Find You

61K 1.7K 66
                                    

32


"Enjoy po." Maligaya kong bati sa pamilyang binigyan ko ng pagkain. Mabilis kong binulsa ang notepad kung saan ko isinusulat ang mga order bago ako bumalik sa kusina.


"Shana, table 5." Utos sa akin noong kusinero namin. Napanguso na lamang ako at agad na sumaludo. Balak ko pa man din sanang panuorin ang paraan ng paghihiwa nila ng karne. Somehow, I wanted to learn how to cook. Someday, ipagluluto ko si Augustine.


Sa loob ng anim na buwan ay nagtatrabaho lamang ako bilang waitress sa diner. Nakakapagod man, masaya pa rin ako sa trabaho ko. People are treating me as me. Hindi nila ako tinitingnan na mas mataas pa sa kanila dahil hindi naman nila alam ang apelyido kong dala. I am using my Mom's surname when she is still single. Walang kahit na sinong nakakakilala sa akin.


Yes, life is hard. Ngayon ko lamang naranasan ang pagtrabahuhan ang bawat sentimos na mayroon ako, but it is fulfilling. Pakiramdam ko sa ganitong paraan ay may napapatunayan ako sa aking sarili.


Noong matapos na ang shift ko ay dumiretsyo ako kaagad sa aking apartment. Kinuha ko ang aking laptop at binuksan iyon. Mabilis kong hinanap ang file na ilang araw ko ng ginagawa.


I started typing.


Once in a fairytale, a princess should learn how to stand on her own two feet because maybe, maybe, her knight in shining armor will not come to save her.


Hindi ko namalayan na nagtuloy tuloy na ako sa pagsusulat ng kwento. Naroong mapapaiyak ako, o matatawa sa bawat eksena na nasa isipan ko.


I wrote about a girl who is trained to always expect for perfection. Nasanay na siya na umasa na ang Prinsipe na pinangarap niya ang makakatuluyan niya. But then a dragon came and busted her bubble. The dragon ruined her fairytale.


I smiled bitterly while typing. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang Prinsesa sa dragon. Malapit na sa katapusan ang kwento. Nasa punto na ako kung saan iniwan ng Prinsesa ang dragon dahil kinailangan niyang hanapin ang sarili niya. Isa pa, gusto ng Prinsesa na bitawan na ng dragon ang galit niya sa mundo. At para mangyari iyon, kailangan nilang maghiwalay ng dragon.


Sinave ko na ang file dahil hindi ko na kinakaya ang nararamdaman kong bigat sa dibdib. Sabay pa ang malakas na ulan sa mabigat kong pakiramdam. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga litrato namin ni Augustine. Oh, how I missed him. I miss him so much.


Sa ngayon ay hindi pa ako sigurado kung ano ba ang kahihinatnan ko. Pero alam kong gusto ko ang pagsusulat. Kung hindi pa ako nagpakalayo layo ay hindi ko malalaman na may kakayahan pala akong gumawa ng kwento. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko kung paano maging malaya ngayong hindi ko na dala dala ang bigat ng pagiging isang Montreal.


Hanggang ngayon din ay wala akong balita kay August. Sa tuwing nakakausap ko si Iris ay wala naman itong kakaibang sinasabi. August still goes on tour. Kumakanta pa rin siya at nagguguest sa mga shows. Kahit si Iris ay walang alam kung nagsimula na ba si Augustine sa pakikipag ayos sa kanyang mga magulang.


Kinabukasan ay nagkaroon kami ng catering event para sa fiesta sa may munisipyo. Nagbukas si Mayor ng bagong plaza at maraming dadayong turista doon. Nasa gilid lamang ako at tinitingnan ang mga tao habang pinupunasan ko ang pinggan na aming gagamitin.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon