya ang perpektong lalaking iniisip kong makakatuluyan mo."


Matapang ko siyang tiningnan. "Maybe I don't need perfect Tay."


"Montreal ka Shana Maria. A Montreal entails perfection." Madiin niyang sagot. Tumayo na siya sa kanyang upuan at siya na mismo ang kumuha ng kanyang gamot.


"And what I hate the most about that guy  is, he is a freaking liar Shana. Ni minsan ay hindi ko nakita na inilabas niya ang totoong siya. He pretends to be happy and joyful. Paano ako magtitiwala sa ganong tao? Paano kita ipagkakatiwala sa kanya? Paano ka niya aalagaan? How can he love you when he doesn't even love his own parents?" paghamon ni Tatay sa akin. Nag iwas na lamang ako ng tingin bago umiling.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now