Thank You

56.8K 1.7K 103
                                    

30

"Have you ever considered dating Charles?"ani ni Tatay habang nag aalmusal kami. Nahinto ako sa pagsubo ng pancake bago umiling sa kanya.

"Alessandro, alam mong hindi gusto ni Shana ang lalaking iyon."

"She can learn to like him Phoebe."

Nakagat ko na lamang ang labi ko habang pinapakinggan ang pagtatalo ng mga magulang ko. Sina Kuya at si Ate Toryang ay nakatingin lamang sa akin na puno ng pag-aalala. Patuloy lamang ako sa paglalaro sa pagkain ko dahil wala akong gana.

I haven't seen Augustine for days. Ilang beses ko na siyang iniiwasan dahil gusto ko munang malaman kung ano ba ang sinasabi ni Tatay na laro nilang dalawa. Am I the game? Did he just play with me? Nakakatakot isipin na baka tama si Tatay. Maybe August never really loved me, kaya siguro kami nagkahiwalay dahil doon.

Para akong sinaksak sa naisip ko. Agad akong tumayo mula sa lamesa at umalis sa hapag. Nagmamadali akong umakyat noong narinig ko ang tawag ni Tatay sa akin. Tinuro niya ang kanyang opisina at tahimik akong sumunod sa kanya.

"Sit." Utos niya bago siya umupo sa likuran ng kanyang lamesa. Ginawa ko ang gusto ni Tatay na mariin ng nakatingin sa akin.

"Gusto kang ligawan ni Charles." Walang paligoy ligoy niyang sabi. Gulat akong napatingin kay Tatay at halos hindi na ako makapagsalita sa narinig mula sa kanya.

"No. Tay, ayaw ko." Madiin kong sabi. Iyong kamay ko ay kumuyom sa laylayan ng aking damit. I won't let Charles near me. I cannot. Hindi ko kayang isipin na may iba pa akong lalaking pakikisamahan bukod kay Augustine. At kahit na magulo pa ang relasyon namin ay hindi ko naman gagamitin si Charles bilang rebound.

"Ano bang kinaayawan mo sa lalaking iyon?" naiinis ng tanong ni Tatay. Yumuko lamang ako at pinaglaruan iyong singsing ko.

"I..I am inlove with somebody else." Bulong ko. Narinig ko ang langitngit ng upuan ni Tatay bago ang kanyang buntong hininga.

"You cannot love Augustine Shana."

"Why?" naiiyak ko ng sabi. Pinagdikit dikit ni Tata yang mga daliri niya at doon niya ipinatong ang kanyang baba.

"Hindi ko sia gusto para sayo Shana. Montreal ka, you deserve perfection." Mayabang na sabi ni Tatay. Napailing na lamang ako bago ako humarap sa kanya.

'I am the diamond you left in the dust
I am the future you lost in the past
Seems like I never compared
Wouldn't notice if I disappeared'

"Mahal ko si Augustine Yturralde, at habang mas tumatagal na pinipigilan mo kaming dalawa, mas nasasaktan kami Tatay. Mas nasasaktan ako. You are my father, pero ikaw pa ang may ayaw na sumaya ako." Basag ang boses kong sabi. Noon, when my father forced Ate Toryang to leave Kuya ay naintindihan ko pa siya. I know that he is doing that because both of them are not yet ready for a relationship. Ginawa lamang iyon ni Tatay dahil ayaw niyang umikot lang ang mundo nila Kuya sa isa't isa.

But now, ngayong ginagawa rin niya sa akin ito ngayon, nalilito na ako. I cannot understand the logic. He is my father. Siya dapat ang pumuprotekta sa akin.

'You stole the love that I saved for myself
And I watched you give it to somebody else
But these scars no longer I hide
I found the light you shut inside
Couldn't love me if you tried'

Umayos ng upo si Tatay habang nakatingin sa akin. "The world is a huge torture machine Shana. Gustuhin ko mang saluin lahat ng sakit na pwedeng ibato sa inyo ni Stanley ay gagawin ko. Ayos lang na ako ang masaktan, wag lamang kayong dalawa. But then, I will not live forever. Balang araw ay maiiwan kayong dalawa. Since I cannot protect you all the way, I will just make you stronger."

Hating The Skater Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now