Beyond

68.9K 1.8K 69
                                    

34

Gusto ko ng patayin si Augustine. Kung hindi ko lamang iniisip na mawawalan ako ng fiancé ay matagal ko ng kinitil ang buhay niya. Nabibwisit na ako dahil ako na lamang ng laging umaasikaso para sa aming kasal.

I chose the flowers, the motif, the list of maids of honor, and the sponsors. Ang tangi lamang niyang ginawa ay ang ilista ang mga groomsmen niya. At hindi siya nahirapan roon. Limang pangalan lamang ng AEGGIS ang kinailangan niyang isulat. Maging ang pagkain para sa reception ay ako lang mag isa ang pumili.

Napasalampak ako sa harapan ng laptop ko habang tinitingnan ang isinulat kong chapter. I planned to compile the stories of each AEGGIS member. Gusto ko na sanang tapusin ang sa amin ni Augustine pero hindi ko magawa dahil sa inis ko sa kanya.

Naiintindihan ko naman na abala siya. Isa siyang AEGGIS, siya ang bokalista nila, at tanggap ko iyon. Pero mahirap bang maglaan siya ng kahit na isang oras lamang para sa paghahanda sa aming kasal? Matapos niyang lumuhod sa harap ni Tatay ay binalewala na niya ako. He never even proposed to me. Mukhang si Tatay lang yata ang binalak niyang alukin ng kasal.

Sa sobrang inis ko ay napatili na lamang ako. Kinagat ko na ang unan na may mukha niya bago iyon binalibag sa may pader. Kinuha ko ang cellphone ko at binalak na tawagan si Augustine pero sinalubong lamang ako ng voicemail. Noong hindi na ako makatiis ay agad kong tinawagan si Leria.

"Hello, Shana?"

Pabagsak akong umupo sa sahig. "May schedule ba ang AEGGIS ngayon?"

"Wala. It's Sunday today. Free day nila." Sagot niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko at pinilit ang sarili kong kumalma.

"Nandyan ba si Kuya A ngayon?"

"Yup. Obsessed kaya sa akin si Athan, hindi niya ako iiwanan." Natatawang sabi nito.

"I heard that." Sagot ni Kuya A sa background. Imbes na kiligin ako sa kanilang dalawa ay mas nainis lang ako lalo. Nasaan ba iyong si Augustine? Bahagya akong suminghot para pigilan ang luha ko.

"Thank you Ri. Tell baby Cai that I love him." Sabi ko bago pinatay ang tawag. Nagpasya na lamang akong bumaba at kakain ng spaghetti noong may kumatok sa aking pintuan. Mabilis akong napatayo. Maybe Augustine is here. Dapat narito na siya, kapag hindi niya ako pinuntahan ngayon, talagang masasaktan na siya sa ---

"Shana!" sigaw ni Ate Toryang. Ngumiti sa akin si Ate Avvi at si Iris bago sila pumasok ng bahay ng walang paalam. Nanlumo ako at sinilip ang labas, umaasa na sana ay may kasunod pa ang sasakyan nila.

"Shana, hindi namin kasama si Gusting." Tawag ni Iris sa akin mula sa kusina. Napabuntong hininga na lamang ako at dumiretsyo sa kanila. Sumalampak ako sa stool at nangalumbaba.

"Anong problem mo Shannie baby?" tanong ni Ate Avvi sa akin. Ngumuso na lamang ako bago umiling.

"Where's the monster Ate Tori?" I asked my sister-in-law. Inayos ni Ate ang kanyang upo bago ngumisi.

"He's babysitting." Aniya.

"What about Kuya Iñigo?" patuloy kong pangungulit.

"Ayun, naglilinis ng bahay. Sabi ko sa kanya ay hindi ako uuwi hanggat hindi nalinis ang kalat niya. Takot lang ni Iñigo sa akin." mapagbirong sabi ni Iris. Si Ate Avvi ay hindi na naghintay para matanong ko pa. Agad niyang sinabi na naghahanda raw ang asawa niya ng hapunan nila.

"And Greg's with Lana girl today sa mall. May date yata." Dagdag pa niya. Napayuko na lamang ako, iyong dugo ko ay tuluyan ng kumulo dala ng galit ko. Bakit si Augustine lang ang parang walang pakialam sa akin? Bakit iyong iba ay halos nakapokus ang atensyon sa mga asawa nila? Hindi pa man kami kasal pero ganito na siya.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now