Epilogue

88.5K 2.2K 144
                                    

EPILOGUE


Nagtama ang paningin namin. Suot suot niya ang puting dress niya habang nasa likod siya ng kanyang birthday cake. Hawak niya ang kutsilyo at akmang hihiwain na sana iyon noong mapansin niya ako. Tumaas ang kilay niya at hindi na ako muling pinansin.


Sumandal ako sa lamesa at tinitigan siya. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko habang tinititigan siya. Noong matapos siya sa paghihiwa ng cake ay lumapit siya sa aming lamesa. Umupo siya sa tabi ni Greg at nakipag usap sa kanyang Kuya. Nilapitan ko si Sungit at bumulong sa kanya.


"Sungit, ang cute niya ano?" masigla kong sabi. Hinanap ni Sungit ang tinutukoy ko bago napangiwi na lamang. Noong binalingan niya ako ay umiling siya.


""Si Shana? Hindi yan pwede.Si Greg gusto niyan eh. Atsaka baka patayin ka ni Tan Tan." Sagot niya sa akin. Napanguso na lamang ako at hinawakan ang aking dibdib. Hindi ko napigilan ang manghinayang.


""Naman. Saklap noon dude. Di pa nga nagsisimula lovestory ko, natapos na agad." Sabi ko na lamang para itago ang disappointment na naramdaman ko. Ngumiti ako para hindi mahalata ni Toryang na nalungkot ako sa kanyang sinabi.


"Umupo ka na. Nakakahilo kang titigan Gusting." Iritadong sabi ni Pamela sa akin. Tinitigan ko lamang siya bago muling hinarap ang pintuan ng delivery room, hinihintay ang paglabas ng doktor.


"Ano, pilayan na natin?" bulong ni Athan kay Greg na narinig ko naman. Hinarap ko sila bago ko sinipa ang binti nila.


"How is she?" tanong naman ni Stanley na kararating lang. Tulak tulak niya ang wheelchair ni Toryang na kakapanganak lamang din noong isang araw. Nasa may bisig niya iyong si Serise.


"Hindi ko pa alam." Kinakabahan kong sabi. Muli kong tiningnan ang pintuan at umupo na sa stool.

"Sa wakas. Akala ko pipilayan na talaga kita." Masungit na sabi ni Iñigo bago hinila si Pamela at mas inilapit pa iyon sa kanya.

'All those days watching from the window

All those years, outside looking in

All that time, never even knowing

Just how blind I've been'

"Gusto mo ba siya?"

Nilingon ako ni Greg na naghahanda na para sa recording namin. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Sino?" aniya.

"Si Shana. Gusto mo ba siya?" tanong ko. Kumatok na ang producer sa salamin para hudyat ng simula ng aming recording. Itinaas ko ang aking kamay at hinarap si Greg na gulat na nakatingin sa akin.

Tinanggal niya ang kanyang headphones bago ngumiti sa akin. Pagkatapos ay umiling siya.

"Man, you got it bad." Natatawa niyang sabi. Kinuha niya ang lyrics ng kanta bago iyon tinitigan.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Naiinis ko ng sabi. Bakit ba ang daming paligoy ligoy nitong si Greg. Kapag hindi niya pa ako sinagot ay masasapak ko na talaga siya.

"No. Kapatid ang tingin ko kay Shana Maria. Yun lang." aniya. Ngumiti siya ng mapait at wala sa sarili na hinaplos ang kanyang kwintas.

"What she has for you, is it unrequited? Hindi mo siya mahal?" patuloy kong paninigurado. Narinig kong kumatok muli ang producer sa salamin pero pareho namin silang hindi pinansin.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now