MARRIED TO THE SKATER BOY SC#1

76.8K 1.5K 147
                                    

MARRIED TO THE SKATER BOY SC#1

Nakakainis si Papa. Niloloko niya ako. Ang sabi niya si Juliet daw first love ni Romeo. Hindi ba niya alam na si Rosaline yung una? Ang gulo niya.

Tapos ang landi pa niya. Lagi niyang ginugulo si Mama. Palagi niyang nikikiss. Kadiri sila. Ang tanda na nila eh. Shiz. Hindi rin naman ako makapunta sa bahay ng iba kong Ninong kasi pareho sila ni Papa. Malalandi din sila.

"Illea, baba na daw. Aalis na sina Ninong Athan." Tawag sa akin ni Mama. Inayos ko lang yung uniform ko bago ko kinuha yung bag ko. First day of school namin ngayon at si Ninong Athan ang nakatokang maghatid sa amin.

Pagkalabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ni Mama. Napangiwi pa siya ng makita ang ayos ko.

"Illea, bakit hindi ka nagsuklay?" tanong niya. Agad niyang kinuha ang brush sa aparador at pinalapit ako sa kanya.

"Mama!"

Pinandilatan lang niya ako. Napanguso na lang ako habang si Mama ay inipitan ang buhok ko. Noong matapos ako ay mabilis niyang hinalikan ang aking pisngi. Yuck!

"Ma!"

"Ang baby ko, ayaw ng magpahalik." Natatawa niyang sabi. Nakita kong paakyat na si Papa at nakatingin sa aming dalawa.

"Dalaga na kasi yan Ma. May crush na nga yan eh." Sabat ni Papa. Namula agad ako at tumakbo para sapakin ang Papa ko.

"Huwag ka nga Papa!" naiiyak ko ng sabi. Ang daldal daldal talaga niya! Sa kanya ko nga lang sinabi na may crush ako kasi para hindi niya sabihin kay Mama!

Lumapit lang si Papa kay Mama at mabilis na hinalikan ang buhok nito. Napabusangot lang ako lalo at kinuha na ang bag ko at ang roller blades. Sinuot ko na iyon at hinarap ang magulang ko.

Matagal ng kasal sina Mama pero hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa. Palaging sinasabi ni Mama na sumpa na sa pamilya namin iyan. Kapag dumadaloy daw sa ugat mo ang pagiging Montreal, ibig sabihin noon ay may isang pagkakataon ka lang na magmahal.

My Mom found love with my father, Augustine Yturralde. At hanggang ngayon ay patay na patay pa rin si Papa kay Mama. Lahat naman yata ng AEGGIS ay ganyan pa rin. Lumipas man ang panahon ay mahal pa rin nila ang mga asawa nila.

Nakakainis nga eh. Madalas kaming nagrereklamo dahil sa walang pakundangang paglalambing ng mga magulang namin sa isa't isa. Kagabi nga lang ay nangharana si Ninong Ethan kasi nag away sila ni Ninang Avvi. Paano ba naman kasi, nakalimutan ni Ninong na bilhan si Ninang ng milkshake. Ayun, nag ka world war.

Sabagay hindi na bago sa akin ang ganoong eksena. Palagi namang may nanghaharana sa kanilang AEGGIS.

"Daanan niyo daw muna si Caius. Hindi daw magising." Tawag ni Papa sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na.

Gisingin si Caius? Psh. Imposible.

Pagkalabas ko ay nakaupo na si Matthew sa gate namin. Noong makita niya ako ay tumayo na siya at naghikab.

"Morning." Aniya. Tumango lang ako at tinitigan siya ng masama. Paano ba naman kasi maluwag ang pagkakatali ng necktie niya. Tapos nakarubber shoes pa siya imbes na black shoes. Papagalitan na naman siya ni teacher niyan eh.

"Illea Auriel!"

Sabay kaming napatigil ni Matt sa paglalakad noong marinig ko iyong sigaw na iyon. Si Noah, tumatakbo sa direksyon namin habang may dala dala pang kahon ng gatas.

Pagkalapit na pagkalapit niya ay agad ko na siyang sinapak. Ang walang hiya. Sabin g huwag niya akong tinatawag sa buong pangalan ko eh.

"Aray!" bwisit niyang sabi. Tumawa si Matt sa tabi ko kaya inapakan ko ang kanyang paa.

"Manahimik nga kayo."

"Ang sungit mo." Reklamo ni Matthew. Pumasok na kami sa bahay nila Caius. Sa baba pa lang ay rinig ko na ang sigaw ni Ninang Ria.

"Tulog pa siya." Biglang sabi ni Rome. Napayuko ako at inipit ang buhok sa likod ng tenga ko habang nakatingin sa kanya.

"Si Caius?" tanong ni Matthew.

"Oo. Kanina pa nga siya ginigising ni Tita."

Pasimple kong tinitingnan si Rome. Pero hindi naman niya ako nililingon. Asar naman.

Bigla akong inakbayan ni Noah at hinila na ako papunta sa kwarto ni Caius. Pagkapasok pa lang namin ay kitang kita ko na na nakahiga pa rin ang demonyong si Caius.

"Caius!" inis ng sigaw ni Ninang. Umupo si Rome sa gilid ng kama niya at hinila na ang kumot ni Cai. Hindi pa rin ito nagigising.

"Kami na pong gigising Ninang." Sabi ko dito. Pinunasan ni Ninang ang pawis niya bago ngumiti sa akin.

"Sige. Hihintayin ko na lang kayo sa baba." Aniya bago kami iniwan. Tiningnan ko ulit si Caius na tulog pa rin.

"Cai, late na tayo." Si Matthew na kinukuha na ang uniform ni Caius.

"Naghihintay na si Tito sa baba Caius." Si Rome naman ang nagsalita. Gumalaw lang si Caius at hinila ang unan palapit.

"Cai!" tawag ko na. Minulat niya iyong isa niyang mata at tiningnan kami.

"Ang aga pa." mahina niyang sabi.

"Seven na kaya." Katwiran ni Noah. Umikot lang si Cauis sa kama.

"Nandito si Seven?" tanong ni Cai. Hay nako. Di pa nga ata talaga siya gising. Kung ano anong naririnig.

Magsasalita pa sana ako noong bumukas ang pintuan ng kwarto. Namutla kami noong makita ko si Serise na pulang pula na ang mukha at halatang inis na.

"Caius Ezekiel Falcon! Tatayo ka ba diyan o papasabugin ko yang bungo mo? Late na ako!" sigaw nito. Napangiwi ako noong ginamit na ni Serise ang buong pangalan ni Cai. Galit na nga talaga siya.

"Kapag ba pinasabog mo yung bungo ko, uunlad ang ekonomiya?" tanong ni Caius na umuupo na.

"Huwag ka ng sumagot." Bulong ko. Baka lalong magalit si Serise. Nakakatakot kaya.

"Kapag ba umunlad ang ekonomiya tatayo ka na diyan?!" sagot ni Serise. Natawa lang si Matthew at Rome sa tabi namin.

"Kapag ba tumayo ako mawawala na ang global warming?" tanong ulit ni Caius. Tumili na si Serise at akmang susugurin na si Caius noong humarang si Rome.

"Chill lang. Cai, gising na." utos ni Rome sa pinsan niya. Nakaupo lang si Caius pero halatang tulog pa rin. Talent niya yan. Matulog ng nakaupo.

Hinila na ni Matthew si Caius patayo. Napanguso lang ako at niligpit na ang gamit ni Caius para mabilis na kaming makaalis.

"Hindi niyo pa sinasagot yung tungkol sa global warming." Reklamo ni Caius habang papunta sa banyo. Napangiwi na lang ako lalo pa't binato na ni Serise ang sapatos niya sa pintuan.

Pikon talaga.

Na late kami. Ano pang aasahan ninyo hindi ba? Mapapagalitan na naman kami nito eh.

Pumasok na kami sa klase namin. Naka hiwalay kaming mga anak ng AEGGIS sa karaniwang students dito sa school. Kami kami lang ang magkakakaklase. Pagkaupo pa lang namin ay sumandal agad si Caius sa pader.

"Sira ulong adik." Bulong ni Serise at inayos ang buhok niya. Noong nilingon ko si Caius ay natawa na lang ako.

Tulog na naman kasi siya. Pasaway talaga.

-----------------------------

Mag uupdate ako ng kay Greg bukas po.

*pen<310

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now