Prinsesa

59.9K 1.7K 89
                                    

11

Mabilis ang nagawang pagharang ng mga security guards sa media na sumalubong sa paglapag ng eroplanong sinakyan ko pabalik. Inalis ko ang shades sa aking mata at iginala ang aking paningin sa dagat ng mga taong nag aabang sa akin. I smiled at everybody. Finally, the first ever Filipina to win the gold medal for Archery is back. Kulang kulang dalawang taon rin ang ginugol ko sa mga kumpetisyon at training ko.

I won only the bronze medal for the Fall Competition sa France. Matapos niyon ay nagsanay ulit ako ng ilang buwan para sa assembly naman sa China. Paulit ulit akong lumaban sa iba't ibang bansa hanggang sa tuluyan na akong manalo sa Russia nitong nakaraang buwan. Matapos niyon ay ilang mga promotional para sa event ang pinuntahan ko kaya ngayon lamang ako nakabalik.

And now I am back.

I immediately saw my brother with his band. Pakiramdam ko ay sila lang ang ipinunta ng ibang media rito. The great and famous AEGGIS, sinasalubong ang world champion ng Archery. That is really a big scoop for them.

"Alien!" sigaw ng aking Kuya. I ran to his open arms and hugged him tight. I inhaled his scent na matagal ko ring hindi naamoy. Noong humiwalay ako ay agad kong niyakap si Greg at Athan

"Where are the others?" pasimple kong tanong. Habang sinasabi ko iyon ay gumagala na ang mata ko at hinahanap ang kaisa isang taong naging dahilan ko kung bakit ba ako nagpursigeng manalo sa bawat laban ko.

"Oh? Sina E kasi may prerecording sa studio. Tumakas lang kaming tatlo para may sumundo sayo." Bati ni Kuya Greg sa akin sabay kindat. Ngumiti lamang ako at hindi na sumagot.

Gusto ko na siyang makita. Halos dalawang taon, one year and ten months to be exact, na hindi kami nagkita. Hindi ko siya kinausap dahil sa pangako ko kay Tatay. Pero ngayong natupad ko na ang kagustuhan ni Tatay, sana ay payagan na niya akong maharap muli si Augustine. I want to explain, to tell him my reason for leaving. I want him to know that I, I am still inlove with him.

"Sa bahay ka raw dumiretsyo Shana. Ang sabi nila Nanay—"

"Dadaan muna akong Wave Kuya. Namiss ko kayo eh." Anas ko. Natigilan si Kuya. Nakita ko ang agad niyang pagtutol sa gusto ko. Pero walang makakapigil sa akin na makita siyang muli ngayon. Now that I have fulfilled my promise to my Dad, wala ng makakaharang sa akin sa muli naming pagkikita.

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Kuya. Agad na akong naglakad palayo para lamang mapahinto. Pakiramdam ko ay tumigil ang buong paligid noong makita ko siyang muli.

"August!" tawag ni Greg dito. Ngumiti siya sa mga ito habang hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at laking gulat ko noong sinuklian niya iyon.

"Uy, welcome back." Bati niya sa akin. Pasimple akong yumuko para punasan ang mata kong naluluha na. Binuksan niya ang kanyang braso at hindi na ako nagdalawang isip. Pumunta agad ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Namiss kita Augustine." Bulong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa aking sinabi at agad rin namang humiwalay sa yakap.

"Congratulations pala." Sabi niya at pinatong ang kanyang palad sa aking buhok. Ginulo niya iyon na para bang isang bata lamang ang kausap niya.

"Siyempre, magaling yang kapatid ko eh." Pagyayabang na sabi ni Kuya. Lumapit siya sa akin at pasimple akong hinila palayo mula kay August. Tinitigan ko si Augustine na para bang walang kahit na anong nangyari. Pinaglaruan lamang niya ang hikaw niya kaya napatingin ako sa kanyang kamay.

I looked for the ring I gave him the day before I left for France. Alam kong hindi malabo ang mata ko dahil isa akong archer, kaya noong mapansin kong hindi na niya iyon suot ay nanlumo ako. Sinipat ko rin ang kaliwa niyang kamay pero wala roon ang singsing.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now