Happy Ending

58.4K 1.7K 65
                                    

31


'There's a girl in my mirror

I wonder who she is

Sometimes I think I know her,

Sometimes I really wish I did'


Iniligpit ko ang gamit na dala ko sa maliit na apartment na inuupahan ko ngayon sa Cagayan. Agad akong humiga sa papag na naroon bago ko niyakap ang aking sarili at umiyak. Noong tumingala ako ay sinalubong ako ng aking repleksyon sa salamin.


Who am I? Ngayong mag isa na ako dito sa apartment ay nilamon ako ng tanong na iyon. Ngayong itinapon ko na ang paninindigan kong kahit kailan ay hindi ko sasaktan si Tatay, ngayong hindi ko na ipaglalaban si Augustine, sino na ako?


'There's a story in her eyes,

Lullabies and goodbyes

When she's looking back at me

I can tell her heart is broken easily'


Huminga ako ng malalim at tinitigan ang singsing na suot ko. Oh, how I wish August is with me now. Pero hanggang ngayon ay hindi mabura sa isip ko noong hinalikan siya ni Laurent. Kinakain pa rin ako ng takot. Paano kung tama si Tatay? Kung hindi naman talaga ako mahal ni Augustine, mas mabuti na sigurong palayain ko siya. Kahit masakit ay iyon ang mas makakabuti sa aming dalawa.


'Because the girl in my mirror is crying in tonight

And there's nothing that I can tell her to make her feel alright

Oh, the girl in my mirror is crying 'cause of you

And I wish there was something, something I can do'


Buong gabi lamang akong umiyak. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin ngayong naglayas ako. I don't want to go back to Tatay. Kapag nakita niya akong nasasaktan ay baka mas lalo lamang niyang kamuhian si Augustine. Ayaw ko ring magpakita kay August ngayon dahil baka ano lamang ang masabi ko. Right now, I really don't know what to do.


Pagdating ng umaga ay agad akong umalis para maghanap ng trabaho. Dumiretsyo ako sa mga fastfood at nagapply roon. Sa pang apat na kainan ay natanggap ako bilang crew. Noong dumating na ang hapon ay nagsimula na ako sa pagiging waitress doon. Hanggang sa maghatinggabi ang shift ko. Kahit na halos matumba na ako sa pagod ay hindi pa rin ako tumigil. Mas gusto ko ng pagkarating sa apartment ay makakatulog na ako kaysa sa iisipin ko pa ang tungkol sa nararamdaman ko.


'If I could I would tell her not to be afraid

The thing that she is feeling, that sense of loneliness will fade

So dry your tears and rest assured

Love will find you like before

When she is looking back at me, I know nothing works that easily'


Noong gumabi na ay tuluyan ng bumagsak ang malakas na ulan. Mabuti na lamang at agad na may dumating na ang bus ng tinatrabahuhan ko para maihatid kami sa terminal. Mabilis akong sumakay, nakayuko at hindi na tinitingnan ang dinadaanan ko.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now