Time Machine

57.2K 1.7K 110
                                    

24

Kahit kailan ay hindi ko inisip na posible sa isang lalaki ang umiyak. Hindi ba at mapride sila? They don't let anyone see their weakness. That is their ideology. Kaya nga hindi ko maintindihan na umiiyak si August ngayon habang sinasabi niyang bumalik na ako.

"Nandito lang ako August. Ano bang sinasabi mo?" nagpapanic ko ng sabi. Pinunasan lamang niya ang luha niya bago umiling.

"Wala. Tara na?" aya niya sa akin. Hindi na niya hinintay pa ang pagpayag kong umalis. Kinuha na agad niya ang kanyang skateboard bago ako inalalayan pababa sa burol.

Ilang beses akong muntikan madulas dahil sa mga batong nakausli sa daraanan. Mabuti na lamang at hawak ni Augustine ang siko ko. Noong sa pangatlong beses na natapilok ako ay tiningnan na niya ako ng matalim.

"Hawakan mo." Aniya habang ibinibigay sa akin ang skateboard niya.

"At bakit? Nahihirapan na nga akong maglakad tapos ipapadala mo pa sa akin yan?" pagtataray ko. Ngumuso lang si August bago hinubad ang kanyang jacket. Humakbang siya palapit sa akin kaya agad akong lumayo sa kanya.

"A-anong—" gulat kong sabi. Pinaikot ni August ang braso niya sa beywang ko at agad na tinali roon ang kanyang jacket.

"Don't wear shorts." Aniya. Napalunok ako sa ginawa niya. Tumalikod siya sa akin bago umupo sa aking harapan.

"Sakay na Prinsesa." Sabi pa niya. Tiningnan ko ang jacket niyang nasa beywang ko. Kaya ba niya inilagay iyon para hindi ako masilipan kapag binuhat na niya ako? Hindi ko mapigilang mapangiti sa naisip.

Kinuha ko muna ang kanyang skateboard bago ako umakyat sa kanyang likuran. Iniyakap ko ang braso ko sa kanyang leeg bago siya tuluyang tumayo.

"Hindi ba ako mabigat?" tanong ko sa kanya. Nilingon lang niya ako bago tumawa.

"Mabigat ka." Walang pakialam niyang sabi. Sa narinig ay biglang kumulo ang dugo ko. Agad kong kinagat ang tenga niya bago inis na inis na nagwala sa likuran niya.

"SHANA MARIA!" sigaw niya. Tumigil ako sa pagwawala bago ko lalong isiniksik ang ulo ko sa leeg niya.

"Anong nangyari sayo? Bigla ka na namang nabaliw." Sabi niya sa akin. Pinukpok ko ang ulo ko sa ulo niya sa sobrang inis.

"Tinawag mo akong mabigat."

"Nagtanong ka eh. Sinagot ko lang naman. Nagsasabi lang ako ng totoo." Hinihingal niyang sabi. Hindi na ako sumagot. Naririnig ko na ang pagod sa boses niya dala na nga ng pagbubuhat niya sa akin para makababa kaming dalawa.

Noong makarating kami sa patag ay ibinaba na niya ako. Inalis ko ang jacket niya sa aking beywang bago siya tiningnan.

"May..may laban ako sa Berlin sa susunod na linggo." Biglaan kong sabi. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapaalam sa kanya. Lumabas na lamang iyon sa bibig ko at hindi ko na nagawa pang pigilan iyon.

"Talaga?" aniya. Tumango ako at tiningnan siya. Nakanguso lamang si Augustine at mukhang malalim ang iniisip. Nagkamot siya ng batok na para bang malalim ang kanyang problema.

"May gig kami sa linggo."

Ngumiti ako. "Ayos lang. I'm not expecting you to be there." Disappointed kong sabi.

"Talaga?" tukso niya. Yumuko pa siya at inilapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko at ang pagwawala ng mga tutubi sa aking tiyan dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

"O-oo nga!"

"Shana, bakit nabubulol ka?" natatawa niyang sabi. Ginulo niya ang buhok ko bago iyon muling inayos. Inipit niya ang ilang hibla sa likod ng aking tenga bago siya dumiretsyo ng tayo.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now