Stranger

58.5K 2K 232
                                    

23

Hindi ko talaga alam kung anong nakita ng AEGGIS kay Augustine. Ate Tori said when he applied to be a vocalist, Bahay Kubo ang kinanta niya. Sinong matinong tao naman ang gagawa ng ganoon hindi ba? Si Augustine Yturralde lang.

Kaya ngayon hindi ko maintindihan kung bakit ako nagtatago habang pinapanood siyang kumakanta sa practice room nila. Hindi ko alam kung bakit ko na nararamdaman ang lungkot niya sa boses niya.

'Turn Around

Turn Around and fix your eye in my direction

So there is a connection

I can't speak

I can't make a sound to somehow capture your attention

I'm staring at perfection

Take a look at me so you can see

How beautiful you are'

 

Sumandal ako sa pader habang nakatutok lamang sa kanya. Naiinis pa rin ako kay August, lalo na kapag isang minuto ay ganito siya kahina tingnan and the next, ipapakita niyang siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. I really don't get his logic.

'You call me a stranger

You say I'm a danger

But all these thoughts are leaving you tonight

I'm broke and abandoned

You are an angel

Making all my dreams come true tonight'

 

Hindi ko na hinintay pang matapos niya ang kanta niya. Iyong pamilyar na pakiramdam ng mga tutubi sa tiyan ko ay bumabalik. Habang hindi pa sila nagrarally ay agad na akong lumayo. I can't afford feeling them again.

God. Did really fall inlove with a broken man?

"Bakit bigla ka na lang tumakbo?" anas ng isang boses sa aking likuran. Tumigil ako sa paglalakad at hindi siya hinarap. Ang kamay ko ay kumuyom habang napapapikit na lang ako.

"Bakit naman ako tatakbo?" sagot ko. Narinig ko ang mga yapak niya, sunod kong nalaman ay nasa harapan ko na siya. Ngumiti siya sa akin pero hindi iyon umabot sa kanyang mata.

"Habit mo yun, alam mo ba. Running from me, that is." Aniya. Nanlaki ang mata ko at tiningnan siya.  Natawa na lamang ako at pinagkrus ang braso ko sa aking dibdib.

"Why would I run away from you August?"

Nagkibit baikat siya. "I don't know. Why don't you tell me?" alok niya sa akin. Yumuko na lamang ako, iyong mga tutubi ko ay tuluyan ng nagkagulo. Napapikit ako ng mariin.

I am afraid to fall inlove with him. I would rather hate the skater boy than love him. Pero ang bawat maliit na dahilan ko para hindi mahulog sa kanya ay palaging nawawala kapag nakikita ko ang totoong siya.

"I don't know." Bulong ko. Hinintay kong magsalita siya noong bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko. Nagkauntog pa ang singsing naming dalawa sa kanyang ginawa.

Holding his hand is fulfillment. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin habang tinitingnan ko ang mga kamay namin, iyong mga singsing namin ay magkadikit.

Dinala niya ako sa may parke. Sa likod ng kanyang BMW ay kinuha niya ang kanyang skateboard at binuhat niya iyon. Inakay niya ako papunta sa may burol at umakyat kami roon.

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now