Ang Aksidente

60.2K 1.7K 78
                                    

18

"Really?" tuwang tuwa kong pagkumpirma sa sinabi ni Kuya Stan. Si Ate Tori naman ay natatawa na lang sa aming dalawa habang karga karga niya si Seth sa kanyang balikat.

"Ang kulit ng lahi mo Shana Maria." Bwisit na sabi ni Kuya. Ibinigay niya ang remote control na pilit na iniaagaw ni Shawn mula sa kanya. Napanguso na lamang ako bago umupo sa harap ng TV.

Mayroong victory party ang AEGGIS mamaya dahil sa pagkapanalo ng kanilang banda sa Music Awards. Ang sabi ni Kuya ay naroon si Greg. At dahil naroon si Greg, kailangan kong makapunta roon. Ang tagal ko ng di nakikita ang mahal ko.

"Magkalahi tayo Kuya, ibig sabihin makulit ka rin." Walang emosyon kong sabi. Natigilan siya sa narinig bago hinarap si Ate.

"Yang ko! Palayasin mo nga yang batang yan!" galit na sabi ni Kuya. Tumawa lang si Ate bago umiling.

"Tan tan talaga. Wag ka ngang ganyan sa kapatid mo. Kaya natututong magsungit si Shawn eh." Pagtataray ni Ate kay Kuya. Walang nagawa ang kawawa kong kapatid kung hindi ang manahimik na lamang. Masama ang tingin na ibinigay niya sa akin bago ako inirapan.

"Nakakainis ka." Aniya. Tumawa lamang ako bago lumapit sa kanya. Kumapit ako sa kanyang braso bago ko idinikit ang pisngi ko sa dibdib niya.

"Sige na, sama na ako."

"Walang magbabantay kina Shawn. Isasama ko si Toryang." Sagot niya sa akin. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak sa kanya bago huminga ng malalim. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ginagawa akong yaya nitong kapatid ko. Marami naman siyang pera at pwedeng pwede niyang gastusan ang isang tagapag alaga ng bata.

"Pasamahin mo na si Shana. Alam mo namang ang tagal na nilang hindi nagkita ni Pangit." Sabi ni Ate. Ngumiti lang siya sa akin bago ako kinindatan. Si Kuya Stan ay biglang namutla at tiningnan ng masama si Ate.

"Ano?" maang na tanong ni Ate Tori. Napakamot lang si Kuya sa kanyang batok bago huminga ng malalim.

"Toryang talaga, hanggang ngayon slow ka pa rin." Inis na sabi ni Kuya bago tumayo at lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Ate Tori na hindi maintindihan ang sinabi ng kapatid ko.

"Ano na naman ginawa ko?" bulong ni Ate sa kanyang sarili bago ako tiningnan. Nagkibit balikat na lamang ako dahil hindi ko alam ang aking isasagot.

————————————

Ang sabi ni Kuya ay masquerade daw ang theme ng kanilang victory party kaya nagmadali akong bumili ng aking maskara. Namili na rin ako ng itim na gown at naghanda na. Hindi na sasama si Ate sa amin at siya na lang daw ang magbabantay sa dalawa.

Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na may anak na nga sila. Ang huling naalala ko ay ang pagiyak ng Kuya ko dahil sa pagiging malabo ng kanilang relasyon. Ngayon ay may dalawa na silang mga babies na sobrang cute!

Ang daming nabura sa aking sistema pero wala na akong pakialam roon. Siguro ay wala namang halaga ang mga iyon dahil ang bilis nitong natanggal sa alaala ko. Mabuti na lamang at hindi ko nakalimutan si Greg. Kawawa naman ang mahal ko kung sakali.

Noong makita ko ang repleksyon ko ay napangiti na ako. Nakaipon ang buhok kong kinulot ni Ate sa kabilang gilid ng aking ulo. May mumunting mga perlas ang ginamit niyang mga hairpin kaya mukhang kumikinang ang bawat hibla ng aking buhok.

Isinuot ko na ang maskara ko bago ako lumabas. Naabutan ko si Ate na inaayos ang bowtie ni Kuya habang ang dalawang bata ay gumagapang sa carpet. Sumandal ako ng bahagya sa pader at pinanood silang dalawa.

"Ang sungit mo na naman." Malambing na sabi ni Ate. Umirap lamang si Kuya bago niya isinandal ang kanyang noo kay Ate.

"Uuwi ako kaagad. Ikaw lang mag-isa dito." Anas nito. Napangiti ako sa kanila. Minsan ko lang makitang maglambing ang Kuya. At isa ito sa mga minsan na iyon.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now